Abenida Chino Roces
Ang Abenida Chino Roces (Ingles: Chino Roces Avenue), na kilala dati bilang (at mas-kilala pa rin ng marami bilang) Pasong Tamo, ay isang kilalang lansangang panlungsod na dumadaan mula hilaga-patimog sa mga lungsod ng Makati at Taguig sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Sinasaklaw nito ang 5.8 kilometro (o 3.6 milyang) ruta mula Olympia at Tejeros sa Makati hanggang Fort Bonifacio sa Taguig. Pinangalanan ito mula kay Joaquin Roces, isang mamamahayag na nagtatag ng Manila Times at ABC (ngayon ay TV5). [1]
Abenida Chino Roces Chino Roces Avenue | |
---|---|
Pasong Tamo | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 5.8 km (3.6 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Abenida J.P. Rizal sa Tejeros-Olympia, Makati |
| |
Dulo sa timog | Abenida Lawton sa Fort Bonifacio, Taguig |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Paglalarawan ng ruta
baguhinAng hilagang dulo ng Abenida Chino Roces ay sa sangandaan nito sa Abenida J.P. Rizal. Dadaan ito patimog-kanluran sa mga baranggay ng Olympia, Tejeros, Santa Cruz, at La Paz. Paglampas ng Kalye Bagtikan sa Brgy. San Antonio, liliko ang Chino Roces patimog, at nagiging mas-komersyal ang anyo nito paglapit nito sa Abenida Gil Puyat. Tutuloy ito sa direksyong patimog sa kanlurang hangganan ng Makati Central Business District. Magiging pinaghalong komersyal at industriyal ang anyo nito habang nagpapatuloy ito patungong EDSA. Dadaan ito sa ilalim ng Palitan ng Magallanes/EDSA sa pamamagitan ng daang pang-ilalim. Paglampas, magsisilbing daang serbisyo ang Abenida Chino Roces sa South Luzon Expressway. Sa bahaging ito ng abenida nililinyahan ng mga magagaang industriya at komersyante ng sasakyan, gayundin ang iilang maliliit na pabrika. Tatapos ang abenida sa Abenida Lawton sa loob ng Fort Bonifacio.
May isang maikling tagapag-patuloy ang Abenida Chino Roces mula Abenida J.P. Rizal hanggang Carmona at Circuit Makati (dating Santa Ana Race Track) bilang Abenida Aurelio Reyes. Kilala bilang "Little Tokyo" ang bahagi ng abenida mula Kalye V.A. Rufino hanggang Abenida Arnaiz dahil dito matatagpuan ang ilang mga kainan at tindahang Hapones.[2]
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "A resolution renaming Pasong Tamo Street" (PDF). Makati City Government. Nakuha noong 11 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The best of Little Tokyo". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-16. Nakuha noong 11 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)