Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas

pinakamataas na hudikaturang hukuman sa Pilipinas

Ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas (o Korte Suprema ng Pilipinas) ay ang pinakamataas na hukuman sa Pilipinas, gayon din bilang huling sandigan ng Pilipinas. Pinamumunuan ito ng Punong Mahistrado at biinubuo ang hukuman ng 15 na Kasamang Mahistrado, kabilang ang Punong Mahistrado. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, ang Kataas-taasang Hukuman ang tagapamahala ng lahat ng mga hukuman at lahat ng mga tauhan nito.[1]

Ang tanggapan ng Kataas-taasang Hukuman, na dating bahagi ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila,[2] ay matatagpuan sa panulukan ng Kalye Padre Faura at Abenida Taft sa Maynila, at ang pangunahing gusali nito ay nakatapat sa Ospital Heneral ng Pilipinas (PGH).

Kasaysayan baguhin

Sa mga taong bago maitatag ang opisyal na Kataas-taasang Hukuman, mayroon ng mga institusyon na nagsasanay ng kapangyarihang panghukuman. Bago dumating ang mga Kastila, ang kapangyarihan na panghukom ay nasa kamay ng mga pinuno ng barangay. Noong unang mga taon ng pamahalaang Kastila, ang kapangyarihang ito ay ibinigay kay Miguel López de Legazpi, ang pinakaunang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang hukumang sibil at kriminal sa ilalim ng Kautusan Real noong Agosto 14, 1569.

Ang kasalukuyang Kataas-taasang hukuman ay nagmula sa Real Audencia ng Maynila, na itinalaga noong ika-5 ng Mayo 1583 at binubuo ng isang pangulo, apat na hukom, at isang piskal. Ang Punong mahistrado ng Real Audiencia ay ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Ito ang naging pinakamataas na hukuman sa Pilipinas, na sinundan lamang ng Consejo de Indias ng Espanya. Subalit, gumaganap din ito ng mga tungkuling tagapangasiwa ng pamahalaan, hindi lamang mga tungkuling panghukuman.

Ang tungkulin at kayarian ng Audiencia ay sumailalim sa malaking pagbabago noong 1815 nang ang tagapangulo nito ay pinalitan ng punong mahistrado at tinaasan ang bilang ng mga hukom. Kinilala itong Audiencia Territorial de Manila na may dalawang sangay, ang sibil at kriminal, at lumaon ay tinawag na sala de lo civil at sala de lo criminal. Pinalitan ang Audiencia sa isang tunay na sangay panghukuman sa inilabas na kautusan noong Hulyo 4, 1861, subalit ang mga hatol nito ay maaaring iapela sa Kataas-taasang Hukuman ng Espanya sa Madrid.

Noong Pebrero 26, 1886, isang "Audiencia" ang itinatag sa Cebu, na sinundan ng pagkakatatag ng "Audiencia" para sa mga kasong krimina; sa Vigan. Subalit, ang katanyagan ng Kataas-taasang hukuman bilang tagapagpaliwanag ng batas ay hindi alam noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.[3]

Panahon ng mga Amerikano baguhin

Mula 1898 hanggang 1901, walang Kataas-taasang Hukuman dahil binuwag ng bagong Amerikanong Gobernador-Heneral ng Pilipinas ang Real Audencia de Manila dahil sumailalim ang Pilipinas sa pamahalaang batas militar ng Amerikano.

Opisyal na itinatag ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas noong Hunyo 11, 1901 sa pamamagitan ng pagpasa ng Batas blg. 136, na kilala rin bilang Batas Panghukuman ng Ikalawang Philippine Commission. Sa bisa ng batas na iyon, ang kapangyarihang panghukom sa kapuluan ng Pilipinas ay pinaialim sa Kataas-taasang Hukuman at Courts of First Instannce". Ang ibang mga kasunod na hukuman ay itinatag din.

Ang kayarian ng hukuman na napasa ng Batas blg. 136 ay pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos sa pagpasa ng Philippine Bill of 1902.

Reogranisasyon matapos Ang Ikalawang digmaang pandaigdig baguhin

Pagkatapos mapalaya ng mga kapanalig na pwersa ang Pilipinas noong 1945, muling inayos ni Pangulong Sergio Osmeña ang Korte sa pamamagitan Ng pagtatalaga kina Delfin Jaranilla< Feliscisimo Feria, Mariano de Hoya, Guillermo Pablo, Gregorio Perfecto, Emilio Hilado at Jose Espiritu bilang mga bagong mahistrado, ngunit may MGA may mga nanatiling mga mahistrado Sila at sina Roman Ozarta (itinalaga noong ika-24 Ng Hunyo 1941), Ricardo Paras (itinalaga ika-28 Ng Disyembe 1941), Jose Generoso (Itinalaga noong ika-11 Ng Mayo 1942) at si Antonio Horilleno (itinalaga noong Ika-3 Ng Hulyo 1943), at kasabay rin nito ang pagpapalaki Ng Korte mula sa labing-isang mahistrado paakyat sa labing-tatlong mahistrado.

Pagrereorganisa pagkatapos Ng EDSA 1 baguhin

Matapos ang EDSA 1 noong 1986, at mailuklok si Corazon Aquino bilang Ika-11 Pangulo ng Pilipinas hiniling niyang magbitiw Ang mga kasalukuyang mga nakauping mahistrado ng Korte Suprema at sa diskresyon ng mga nakaupong mahistrado sila ay nagsipag bitiw sa pwesto, at dahil sa pangyayaring ito nareoeganisa niya ang Korte, at nagtalaga siya ng bagong mga mahistrado ito ay Sina Jose Feria (, Pedro Yap, Marcelo Fernan at Andres Narvasa, anim na araw matapos Ang pagtatalaga kay Narvasa, muling itinalaga ni Pangulong Aquino sina Ameurfina Melencio-Herrera, Hugo Gutierrez, Jr., Vicente Absd Santos, Claudio Teehankee at Nestor Alampay bilang mga mahistrado, Isang taon makalipas Ang EDSA 1, hiniling din ni Pangulong Aquino na magbitiw si Punong Mahistrado Ramon Aquino, at kanyang itinalaga bilang kapalit si Claudio Teehankee.

Dibisyon baguhin

Ang Hukuman ay pinahintulutan na umupo alinman sa en banc o sa mga dibisyon ng tatlo, lima o pitong miyembro. Mula noong 1987, hinati ng Korte ang sarili sa 3 dibisyon na may tig-5 miyembro. Karamihan sa mga kaso ay dinidinig at pinagdesisyunan ng mga dibisyon, sa halip na ang Korte en banc. Gayunpaman, iniaatas ng Saligang Batas na ang Korte ay makinig sa en banc "[isang]lahat ng mga kaso na kinasasangkutan ng konstitusyonalidad ng isang kasunduan, internasyonal o ehekutibong kasunduan, gayundin ang "mga kinasasangkutan ng konstitusyonalidad, aplikasyon, o pagpapatakbo ng mga atas ng pangulo, mga proklamasyon, mga kautusan, mga tagubilin, mga ordinansa, at iba pang mga regulasyon". Ang Korte na en banc ay nagpapasya din sa mga kaso na orihinal na dinidinig ng isang dibisyon kapag ang mayoryang boto ay hindi maabot sa loob ng dibisyon. Ang Korte rin ay may pagpapasya na dinggin ang isang kaso en banc kahit na walang sangkot na usapin sa konstitusyon, gaya ng karaniwang ginagawa nito kung babaligtarin ng desisyon ang precedent o magpapakita ng nobela o mahahalagang tanong.

Dati sa ilalim ng 1935, 1973 at 1986 Freedom Constitutions, ang Korte ay awtorisado lamang na umupo sa alinman sa '' en banc '' o sa mga dibisyon ng apat.

Noong Mayo 18, 2022[4], Si Alexander Gesmundo, ang Punong Mahistrado ay naglabas ng Espesyal na Kautusan Blg. 2901 na muling inayos ang mga Dibisyon ng Korte Suprema, ito ay inilathala sa parehong araw at nagkabisa kaagad, Sa kanya bilang Chairman ng First Division, at Associate Justice Hernando bilang working chair nito, ang iba pang chairmanship ay ibinigay kay Nakakatandang Kasamang Mahistrado Leonen (2nd Division) at Caguioa (3rd Division), dumating kaagad ang reorganization na ito pagkatapos ng paghirang kay Justice Singh noong Mayo 18, 2022[5].

Tungkulin Unang Dibisyon Ikalawang Dibisyon Ikatlong Dibisyon
Tagapangulo A. Gesmundo
(Punong Mahistrado)
M. Leonen
(Nakakatandang Kasamang Mahistrado)
A. Cagiuoa
Tagapangulo ng trabaho R. Hernando
Mga Miyembro A. Lazaro-Javier H. Inting
R. Zalameda M. Lopez S. Gaerlan
R. Rosario J. Lopez J. Dimaampao
M. Marquez A. Kho Jr. M. Singh

Kasalukuyang komposisyon baguhin

tignan din: Talaan ng mga Mahistrado Ng Kastaas-taasang Hukuman ng Pilipinas

Ang Korte Suprema ay binubuo ng isang punong mahistrado at labing-apat na kasamang mahistrado. Sa mga kasalukuyang miyembro ng Korte, si Marvic Leonen ang pinakamatagal na naglilingkod sa hustisya, na may panunungkulan ng 4123 araw (11 taon, 106 araw) hanggang 26 Pebrero 2024 ang pinakahuling hustisyang pumasok sa korte ay si Maria Filomena Singh na nagsimula ang panunungkulan noong Mayo 18, 2022[5]. Ito ay Ang kasalukuyang komposiyon Ng Kataastaasang Hukuman, Ang ika-walong Korte sa pamumuno ni Alexander Gesmundo bilang Punong Mahistrado ng Pilipinas.

Posisyon Larawan at Pangalanng Mahistrado
Kapanganakan at Lugar ng Kapanganakan ng Mahistrado
Petsa ng Pagkakatakaga Petsa ng Pagreretiro (70 years old)[6] Tagapagtalagang Pangulo Paaralan ng Batas Nakaraang posisyon o opisina
(Pinakabago bago ang pagtatalaga)
Pinalitan
Punong Mahistrado  
Gesmundo, AlexanderAlexander Gesmundo
kapanganakan (1956-11-06) 6 Nobyembre 1956 (edad 67)
San Pablo, Laguna
Abril 5, 2021[7] Nobyembre 6, 2026 Duterte, Duterte PADM Kasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
(2017–2021)
Peralta, Peralta
Nakakatandang Kasamang Mahistrado  
Leonen, MarvicMarvic Leonen
ipinanganak (1962-12-29) 29 Disyembre 1962 (edad 61)
Lungsod Baguio
Nobyembre 12, 2012[8] Disyembre 30, 2032 Aquino III, Aquino III UP Punong Negosyador para sa kapayapaan para sa

Harapan ng Paglayang Islamiko ng Moro
(2010–2012)

Aranal-Sereno, Aranal-Sereno
Kasamang Mahistrado  
Caguioa, Alfredo BenjaminAlfredo Benjamin Caguioa
ipinanganak (1959-09-26) 26 Setyembre 1959 (edad 64)
Quezon City
Enero 22, 2016[9] Setyembre 26, 2029 Aquino III, Aquino III PADM Umaaktong Kalihin ng Hustisya
(2015–2016)
Villarama Jr., Villarama Jr.
Kasamang Mahistrado  
Hernando, Ramon PaulRamon Paul Hernando
ipinanganak (1966-08-27) 27 Agosto 1966 (edad 57)
Tuguegarao, Cagayan
Oktubre 10, 2018[10]
Agosto 27, 2036 Padron:Sortnamae PSB Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela
(2010–2018)
Martires, Martires
Kasamang Mahistrado  
Lazaro-Javier, AmyAmy Lazaro-Javier
ipinanganak (1956-11-16) 16 Nobyembre 1956 (edad 67)
Maynila
Marso 6, 2019[11] Nobyembre 6, 2026 Duterte UST Kasamang Mahustrado ng Hukumnan ng Pagaapela
(2007–2019)
Tijam, Tijam
Kasamang Mahistrado  
Inting, Henri Jean PaulHenri Jean Paul Inting
ipinanganak (1957-09-04) 4 Setyembre 1957 (edad 66)
Bansalan, Davao del Sur
Mayo 19, 2019[12] Setyembre 4, 2027 Duterte, Duterte UADD Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela (2012–2019) Bersamin, Bersamin
Kasamang Mahistrado  
Zalameda, RodilRodil Zalameda
ipinanganak (1963-08-02) 2 Agosto 1963 (edad 60)
Caloocan
Agosto 5, 2019[13] Agosto 2, 2033 Duterte, Duterte PADM Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon
(2008–2019)
Del Castillo, Del Castillo
Kasamang Mahistrado  
Lopez, MarioMario Lopez
ipinanganak (1955-06-04) 4 Hunyo 1955 (edad 68)
La Union
Disyembre 3, 2019[14]
Hunyo 4, 2025 Duterte, Duterte PSB Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon
(2006–2019)
Jardeleza, Jardeleza
Kasamang Mahistrado  
Gaerlan, SamuelSamuel Gaerlan
ipinanganak (1958-12-19) 19 Disyembre 1958 (edad 65)
San Juan, La Union
Enero 5, 2020[15] Disyembre 19, 2028 Duterte, Duterte [[Pamantasang San Beda|PSB}} Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon
(2009–2020)[16]
Peralta, Peralta
Kasamang Mahistrado  
Rosario, RicardoRicardo Rosario
ipinanganak (1958-10-15) 15 Oktubre 1958 (edad 65)
Quezon City
Oktubre 10, 2020[17] Oktubre 15, 2028 Duterte, Duterte PADM Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon
(2005–2020)
Reyes Jr., Reyes Jr.
Kasamang Mahiatrado  
Lopez, JhosepJhosep Lopez
ipinanganak (1963-02-08) 8 Pebrero 1963 (edad 61)
Manila
Enero 25, 2021[18]
Pebrero 8, 2023 Duterte, Duterte UP Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela
(2012–2021)
Baltazar-Padilla, Baltazar-Padilla
Kasamang Mahistrado  
Dimaampao, JaparJapar Dimaampao
ipinanganak (1963-12-27) 27 Disyembre 1963 (edad 60)
Marawi, Lanao del Sur
Hulyo 10, 2021[19] Disyembre 27, 2033 Duterte, Duterte University of the East Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela
(2004–2021)
Gesmundo, Gesmundo
Kasamang Mahistrado  
Marquez, MidasMidas Marquez
ipinanganak (1966-02-16) 16 Pebrero 1966 (edad 58)
Quezon City
Setyembre 27, 2021[20] Pebrero 16, 2036 Duterte, Duterte PADM Administrador ng mga Korte ng Kataas-taasang Hukiman ng Pilipinas
(2009–2021)
Delos Santos, Delos Santos
Kasamang Mahistrado  
Kho Jr., AntonioAntonio Kho Jr.
ipinanganak (1966-06-29) 29 Hunyo 1966 (edad 57)
Jolo, Sulu

Pebrero 21, 2022[21]

Hunyo 29, 2036 Duterte, Duterte PSB Komisyoner ng Komisyon ng Halalan
(2028-2022)
Carandang, Carandang
Kasamang Mahistrado  
Singh, Maria FilomenaMaria Filomena Singh
ipinanganak (1966-06-26) 26 Hunyo 1966 (edad 57)
Quezon City
Mayo 18, 2022[5]
Hunyo 28, 2036 Duterte, Duterte PADM Kasamang Mahistrado ng Hukuman ng Pag-aapela
(2014–2022)
Perlas-Bernabe, Perlas-Bernabe

Timeline ng mga Miyembro Ng Korte ni Gesmundo baguhin

Bar key:       tinalaga ni B. Aquino III       Tinalaga no Duterte       tinalaga ni Marcos Jr.

Mga kawing panlabas baguhin

  1. See Section 6, Article VIII, Constitution Naka-arkibo 2016-06-29 sa Wayback Machine.
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-07-15. Nakuha noong 2017-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2015-10-01. Nakuha noong 2017-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  4. "Supreme Court reorganizes divisions". cnn (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-04-05. Nakuha noong 2023-11-21.
  5. 5.0 5.1 5.2 "Duterte names CA Justice Filomena Singh 15th Supreme Court member". Manila Bulletin (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  6. "Article VIII, Sec. 11 of the Constitution of the Philippines". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 5, 2019. Nakuha noong August 6, 2021.
  7. "Duterte chooses Alexander Gesmundo as new chief justice". RAPPLER (sa Ingles). 2021-04-05. Nakuha noong 2023-11-21.
  8. Romero, Purple S. (2012-11-21). "Marvic Leonen is new Supreme Court justice". RAPPLER (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  9. Quismundo, Tarra (2016-01-23). "Caguioa appointed to Supreme Court". INQUIRER.net (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  10. Ranada, Pia (2018-10-10). "CA Justice Hernando appointed Supreme Court justice". RAPPLER (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  11. Patag, Kristine Joy. "Duterte picks Court of Appeals Justice Javier for SC magistrate post". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-21.
  12. Ranada, Pia (2019-05-27). "Duterte appoints CA justice Henri Inting to Supreme Court". RAPPLER (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  13. Buan, Lian (2019-08-05). "Duterte appoints CA justice Zalameda to Supreme Court". RAPPLER (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  14. Santos, Einor (2019-12-03). "Two more Duterte appointees join Supreme Court". cnn (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-11-21. Nakuha noong Nobyembre 21, 2023.
  15. Tomacruz, Sofia (2020-01-08). "Duterte appoints CA justice Gaerlan to Supreme Court". RAPPLER (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  16. "Court of Appeals - Judicial and Bar .16 Hon. RICARDO R. ROSARIO July 22, 2005 October 15, 1958 October - [PDF Document]".
  17. "CA Justice Rosario appointed to Supreme Court". cnn (sa Ingles). 2020-10-09. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-11-21. Nakuha noong 2023-11-21.
  18. Aguilar, Krissy (2021-01-26). "CA Justice Lopez appointed to SC". INQUIRER.net (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
  19. Patag, Kristine Joy. "CA justice Japar Dimaampao, known Muslim jurist, appointed to Supreme Court". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-21.
  20. Torres-Tupas, Daphne Galvez, Tetch (2021-11-16). "Duterte names Midas Marquez as SC associate justice". INQUIRER.net (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  21. "Duterte appoints ex-Comelec Commissioner Kho as new Supreme Court Associate Justice". Manila Bulletin (sa Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.

Tignan din baguhin