Estasyon ng Buendia (PNR)

(Idinirekta mula sa Estasyong daangbakal ng Buendia)

Ang Buendia ay isang dating estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa kanto ng Abenida Gil Puyat (dating Calle Buendia) at South Luzon Expressway sa Makati.

Buendia
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Estasyong Buendia noong Marso 2012
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonSouth Luzon Expressway pgt. Gil Puyat Avenue
Pio del Pilar, Makati
Koordinato14°33′26.47″N 121°0′29.17″E / 14.5573528°N 121.0081028°E / 14.5573528; 121.0081028
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya Linyang Patimog
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoDIA
Kasaysayan
Nagbukas1975
NagsaraSeptyembre 8, 2017
Muling itinayo1990, 2009
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
  Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba

Ang estasyong Buendia ay ang ikasiyam na estasyon mula sa Tutuban at isa sa mga tatlong estasyon na naglingkod sa Makati, ang dalawang iba pang estasyon ay Pasay Road at EDSA. Panghabambuhay na isinara ito noong Setyembre 2017 upang mabigyang-daan sa bagong-tayo at mas-maluwang na estasyong Dela Rosa na matatagpuan sa katimugang dulo ng dating estasyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Labas ng Estasyong Buendia noong 2006, bago ang pagkukumpuni nito.

Binuksan ang estasyong Buendia noong Nobyembre 24, 1975 bilang bahagi ng Ikawalumpu't-tatlong Anibersaryo ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas na nagkataon sa pagdodoble ng mga riles mula Paco hanggang Pasay Road. Ikinumpuni ang estasyon mula 1989 hanggang 1990 para sa serbisyo ng Metrotren Commuter.

Noong ginanap ang Proyektong Pag-uugnay ng Northrail-Southrail, itinaas ang mga plataporma ng estasyon kasama ang pagkukumpuni ng lugar ng estasyon at pormal nang binuksang muli ito noong Hulyo 14, 2009.

 
Ang isinarang estasyon noong Pebrero 2018.

Noong ika-8 ng Setyembre 2017, isinara ang estasyon dahil sa maiikling platform na hindi magkasya ang mga tren na may apat hanggang limang bagon. Ang isang bagong estasyon (na tinawag na Dela Rosa) ay itinayo sa timog nito.

Mga kalapit na pook-palatandaan

baguhin

Malapit ang estasyon sa Cash and Carry Mall sa Barangay Palanan at sa isang SM Hypermarket sa kabilang dako ng South Luzon Expressway sa Barangay San Isidro. May-kalayuan mula sa estasyon ay ang Makati Cinema Square, Exportbank Plaza at ang mga pambansang mataas na paaralan ng San Antonio, Pio Del Pilar at San Isidro. Isang kumpol ng mga kondominyum ng Cityland ay matatagpuan din sa likod ng estasyon.

Mga kawing pantransportasyon

baguhin
 
Estasyong Buendia na tanaw mula sa Abenida Gil Puyat.

Mapupuntahan ang estasyong Buendia gamit ang mga dyipni at bus na dumadaan sa mga ruta ng Abenida Taft at South Luzon Expressway. Matatagpuan sa tapat ng estasyon sa kabilang gilid ng Abenida Gil Puyat ang isang terminal para sa mga sasakyang de-padyak ng San Antonio, habang ang mga sasakyang de-padyak ng Pio del Pilar naman ay nagbababa rin ng mga mananakay sa estasyon.

Matatagpuan ang estasyon sa pagitan ng Estasyong Buendia ng MRT na nasa sangandaan ng abenida at EDSA at ng Estasyong Gil Puyat ng LRT na nasa sangandaan ng abenida at Abenida Taft.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Cash and Carry Mall, SM Hypermarket, Mga kondominyum ng Cityland

Tingnan din

baguhin