Lansangang-bayang N62

(Idinirekta mula sa Lansangang N62 (Pilipinas))

Ang Pambansang Ruta Blg. 62 (N62) ay bumubuo sa sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.[1] Dumadaan ito patimog mula Maynila patungo sa hilaga-silangang Kabite.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Parañaque papuntang Las Piñas

baguhin

Ang hilagang bahagi ng N62 ay bumubuo sa isang pangunahing daang kolektor na dumadaan mula hilaga-patimog sa katimugang Kalakhang Maynila. Dati isang bahagi ng Calle Real, isa na itong pang-apatang daang arteryal na hindi hinahatian ng panggitnang harangan na itinakda bilang bahagi ng Daang Radyal Blg. 2 (R-2) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan. Dumadaan ito kalinya ng Bulebar Roxas at Manila–Cavite Expressway sa kanluran. Kilala ang bahagi ng N62 sa Parañaque bilang Abenida Elpidio Quirino, at ang bahagi sa Las Piñas bilang Abenida Padre Diego Cera.

Las Piñas papuntang Bacoor

baguhin

Ang katimugang bahagi ng N62 ay bumubuo sa bahagi ng Lansangang Emilio Aguinaldo, na kilala rin bilang Daang Cavite-Batangas at Manila West Road. Isa itong pang-apatan hanggang pang-animan at 41 kilometro (o 25 milyang) lansangan na dumadaan sa mga ma-abalang lungsod at bayan ng Kabite.[2][3][4][5]

Bacoor papuntang Noveleta

baguhin

Tutuloy ang bahaging Lansangang Aguinaldo sa timog bilang mga Pambansang Ruta Blg. 419 at 410, habang liliko ang N62 sa kanluran bilang Lansangang Tirona mula Bacoor hanggang Noveleta.

Noveleta papuntang Lungsod ng Cavite

baguhin

Kilala ang huling bahagi ng N62 bilang Daang Manila–Cavite, mula Noveleta papuntang Lungsod ng Cavite.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2016 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 8 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Las Piñas-Munti". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 7 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Cavite Sub". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 7 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cavite 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-08. Nakuha noong 7 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Cavite". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-09. Nakuha noong 7 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin