Jose W. Diokno
Si Jose Wright Diokno GCrL, o mas kilala sa kanyang palayaw na Ka Pepe, ay isang abugado at estadista sa Pilipinas. Siya ay tinatawag na "Ang Ama ng Karapatang Pantao". Si Diokno ay ang nagsimuno ng Free Legal Assistance Group o FLAG, ang pinakamalaking grupo ng abugadong may paglilingkod sa karapatang pantao sa bansa. Si Diokno rin ay ang nagsimuno ng Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) sa Pilipinas, na kung saan ang kanyang rebulto ay makikita sa harap ng gusali ng CHR. Isa siyang senador, abugado, aktibista, manunulat, ama, direktor ng Philippine Tuberculosis Society, Inc., kontador, at iba pa. Si Diokno ay ang pinuno na naglaban sa diktatura ni Ferdinand Marcos at ang mga militar ng Amerikano sa himpilan ng hukbong pandagat ng Subic, Zambales at sa Clark Air Base, Pampanga. Sa wakas ay umalis si Marcos sa kanyang pusisyon noong People Power Revolution ng 1986 at ang mga Amerikanong militar noong 1992. Si Diokno rin ay ang ama ng karapatang pantao sa Asya, at siya ay nagsulat ng ''Declaration of the Basic Duties of ASEAN Peoples and Governments" kasama ng Regional Council of Human Rights in Asia noong 1983, ang unang deklarasyon ng karapatang pantao sa buong kontinente ng Asya.
Jose W. Diokno | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1963 – 23 Setyembre 1972[1] | |
Kalihim ng Katarungan | |
Nasa puwesto 2 Enero 1962 – 19 Mayo 1962 | |
Pangulo | Diosdado Macapagal |
Nakaraang sinundan | Alejo Mabanag |
Sinundan ni | Juan Liwag |
Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao | |
Nasa puwesto 18 Marso 1986 – 23 Enero 1987 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 26 Pebrero 1922 Ermita, Maynila, Kapuluan ng Pilipinas |
Yumao | 27 Pebrero 1987 55 Third Street, New Manila, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas | (edad 65)
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Partido Nacionalista |
Asawa | Carmen Reyes Icasiano-Diokno |
Relasyon | NHCP Chair Maris Diokno (anak), Dean Chel Diokno (anak) |
Alma mater | De La Salle University University of Santo Tomas |
Trabaho | abugado, senador, tagatuos, aktibista, manunulat, negosyante, sundalo |
Websitio | diokno.org |
Personal na buhay
baguhinSi Diokno ay isinilang sa Maynila noong February 26, 1922. Ang kanyang ama ay ang dating senador at hurado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na si Ramón Diokno y Maracigan at ang mestizang Ingles na Amerikana na si Maria Leonor Wright.[2] Ang kanyang ninuno ay si Hen. Ananías Diokno, ang unang kumander ng hukbong-dagat ng Pilipinas noong Rebolusyon at giyera laban sa Amerikano. Ang ninuno naman ni Ananías Diokno ay ang dating gobernador na heneral na si Félix Berenguer de Marquina ng Espanya.[3] Sa umpisa at ipinadala si Diokno ng kanyang ama sa probinsiya para makita kung paano magsagawa ng maayos na abogasya. Lumaki si Diokno sa isang bahay na nag-uusap ng wikang Kastila at ipinagbawalan ang Ingles, kaya siya ay natuto sa kanyang pribadong tagapagturo. Ang mga naging hilig niya ay ang pagkuha ng litrato, kung saan ay noong lumaki siya ay nagkaroon pa ng sariling talyer, itinawag siya ni F. Sionil Jose bilang isang napakagaling na litratista.[4] Ang naging paborito niyang pagkain at ang mga tapas katulad ng angulas, chorizo, puting embutido, galantina, at ang Pilipinong pagkain na tapang usa sa kanin, na may hilaw na itlog at hinalong gatas na kalabaw sa ibabaw.[5]
Nag-aral siya sa De La Salle University at nagtapos nang maaga dahil sa kanyang mataas na marka; nag-aral din siya ng Komersiyo sa parehas na kolehiyo at nagtapos sa edad na 18, bilang summa cum laude at ang may pinakamataas na marka, kung saan siya ang naging numero uno ng CPA exam noong 1940. Sa paaralan si Diokno ay naging ROTC lieutenant, aktor, manunulat, bise-presidente at marami pang ibang mga papel. Sa umpisa ay ang naging balak niya ay mag-aral ng enhinyerong pang makina, ngunit ay nagkaroon siya ng interes sa abogasiya dahil sa mga paksa sa kanyang kurso tungkol sa batas.[6]
Siya rin ay nag-aral sa UST noong Hunyo 1940 bago tumigil dahil sa ikalawang digmaan noong Disyembre 1941, at pagkatapos naging numero uno sa bar exam na may marka na 95.3, ang pinakamataas na naitalang marka mula noong 1903.[7] Pagkatapos noong 1946 ay nakilala niya si Carmen Icasiano sa isang pagdiriwang na inihanda ni Arsenio Lacson, isang susunod na alkalde ng Maynila. Hindi pumayag ang kanilang magulang dahil nais ng kanilang mga magulang na magkasal sila sa mga sosyalidad. Para kay Diokno, ipinilit siyang magkasal sa anak ni José Abad Santos. Tumanggi si Diokno at madalas pa ay nakikipagtagpo kasami ni Carmen sa kilalang karinderya na The Aristocrat. Sa huli ay nagkasal din sila noong Marso 28, 1949 sa Ermita Church na kung saan nabinyagan siya. Ang kanyang ninang ay si Paz Wilson, na naging pangalawang ina sa kanyang kabataan. Ang kasal ay naganap pagkatapos nalaman ni Diokno sa telepono habang nagbakasyon siya sa Estados Unidos na nagkaroon ng tuberculosis si Carmen. Pagkatapos ng kasal ay tumira sila sa Parañaque malapit sa Pambansáng Dambana ng Ina ng Laging Saklolo o Baclaran Church.
Sampu ang naging anak nila. Lumipat sila sa isang malaking bahay na may kasamang palanguyan at pribadong talyer para sa potograpya ni Diokno sa Magallanes Village sa Makati. Ito ay idinisenyo ng kilalang arkitekto. Noong panahon na ito naging masikat ang Jose W. Diokno law firm, na kung saan maraming mga kilalang abugado ay nag-umpisa rito katulad ni Associate Justice Roberto Abad ng Korte Suprema. Ngunig noong batas militar ay naapektuhan ang kanilang kita dahil ikunulong si Diokno, at pagkatapos ay lumipat sila muli sa 3rd Street, New Manila, Lungsod Quezon. Dito sa New Manila ang bahay ng pamilyang Diokno hanggang ngayon.
Noong 1961 ipinanganak ang kanilang ikawalong anak na si Chel Diokno. Naging sampu ang kanilang anak, na kung saan inampon nila ang bunsong lalaki na si Martin noong 1967. Samakatuwid, ang pagkakasunud-sunod na anak ay sina: Mench na ipinanganak noong mga 1950 at naging college valedictorian at NGO officer, si Popoy na sumabay sa pamilyang Lopez at nagtrabaho sa ABS-CBN, si Pat na nagtrabaho sa ComBank, si Maris na naging tagapangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, si Maitet na nagtrabaho sa IBON Foundation, si Cookie ang Secretary-General ng FLAG at isang manunulat, si Mike isang abugado sa Estados Unidos, si Chel isang law dean, si Maia isa ring abugado na naging kalihim ng kanyang ama sa Komisyon ng Karapatang Pantao, at si Martin isang arkitekto sa UST na nakatira sa Singapore.[8] Lumaki ang karamihang anak sa Magallañes bago ng batas militar ng diktadura ni Marcos.[9] Noong September 23, 1972 pumasok ang militar sa Magallanes Village at dinukot si Sen. Diokno. Naalala pa ni Chel dahil gising pa siya noong gabi at naglalaro kasama ng kaibigan sa bahay noong dumating ang mga trak ng militar sa kanilang nayon. Dito nag-umpisa ang kanyang pagkahilig sa katarungan.
Abugado at Mamamahayag
baguhinSa umpisa pa lang ay idinipensa na ni Diokno ang kanyang ama sa isang masikat na kaso tungkol sa isang isyung halalan sa senado noong 1946, o ang Vera v. Avelino (G.R. L-543), na kung saan naging kalaban niya si Lorenzo Tañada, ang tanggapan ng taga-usig panlahat ng gobyerno, pagkatapos ng kaso ay sinabi ni Tañada na hindi niya malimutan ang photographic memory ng ama at anak sa korte.[10] Naging kakampi rin ni Diokno si Tañada noong siya ay tumakbo sa senado. Sa unang panahon din ay sumama si Diokno sa kinabukasang alkaldeng Arsenio Lacson at Teddy Boy Locsin para itatag ang Free Philippines na dyaryo. Ayon kay Locsin ang pamamatnugot Diokno ang naging dahilan kung bakit tumagal ang dyaryo. Sa huli ay tumigil ito noong bumalik si Locsin sa Philippines Free Press, at si Lacson sa pagtakbo ng alkalde ng Maynila.[11] Sa panahon na ito ay madalas bumibisita si Lacson sa Parañaque na bahay ni Diokno sa Kalyeng Dewey at gumagawa ng almusal ni Jose at Carmen Diokno habang sila pa ay tulog. Tinulong ni Diokno si Lacson sa pamamatnugot ng kanyang artikulo, at naging kanyang abugado. Umabot ng isang punto na malapit maging kandidato si Diokno bilang ikalawang pangulo kasami ni Lacson bago siya ay namatay dahil sa atake sa puso.[12] Si Diokno rin ang naging editor ng pahayagan ng Free Philippines, isang diyaryo na itinayo ni Teddy Boy Locsin, Sr., Arsenio Lacson, at Phillip Buencamino III. Ayon kay Locsin, ang naging pinuno ng masikat na magasin na ang Philippines Free Press sa kinabukasang panahon, si Diokno ang naging dahilan kung bakit tumagal ang kanilang pahayagan.[13] Si Jose Diokno ay naging masikat dahil sa isa sa mga pinakamasikat na kaso sa Pilipinas. Siya ay nagtulong muna sa kanyang matalik na kaibigan na si alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson. Pagkatapos ay itinulong niya bilang abugado sina Pangulong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia upang mag-imbestiga ng anomalya sa Kagawaran ng Pananalapi at iba pa.
Pamahalaan at Laban sa Batas Militar
baguhinNoong 1962 ay ginawa siyang Kalihim ng Katurungan ni Diosdado Macapagal at inimbestiga niya ang mga kalokohan sa pamahalaan. Dito niya nalaman na may isang Amerikanong negosyante na si Harry Stonehill na isinusuhol ang mga pulitiko, katulad ni Macapagal at Ferdinand Marcos. Ito ang tinatawag na Eskandalong Stonehill. Si Diokno ay naglitis laban sa isang makapangyarihang negosyante na si Harry Stonehill, na kung sino ay nanunuhol kay Pangulong Diosdado Macapagal. Ito ang unang skandalong pulitiko sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pagkatapos nito ay bilang senador ay maramisiyang inumpisang batas, katulad ng Investment Incentives Act, na nagsitayo ng Board of Investments, at Oil Commission Act, na gumawa ng Oil Industry Commission, o ngayon ay tinatawag ng pamahalaan na Energy Regulatory Board. Si Diokno rin ang gumawa ng Export Incentives Act of 1970, na kasama ng Investment Incentives Act ang naging saligan ng mga patakarang ekonomiya noong dekada 70. Ilan lamang ang mga ito sa mga mahalagang batas na isinulat ni Diokno.
Noong 1971 ay umalis si Diokno sa partido Nacionalista at gumawa ng Movement of Concerned Citizens for Civil Liberties o ang MCCCL, na kung saan nagkaroon pa sila ng isang protesta na may 50,000 na tao na lumahok upang labanan ang nagbabalang deklarasyon ni Pangulong Marcos ng batas militar noong Septyembre 21, 1972. Ito nga ay naging totoo at nagdeklara ng batas militar si Marcos noong gabi ng araw na iyon. Ang mga unang inaresto ay si Diokno at si Ninoy Aquino, ang dalawang pinuno ng oposisyon.
Pagkatapos siya'y nakulong at lumaya sa Fort Bonifacio noong batas militar, agad itinayo ni Diokno ang Free Legal Assistance Group o FLAG, ang pinakamalaking grupo ng abugadong karapatang pantao sa kasaysayan ng Pilipinas. Halos 90% ng mga kasong abuso sa tao sa panahon na ito ay inihawak ng FLAG. Si Chel Diokno, ang kanyang ikawalong anak ang naging susunod na chairman ng grupo na ito. Si Diokno rin ang naging pinuno ng KAAKBAY, ang naging ama ng unang pagsasanib laban kay Marcos pagkatapos pinatay niya si Ninoy Aquino. Ang tawag sa grupo na ito ay ang Justice for Aquino, Justice for All o JAJA. Si Diokno rin ang naging tagapangulo ng Civil Liberties Union. Pagkatapos natalo at itinalsik si Ferdinand Marcos sa People Power Revolution ay naging kauna-unahang tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao.
Pamana
baguhinSi Jose W. Diokno ay ginantimpala ni Pangulong Gloria Arroyo, anak ni Pang. Macapagal ng sinaunang Orden ni Lakandula sa Pilipinas, at ang kanyang araw ng pagpapanaw ay sinangalang Jose W. Diokno Day.
Sa Pasay at Parañaque, o sa Bay City ay matagpuan ang mahabang lansangang bayan na J.W. Diokno Boulevard, at sa Taal, Batangas naman matagpuan ang Calle Jose W. Diokno. Sa CHR ay nagpahayag noong 2018 ang napakalaking parke na tinatawag na Liwasang Diokno na may rebulto na abot nang siyam na talampakan. At sa loob ng gusali ay itinawag na Bulwagang Ka Pepe.
Doon sa De La Salle Lipa ay ipinangalan ang pangunahing gusali na Bulwagang Sen. Jose Diokno. Noong kanyang ika-73 na kaarawan naman ay nagkaroon ng isang selyo ni Diokno galing sa Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas. Sa De La Salle University Tañada-Diokno College of Law (na ipinangalan kay Diokno at Lorenzo Tañada) naman ay nagkaroon ng Ka Pepe Diokno Human Rights Award, ang kinikilalang pinakadakilang gantimpala para sa karapatang pantao sa Pilipinas. Ang mga naparangalan nitong prestihiyosong gantimpala ay sina dating Pangulong Benigno Aquino III, Conchita Carpio-Morales, Maria Ressa, at Jovito Salonga, at maraming ibang kilalang bayani.
Noong ika-100 na kaarawan ni Diokno, nagkaroon ng halos 300 na misa para sa kanya sa buong Pilipinas, at sa ibang lungsod ng Estados Unidos, Australia, Vatican City, Japan, at iba pa. Sa Taal ay ipinangalan ang bulwagan ng Sangguniang ang Jose W. Diokno Legislative Hall.
Si Diokno ay tinatawag na ama ng karapatang pantao. Isa sa naging masikat na kasabihan ni Ka Pepe Diokno ay,
“Naglaho ang batas sa bansa. Nagluluksa ako ngunit hindi ako nawawalan ng loob. Naniniwala akong lubos, at walang salitang makagagapi at walang hanging makapagpapataob rito, na sisibol muli ang bago at mas mabuting batas: mas makatarungan, may buhay, mas makatao. Kung kailangan mangyayari ito, iyan ang hindi ko pa masagot. Na mangyayari iyan, naniniwala ako.”
Mga nota
baguhin- ↑ Diokno's second Senate term was cut short when he was jailed—without charges—by Ferdinand Marcos, immediately after the declaration of martial law.
- ↑ Gavilan, Jodesz (2017-09-21). "No cause more worthy: Ka Pepe Diokno's fight for human rights". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-21. Nakuha noong 2020-09-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "My Berenguer de Marquina Ancestry". Nakuha noong Hulyo 20, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jose, F. Sionil (2010-10-03). "Defining greatness, defining Jose W. Diokno".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jose W. Diokno: Fleshing out a legend". Nakuha noong 2020-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Government is always and only an instrument of the people."—Jose W. Diokno". 2018-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DIOKNO, Jose W." 2015-10-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-05. Nakuha noong 2020-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nacional, Katherine E. "Jose Wright Diokno" (PDF). Nakuha noong 2020-10-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Carmen Diokno: Remembering an unsung heroine". Nakuha noong 2020-09-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bengzon, César (1946-08-31). "JOSE O. VERA, ET AL., petitioners, vs. JOSE A. AVELINO, ET AL., respondents".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tungkol kay Jose W. Diokno". Oktubre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-31. Nakuha noong 2021-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jose W. Diokno: Fleshing out a legend". 2012-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABOUT LOCSIN". 1987-02-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ISANG PAGKILALA KAY SEN. JOSE W. DIOKNO". Oktubre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-31. Nakuha noong 2021-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing palabas
baguhinMga Sanggunian
baguhinSinundan: Alejo Mabanag |
Kalihim ng Katarungan January 2, 1962-May 19, 1962 |
Susunod: Juan Liwag |
Sinundan: N/A (Tagapagtatag) |
Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao 1986–1987 |
Susunod: Maria Bautista |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.