Ang mga ilaw-trapiko ay mga aparatong nagsesenyas na ipinuwesto sa mga interseksiyon, tawiran, at iba pang mga lokasyon upang makontrol ang daloy ng trapiko.[1]

Isang LED 50-watt na ilaw trapiko sa Portsmouth, Reyno Unido

Karaniwang binubuo ang mga ilaw-trapiko ng tatlong panenyas, na nagpaparating ng makabuluhang impormasyon sa mga taong nasa kalsada sa pamamagitan ng mga kulay at simbolo katulad ng mga palaso at bisikleta. Pula, dilaw (kilala rin bilang ambar), at berde ang mga karaniwang kulay ng ilaw-trapiko na nakaayos nang patayo o pahalang sa gayong sunuran. Bagama't isinapamantayan sa buong mundo,[2] may mga iilang baryasyon na umiiral sa mga pambansa at lokal na antas hinggil sa mga sunuran at batas ng ilaw-trapiko.

Unang ipinakilala itong pamamaraan noong Disyembre 1868 sa Parliament Square sa London upang mabawasan ang kinakailangang pulis sa pagkontrol ng trapiko.[3] Mula noon, kuryente at kompyuterisasyon ang mga nagpasulong sa teknolohiya ng ilaw-trapiko at nagdagdag sa kapasidad ng mga interseksiyon.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. McShane, Clay (Marso 1999). "The Origins and Globalization of Traffic Control Signals" [Mga Pinagmulan at Globalisasyon ng Mga Panenyas ng Kontrol sa Trapik] (PDF). Journal of Urban History (sa wikang Ingles). 25 (3): 379–404. doi:10.1177/009614429902500304. Nakuha noong 27 Oktubre 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Convention on Road Signs and Signals of 1968; European Agreement Supplementing the Convention; and, Protocol on Road Markings, Additional to the European Agreement : (2006 consolidated versions) [Kombensyon sa Mga Palatandaan at Senyales sa Daan ng 1968; Kasunduan sa Europa ng Pagdagdag sa Kombensyon; at; Protokol sa Mga Marka sa Daan, Karagdagan sa Kasunduan sa Europa : (pinagsama-samang bersiyon ng 2006)]. New York: United Nations. Economic Commission for Europe. Transport Division. 2007. ISBN 978-92-1-139128-2. OCLC 227191711.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thames Leisure. "12 Amazing Facts About London" [12 Kamangha-manghang Katotohanan Tungkol sa London] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2017. Nakuha noong 25 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sessions (1971), p. 141.