The Philippine Star

dyaryo sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Philippine Star)

Ang The Philippine Star (kanilang ineestilo na The Philippine STAR) ay isang pahayagan sa Pilipinas na may bersiyong nakalimbag at digital. Ito rin ang pangunahing brand ng PhilStar Media Group. Una itong inilathala noong 28 Hulyo 1986 ng mga beteranong mamamahayag na sina Betty Go-Belmonte, Max Soliven at Art Borjal, at isa ito sa maraming pahayagang itinatag makaraan ang 1986 People Power Revolution.

The Philippine Star
UriArawan pahayagan
Pagkaka-ayosBroadsheet at News website
Nagmamay-ariPhilStar Daily, Inc.
MediaQuest Holdings (51%)
Belmonte Family (21%)
Pribadong stock (28%)
TagapaglimbagPhilippine Star Printing Co., Inc.
Editor-in-chiefAna Marie Pamintuan
Itinatag28 Hulyo 1986; 38 taon na'ng nakalipas (1986-07-28)
WikaIngles
Himpilan202 Roberto S. Oca St. cor Railroad St. Port Area, Maynila, Pilipinas
SirkulasyonLun–Sab: 262,285 (2012)[1]
Linggo: 286,408 (2012)[1]
Kapatid na pahayaganBusinessWorld
Pilipino Star Ngayon
Pang-Masa
The Freeman
Banat
OCLC854909029
Websaytwww.philstar.com

Ang pahayagan ay pagmamay-ari at inilalathala ng Philstar Daily Inc., na siya ring naglalathala ng buwanang magasin na People Asia at ng Sunday magazine na Starweek, Gist at Let’s East. Bilang bahagi ng PhilStar Media Group, kasama sa mga sister publication nito ang pangnegosyong pahayagang BusinessWorld; ang nakabase sa Cebu na pahayagang Ingles na The Freeman; mga Filipinong tabloid na Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa; Cebuanong tabloid na Banat, at online news portal InterAksyon. Noong Marso 2014, nabili ang pahayagan ng MediaQuest Holdings., isang media conglomerate ng PLDT Beneficial Trust Fund, makaraang bilhin ng kompanya ang majority stake sa Philstar Daily, Inc.

Ang The Philippine Star ay isa sa mga pahayagang may pinakamalawak na sirkulasyon sa Pilipinas, na umaabot sa higit 200,000 sipi araw-araw, ayon sa Philippine Yearbook 2013.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Communications" (PDF). Philippine Yearbook 2013. Maynila, Pilipinas: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 4 Agosto 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)