Francis Burton Harrison
Si Francis Burton Harrison (18 Disyembre 1873 – 21 Nobyembre 1957) ay naglingkod bilang Amerikanong Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Siya nagsilbing Kinatawan ng Estados Unidos. Siya ay isang tagapayo ng pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang tanging Gobernador-Heneral ng Pilipinas na pinagkalooban ng pagkamamamayang Pilipino.
Francis Burton Harrison | |
---|---|
Gobernador-Heneral ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 6 Oktubre 1913 – 5 Marso 1921 | |
Pangulo | Woodrow Wilson |
Nakaraang sinundan | Newton W. Gilbert |
Sinundan ni | Charles Yeater |
Personal na detalye | |
Isinilang | Francis Burton Harrison December 18, 1873 New York City, United States |
Yumao | 21 Nobyembre 1957 Hunterdon Medical Center, Raritan Township near Flemington, New Jersey, U.S. | (edad 83)
Himlayan | Manila North Cemetery, Manila, Philippines |
Talambuhay
baguhinSi Harrison ay ipinanganak sa Lungsod ng New York kina Burton Harrison na isang abugado at pribadong sekretarya ng Confederate President Jefferson Davis, at Constance Cary Harrison na isang nobelista at arbiter na panlipunan. Siya ay apo sa tuhod ni Thomas Fairfax, 9th Lord Fairfax of Cameron. Sa pamamagitan ni Fairfax sa kapanganakan at kasal, si Harrison ay kamag-anak ng mga tagapagtatag na ama ng Estados Unidos na sina Gouverneur Morris, Thomas Jefferson, Robert E. Lee, the Randolphs, Ishams, at Carters. Si Harrison ay nagtapos sa Yale University noong 1895 kung saan siya kasapi ng lihim na lipunang Skull and Bones.[1]:166. Siya ay nagtapos sa New York Law School noong 1897 at mula 1897 hanggang 1899, ay guro sa dibisyong panggabi ng New York Law School. Kalaunang siyang nagsilbi sa United States Army noong Digmaang Espanyol-Amerikano sa simula bilang captain at kalaunang assistant adjutant general.
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
baguhinSi Harrison ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas mula 1913 hanggang 1921 at nagsagawa ng "Pilipinisasyon" ng serbisyong sibil na ikinigalit ng mga Amerikano sa Pilipinas. Noong 1913, ang mga opisyal na Pilipino sa serbisyong sibil ay 6,363 at ang mga opisyal na Amerikano sa Pilipinas ay 2,623 ngunit noong 1921 ay tumaas ang bilang ng mga opisyal na Pilipino sa 13,240 at bumagasak ang mga opisyal na Amerikano sa Pilipinas sa 614. Siya ay binatikos ng mga Amerikano sa pagbabago sa isang "kolonyal na pamahalaan ng mga Amerikano na tinutulungan ng mga Pilipino" tungo sa isang "pamahalaan ng mga Pilipino na tinutulungan ng mga Amerikano" at bilang "isang laruan at kasangkapan ng mga pinuno ng Partido Nacionalista".[2]
Kamatayan
baguhinSi Harrison ay namatay sa Hunterdon Medical Center sa Raritan Township malapit sa Flemington, New Jersey. Kanyang isinaad sa kanyang kalooban na ilibing siya sa Pilipinas. Siya ay inilibing sa Libingang Norte sa Maynila.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The twelfth general catalogue of the Psi Upsilon Fraternity. 1917. Nakuha noong Marso 24, 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://countrystudies.us/philippines/18.htm
- ↑ "F. B. Harrison, 83, U.S. Ex-aide, Dies; Philippine Governor General 1913-21 Represented City For Four Terms In House". The New York Times. Nobyembre 22, 1957. Nakuha noong 2010-02-09.
Francis Burton Harrison, Governor General of the Philippines from 1913 to 1921, died today of a heart ailment in Hunterdon Medical Center. His age was 83. He lived in near-by Califon.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.