Bonifacio Global City

sentrong distrito ng negosyo sa Lungsod ng Taguig, Pilipinas

Ang Bonifacio Global City (lit. "Pandaigdigang Lungsod ng Bonifacio", kilala rin bilang BGC, Global City, o The Fort) ay isang distrito ng pananalapi at negosyo sa Taguig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Matatagpuan ito 11 kilometro (6.8 mi) timog-silangan ng kabisera, Maynila. Umunlad ang distrito matapos mabenta ang isang 440 ha (1,100 akre) base militar sa Fort Bonifacio ng Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base o BCDA. Ang buong distrito ay dating bahagi ng pangunahing kampo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.[3]

Bonifacio Global City
Sentrong Distrito ng Negosyo
Mula kaliwa pakanan: Tanaw-langit, Burgos Circle sa Forbes Town Center, St. Luke's Medical Center, Market! Market!, Bonifacio High Street, Pamilihang Sapi ng Pilipinas, Track 30th Park, Central Square, 3D LED Billboard sa High Street
Mga palayaw: 
BGC
Global City
Fort Bonifacio Global City
The Fort
Bonifacio Global City sa loob ng Taguig
Bonifacio Global City sa loob ng Taguig
Bonifacio Global City is located in Kalakhang Maynia
Bonifacio Global City
Bonifacio Global City
Lokasyon ng Bonifacio Global City sa Kalakhang Maynila
Mga koordinado: 14°33′02.9″N 121°3′3.5″E / 14.550806°N 121.050972°E / 14.550806; 121.050972
CountryPilipinas
RegionPambansang Rehiyong Kapital
CityTaguig
BarangayFort Bonifacio
Ipinangalan kay (sa)Andrés Bonifacio
Taas
16.0 m (52.5 tal)
Pinakamataas na pook40 m (130 tal)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Zip code
1635[2]
Kodigo ng lugar2
Websaytbgc.com.ph

Bahagi ang Bonifacio Global City ng Fort Bonifacio, isang barangay sa Taguig. Bago ang paglikha ng naturang barangay noong 2008, naging bahagi ito ng barangay Ususan.

Dati, inangkin din ito ng Makati bilang bahagi ng mga barangay nito Post Proper Northside at Post Proper Southside, kapwa bahagi ng mga barangay Embo na kalaunan ay inilipat sa Taguig noong 2023. Inaangkin din ng Pateros ang pook bilang bahagi ng teritoryo nito.

Noong Pebrero 7, 1995, sinimulan ng Bonifacio Land Corporation (BLC) ang pagplano ng maunlad na lunsod—Bonifacio Global City. Nanalo sa bidding ang BLC para maging kasosyo ng BCDA sa pagpapaunlad ng distrito. Sa pamamagitan ng Ayala Land, Inc., at Evergreen Holdings, Inc. ng Pangkat Campos, bumili ang Ayala Corporation ng controlling stake sa BLC mula sa Metro Pacific noong 2003. Kinokontrol na ngayon ng BCDA at ang dalawang kompanya ang Fort Bonifacio Development Corporation, na nangangasiwa sa pagpaplano ng Bonifacio Global City.

Kasaysayan

baguhin
 
Mga miyembro ng Maghahanap ng Pilipinas sa Kutang McKinley (tinatawag na Kutang Bonifacio ngayon) na nagpapaputok ng 37-mm baril na kontra-tangke habang nag-eensayo

Noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas, nakakuha ang gobyerno ng Amerika ng 25.78-square-kilometer (9.95 mi kuw) na pag-aaari sa may lugar na pinagtatalunan ng Makati, Taguig at Pateros noon para sa layuning militar. Itong pook (1902 ang petsa ng TCT) ay ginawang kampo na kilala noon bilang Kutang William McKinley na ipinangalan kay William McKinley, ang ika-25 pangulo ng Amerika. Matapos makamit ng Pilipinas ang kalayaang pampolitika mula sa Estados Unidos noong Hulyo 4, 1946, ipinagkaloob ng Amerika sa Republika ng Pilipinas ang lahat ng karapatan sa pagmamay-ari, hurisdiksyon, pangangasiwa, at kontrol sa teritoryo ng Pilipinas maliban sa paggamit ng kanilang mga base militar. Noong Mayo 14, 1949, ibinigay ang Kutang McKinley sa pamahalaan ng Pilipinas sa bisa ng Tala ng Embahada ng Amerika Blg. 0570.[4]

Sa ilalim ng pangunguna ni Hen. Alfonso Arellano ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ang Kutang McKinley ay ginawang permanenteng punong himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong 1957 at kalaunang pinalitan ang pangalan ng Kutang Bonifacio,[5] hango sa Ama ng Rebolusyong Pilipino laban sa Espanya, Andrés Bonifacio, na tubong Taguig ang kanyang ama na si Santiago Bonifacio.

Nang ilagay ni Ferdinand Marcos ang Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong 1972, pinagpuwestuhan ang Kutang Bonifacio ng tatlong kulungang puno ng mga bilanggong politikal - Ipil Reception Center (minsan tinatawag na Ipil Detention Center), isang pasilidad na may mas mataas na seguridad na tinatawag na Youth Rehabilitation Center (YRC),[6] at ang Maximum Security Unit kung saan ikinulong sina Senador Jose W. Diokno at Benigno Aquino Jr.[7] Ipil ang naging pinakamalaking bilangguan para sa mga bilanggong politikal noong batas militar. Kabilang sa mga bilanggong ikinulong doon ang ilan sa mga nangungunang akademiko, malikhaing manunulat, mamamahayag, at mananalaysay ng bansa tulad nina Butch Dalisay, Ricky Lee, Bienvenido Lumbera, Jo Ann Maglipon, Ninotchka Rosca, Zeus Salazar, at William Henry Scott.[8] Ikinulong naman sa YRC ang mga kilalang tao sa lipunan at mga personalidad sa midya, kabilang dito sina Tonypet at Enrique Araneta, delegado ng Kombensiyong Konstitusyonal na si Manuel Martinez, makata Amado V. Hernandez, at pangulo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na si Nemesio Prudente.[9] Matapos isapribado ang Kutang Bonifacio, ang pinagpuwestuhan ng Ipil ay naging pook malapit sa SNR at Home Depot, malapit sa Ika-32 Kalye at Ika-8 Abenida sa Bonifacio Global City,[8] habang ang YRC ay naging pasilidad ng gobyerno sa labas ng distritong pangnegosyo.[10]

Noong Marso 19, 1992, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Bases Conversion and Development Act of 1992 (Batas Republika Blg. 7227) upang maging batas, na naglikha sa Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base (BCDA, naatasang ikumberto ang mga Base Militar na maging "mga integradong kaunlaran, dinamikong sentro ng negosyo at masiglang komunidad."[11][12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Remo, Amy (17 Pebrero 2018). "Rise of the new city" [Pagbangon ng bagong lungsod]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Zip Code 2019" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Postal Corporation. p. 3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 5 Oktubre 2020. Nakuha noong 15 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bennett, Paul (Mayo 1998). "Manilan Amalgam". Landscape Architecture (sa wikang Ingles). Bol. 88, blg. 5. American Society of Landscape Architects. pp. 42–45. JSTOR 44680359. Fort Bonifacio Global City, isang pangunahing sentro ng lungsod na hindi lang makakalaban sa kalapit na Mikati, ang pusturiyosong distrito ng negosyo ng Maynila, ngunit tatayo sa entablado ng mundo, hinahangaan mula sa malayo ng mga taga-Paris, taga-New York, at taga-London. (Isinalin mula sa Ingles){{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "About this Collection | United States Treaties and Other International Agreements | Digital Collections | Library of Congress" [Tungkol sa Koleksyon na ito | Mga Kasunduan sa Estados Unidos at Iba Pang Internasyonal na Kasunduan | Mga Digital na Koleksyon | Silid-aklatan ng Kongreso] (PDF). Library of Congress (sa wikang Ingles).
  5. "Barangay West Rembo Profile" [Perpil ng Barangay West Rembo] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Detention CampManila Today | Manila Today". www.manilatoday.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2014. Nakuha noong Abril 19, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. de Villa, Kathleen (Setyembre 22, 2018). "Remnants of a dark era" [Mga labi ng madilim na panahon] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 21, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Velarde, Emmie G. (Setyembre 22, 2014). "Screenwriter Ricky Lee lived 3 lives in detention" [Manunulatsay Ricky Lee, nabuhay ng 3 buhay sa detensyon]. INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The NPA, a tunnel, and a prison escape plot" [Ang NPA, isang tunel, at isang planong tumakas sa kulungan]. www.martiallawchroniclesproject.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 21, 2020. Nakuha noong Abril 19, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hilario, Ernesto M. "Martial Law Stories: Never Again to Martial Law" [Mga Kuwento sa Batas Militar: Huwag Ulitin Ang Batas Militar]. Positively Filipino (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "About Us | Bases Conversion and Development Authority".
  12. Batas Republika Blg. 7227 (13 Marso 1992), An Act accelerating the conversion of military reservations into other productive uses, creating the Bases Conversion and Development Authority for this purpose, providing funds therefor and for other purposes (PDF), nakuha noong Mayo 13, 2023{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)