Abenida Diego Cera

daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Padre Diego Cera (Ingles: Padre Diego Cera Avenue) ay isang hilaga-patimog na daang kolektor sa Las Piñas, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong daang arteryal na apat ang mga linya at hindi nahahati ng panggitnang harangan at dumadaan kalinya ng Manila–Cavite Expressway sa kanluran. May haba itong 3.0 kilometro (1.9 milya). Nagsisimula ito sa Barangay Manuyo Uno bilang karugtong ng Abenida Elpidio Quirino na galing sa Parañaque. Nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Daang Alabang–Zapote sa Barangay Zapote sa parehong lungsod. Tutuloy ito bilang Lansangang Aguinaldo na papuntang lalawigan ng Kabite.

Abenida Padre Diego Cera
Padre Diego Cera Avenue
Calle Real
Abenida Diego Cera papuntang hilaga sa Barangay Ilaya
Impormasyon sa ruta
Haba3.0 km (1.9 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N62 (Abenida Elpidio Quirino) / Kalye Villareal sa Parañaque
 Karugtong ng Daang C-5
Daang Naga
Dulo sa timog N62 (Lansangang Aguinaldo) / N411 (Daang Alabang–Zapote) sa Barangay Zapote
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodParañaque, Las Piñas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Bahagi ang abenida ng Pambansang Ruta Blg. 62 (N62) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas at ng Daang Radyal Blg. 2 (R-2) ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila.

Ang abenida ay nasa makasaysayang koridor ng Las Piñas, sapagkat dito matatagpuan ang mga makasaysayang lugar tulad ng Simbahan ng Las Piñas, Las Piñas Gabaldon Hall, at lumang Pagamutang Pandistrito ng Las Piñas.[1]

Minamarka ng abenida ang dating baybaying-dagat ng Look ng Maynila sa Las Piñas noong panahon ng mga Kastila. Bago itinayo ang Coastal Road noong 1985, bahagi ito ng Calle Real (o Camino Real) na isang lansangang pambaybaying-dagat na nag-uugnay ng Maynila sa Muntinlupa at Kabite. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang baybaying-dagat sa mga 400 hanggang 600 metro sa kanluran. Ang bahagi ng Calle Real sa katimugang Las Piñas ay pinangalanang Daang Alabang–Zapote, habang ang bahaging Parañaque ay pinangalanang Abenida Elpidio Quirino. Ang bahaging Maynila ay pinangalanang Kalye Del Pilar, at Abenida Harrison naman para sa bahaging Pasay.

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Abenida Diego Cera sa hilaga ng Daang Alabang-Zapote sa Barangay Zapote

Nagsisimula ang Abenida Diego Cera sa Barangay Manuyo Uno bilang karugtong ng Abenida Elpidio Quirino sa timog ng Kalye Villareal at dumadaang kalinya ng Manila–Cavite Expressway sa bandang kanluran at Kalye Tramo sa bandang silangan. Dadaan ito patimog at papasok sa mga lumang kabayanang barangay ng Daniel Fajardo at Elias Aldana kung saang matatagpuan ang dating Gusaling Pambayan ng Las Piñas at ang Simbahan ng Las Piñas. Pagtawid ng Ilog Las Piñas sa pamamagitan ng Tulay ng Diego Cera, papasok ang abenida sa Barangay Pulang Lupa kung saang matatagpuan ang lumang pabrika ng Sarao Motors at ang Pangkalahatamg Ospital ng Las Piñas. Babagtasin nito ang Karugtong ng Abenida Carlos Garcia (C-5) at Daang Naga bago makarating sa Barangay Zapote. Nagtatapos ang abenida sa may Daang Alabang–Zapote malapit sa hangganang Kabite kung saang tutuloy ito bilang Lansangang Aguinaldo.

Ilan sa iba pang mga kilalang palatandaang-pook sa kahabaan ng abenida ay ang Saint Joseph's Academy, Plaza Quezon, Sementeryong Katoliko ng Las Piñas, Maricielo Villas at Pamilihang Bayan ng Zapote.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Las Piñas historical corridor: Soul of the city". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 4 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°28′51″N 120°58′53″E / 14.48083°N 120.98139°E / 14.48083; 120.98139