Ang Abenida South (Ingles: South Avenue) ay isang maiksing karugtong ng Abenida Ayala sa hilaga ng Abenida Metropolitan sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang haba nito ay 0.9 kilometro (0.6 milya). Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng Manila South Cemetery sa silangan at Barangay Santa Cruz sa kanluran. Ang katimugang dulo nito ay sa Barangay San Antonio at ang hilagang dulo nito ay sa Barangay Olympia sa sangandaan nito sa Kalye Hipodromo kaharap ng dating kinalalagyan ng Santa Ana Race Track (na muling inuusbong ngayon ng Ayala Land bilang Circuit Makati).[1][2] Hindi pa tiyak sa ngayon kung saan hinango ang pangalan ng abenida, ngunit maari na mula ito sa semeteryong dinadaan nito.

Abenida South
South Avenue
Abenida South noong 2013.
Impormasyon sa ruta
Haba0.9 km (0.6 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaKalye Hipodromo, Barangay Olympia
 Abenida J.P. Rizal
Abenida Kalayaan
Karugtong ng Kalye Pablo Ocampo
Dulo sa timogAbenida Metropolitan, Barangay San Antonio
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Isang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3 ng Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kamaynilaan ang Abenida South.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "News - Makati". MakeItMakati.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-03. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ayala transforms race track into Broadway, football hub". Rappler. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′3″N 121°1′3″E / 14.56750°N 121.01750°E / 14.56750; 121.01750