Komisyon sa Halalan

ahensiya ng pamahalaan na may katungkulan sa mga halalan, reperendum, at plebisito sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Komisyon ng Halalan)

Ang Komisyon sa Halalan[1][2] (COMELEC, kilala rin bilang Komisyon ng Halalan; Inggles: Commission on Elections) ay isa sa tatlong Komisyong Konstitusyunal sa Pilipinas.[3] Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

Komisyon sa Halalan
Buod ng Ahensya
Pagkabuo11 Abril 1940
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanIntramuros, Maynila, Pilipinas
Tagapagpaganap ng ahensiya
Pinagmulan na ahensiyaKomisyong konstitusyonal
Websaytwww.comelec.gov.ph

Kabuuan

baguhin

Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

  1. Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;
  2. Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;
  3. Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at
  4. Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan

Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abogado sa loob ng sampung taon man lamang.[4]

Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[5]

Kapangyarihan ng Komisyon sa Halalan

baguhin

Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:[6]

  1. Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;
  2. Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksiyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon, panlalawigan, at panglungsod;
  3. Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;
  4. Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;
  5. Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga koalisyong pampolitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon sa Halalan;
  6. Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante, sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;
  7. Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;
  8. Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw ng anumang iba pang aksiyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;
  9. Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebisito, initiative, reperendum, o recall.

Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.

Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensiyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas , tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pagsang-ayon ng Komisyon.

Mga Kagawaran ng Komisyon

baguhin

Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na kagawaran:

  1. Kagawaran ng Batas (Law Department)
  2. Eleksiyon at Gawaing Pambarangay
  3. Protestang Elektoral at Adhudikasyon
  4. Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation and Information Department)
  5. Talaan ng Eleksiyon at Estadistika
  6. Gawaing Administratibo
  7. Gawaing Pananalapi
  8. Pantauhan (Personnel)
  9. Pagpaplano (Planning Department)

Kasaysayan

baguhin
 
Ang Komisyon sa Halalan noong 1978 ay binubuo nina [mula sa kaliwa]:Komisyonado Flores A. Bayot, Komisyonado Venancio S. Duque, Tagapangulo Leonardo B. Perez, Komisyonado Domingo C. Pabalete at Komisyonado Vicente Santiago, Jr.

Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga Kalihim ng Interyor na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin, sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3) Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.

Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pampolitika ng Pangulo na kanila ring kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas (ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob. Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong 11 Abril 1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na:

  1. Payagan ang re-eleksiyon ng Pangulo;
  2. Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; at
  3. Lumikha ng nagsasariling Komisyon sa Halalan.

Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng mamamayan ng magdaos ng plebisito noong 17 Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong Franklin Delano Roosevelt upang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607 nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa 10 Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong 2 Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong 22 Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may kapangyarihang humatol.

Galeriya Ng Mga Tagapangulo

baguhin

Tagapangulo at Kpomisyoner

baguhin
1947
Tungkulin Pangalkan Termino
Tagapangulo A. Gesmundo
Mga Miyembro
R. Zalameda
R. Rosario
M. Marquez
Taon Pangalan Tungkulin Panunungkulan
1940
Pedro Concepcion
Jose C. Abreu
Rufino Luna
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
01 Setyembre 1940 – 11 Mayo 1941
01 Setyembre 1940 – 11 Oktubre 1944
12 Setyembre 1940 – 12 Hulyo 1945
1941
Jose Lopez Vito
Jose C. Abreu
Rufino Luna
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
13 Mayo 1941 – 07 Mayo 1947
12 Hulyo 1945 – 09 Nobyembre 1949
12 Setyembre 1940 – 12 Hulyo 1945
1945
Jose Lopez Vito
Francisco Enage
Vicente de Vera
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
13 Mayo 1941 – 7 Mayo 1947
01 Setyembre 1940 – 11 Oktubre 1944
12 Hulyo 1945 – 08 Abril 1947
1947
Vicente de Vera
Leopoldo Rovira
Rodrigo Perez, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
09 Abril 1947 – 10 Abril 1951
22 Mayo 1947 – 10 Setyembre 1954
08 Disyembre 1949-Hun 21, 1956
1951
Domingo Imperial
Leopoldo Rovira
Rodrigo Perez, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
14 Agosto 1951 – 31 Marso 1958
22 Mayo 1947 – 10 Setyembre 1954
08 Disyembre 1949 – 21 Hunyo 1956
1955
Domingo Imperial
Rodrigo Perez, Jr.
Gaudencio Garcia
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
14 Agosto 1951 – 31 Marso 1958
08 Disyembre 1949 – 21 Hunyo 1956
18 Mayo 1955 – 11 Mayo 1960
1956
Domingo Imperial
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
14 Agosto 1951 – 31 Marso 1958
18 Mayo 1955 – 11 Mayo 1960
20 Disyembre 1956 – 20 Hunyo 1965
1958
Jose P. Carag
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
19 Mayo 1958 – 20 Hunyo 1959
18 Mayo 1955 – 11 Mayo 1960
20 Disyembre 1956 – 20 Hunyo 1965
1958
Gaudencio Garcia
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
12 Mayo 1960 – 20 Hunyo 1962
20 Disyembre 1956 – 20 Hunyo 1965
12 Mayo 1960 – 10 Nobyembre 1962
1958
Juan V. Borra
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Cesar Miraflor
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
02 Agosto 1962 – 20 Hunyo 1968
20 Disyembre 1956 – 20 Hunyo 1965
12 Mayo 1960 – 10 Nobyembre 1962
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
1962
Juan V. Borra
Sixto Brillantes
Genaro Visarra
Cesar Miraflor
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
02 Agosto 1962 – 20 Hunyo 1968
20 Disyembre 1956-Hun 20, 1965
12 Mayo 1960 – 10 Nobyembre 1962
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
1965
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Gregorio Santayana
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
02 Agosto 1962 – 20 Hunyo 1968
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
26 Hunyo 1965 – 31 Mayo 1966
1966
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Francisco Ortega
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
02 Agosto 1962-Hun 20, 1968
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
25 Disyembre 1966 – 20 Marso 1967
1967
Juan V. Borra
Cesar Miraflor
Manuel Arranz
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
02 Agosto 1962 – 20 Hunyo 1968
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
27 Agosto 1967 – 17 Oktubre 1968
1968
Manuel Arranz
Cesar Miraflor
Jaime N. Ferrer
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
18 Oktubre 1968 – 02 Hunyo 1969
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
23 Mayo 1969 – 09 Hunyo 1969
1969
Jaime N. Ferrer
Cesar Miraflor
Lino M. Patajo
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
10 Hunyo 1969 – 28 Mayo 1973
11 Nobyembre 1962 – 20 Hunyo 1971
16 Hunyo 1969 – 31 Mayo 1973
1971
Jaime N. Ferrer
Lino M. Patajo
Jose M. Mendoza
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
10 Hunyo 1969 – 28 Mayo 1973
16 Hunyo 1969 – 31 Mayo 1973
06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976
1973
Leonardo B. Perez
Jose M. Mendoza
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Fernando R. Veloso
Liningding Pangandaman [1]
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976
01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 15 Nobyembre 1973
1974
Leonardo B. Perez
Jose M. Mendoza
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Fernando R. Veloso
Hashim R. Abubakar
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
06 Setyembre 1971 – 17 Mayo 1976
01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1976
25 Hulyo 1974 – 17 Mayo 1976
1976
Leonardo B. Perez
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Casimiro R. Madarang,Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
1 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1978
1978
Leonardo B. Perez
Venancio S. Duque
Flores A. Bayot
Venancio L. Yaneza
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
29 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
01 Hunyo 1973 – 17 Mayo 1980
30 Mayo 1973 – 17 Mayo 1980
18 Mayo 1978 – 17 Mayo 1983
17 Mayo 1978 – 17 Mayo 1980
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
1980
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Romeo N. Firme.
Ide C. Tillah
Luis L. Lardizabal
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 1 Abril 1986
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1983
1983
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 01 Abril 1986
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
1984
Vicente M. Santiago, Jr.
Domingo C. Pabalate
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Noli M. Sagadraca
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 20 Mayo 1985
17 Mayo 1980 – 01 Abril 1986
17 Mayo 1980 – 17 Mayo 1985
21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986
21 Marso 1984-Abr.11,1986
1985
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe , Jr.
Mario D. Ortiz
Quirino A. Marquinez
Mangontawar B. Guro
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
20 Mayo 1985 – 24 Marso 1986
17 Mayo 1980 – 01 Abril 1986
21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986
21 Marso 1984-Abr.11,1986
30 Hulyo 1985 – 23 Hulyo 1986
1 Agosto 1985 – 23 Hulyo 1986
30 Hulyo 1985 – 11 Abril 1986
1986[2]
Victorino A. Savellano
Jaime C. Opinion
Froilan M. Bacungan
Ramon H. Felipe, Jr.
Mario D. Ortiz
Quirino A. Marquinez
Mangontawar B. Guro
Ruben Agpalo
Jaime J. Layosa
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
20 Mayo 1985 – 24 Marso 1986
17 Mayo 1980 – 1 Abril 1986
21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986
21 Marso 1984-Abr.11,1986
30 Hulyo 1985 – 23 Hulyo 1986
1 Agosto 1985 – 23 Hulyo 1986
30 Hulyo 1985 – 11 Abril 1986
02 Enero 1986 – 23 Hulyo 1986
02 Enero 1986 – 23 Hulyo 1986
1986[3]
Ramon H. Felipe, Jr.
Froilan M. Bacungan
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac [4]
Anacleto D. Badoy, Jr.
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Tomas V. dela Cruz
Tagapangulo[5]
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
11 Hulyo 1986 – 03 Pebrero 1988
21 Marso 1984 – 31 Agosto 1986
14 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
16 Hulyo 1986 – 3 Pebrero 1988
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
11 Disyembre 1986 – 13 Setyembre 1987
1987
Ramon H. Felipe , Jr.
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac
Anacleto D. Badoy, Jr.
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Tomas V. dela Cruz
Alfredo E. Abueg, Jr.
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
11 Hulyo 1986 – 03 Pebrero 1988
Hul 14, 1986–15 Pebrero 1991
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
16 Hulyo 1986 – 3 Pebrero 1988
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
11 Disyembre 1986 – 13 Setyembre 1987
16 Disyembre 1987 – 3 Nobyembre 1994
1988
Hilario G. Davide Jr.
Leopoldo L. Africa
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
15 Pebrero 1988 – 7 Disyembre 1989
14 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
16 Disyembre 1987 – 3 Nobyembre 1994
15 Pebrero 1988 – 15 Pebrero 1995
1989
Haydee B. Yorac[6]
Leopoldo L. Africa
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Pansamantalang Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
7 Disyembre 1989 – 5 Hunyo 1991
14 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
16 Disyembre 1987 – 3 Nobyembre 1994
15 Pebrero 1988 – 15 Pebrero 1995
1991
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1995
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
16 Disyembre 1987 – 03 Nobyembre 1994
15 Pebrero 1988 – 15 Pebrero 1995
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1998
1991
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Andres R. Flores
Dario C. Rama
Alfredo E. Abueg, Jr.
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1995
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
17 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1991
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
16 Disyembre 1987-
15 Pebrero 1988 – 15 Pebrero 1995
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1998
1992
Christian S. Monsod
Haydee B. Yorac
Dario C. Rama
Magdara B. Dimaampao
Regalado E. Maambong
Vicente B. de Lima
Remedios Salazar- Fernando
Tagapangulo
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
Komisyonado
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1995
15 Hulyo 1986 – 11 Pebrero 1993
18 Hulyo 1986 – 15 Pebrero 1993
15 Pebrero 1988 – 15 Pebrero 1995
6 Hunyo 1991 – 15 Pebrero 1998
7 Pebrero 1992 – 04 Nobyembre 1994
14 Pebrero 1992 – 15 Pebrero 1998

1. ^  Si Lininding Pangandaman ang kauna-unahang Muslim na nahirang bilang Komisyonado ng Komisyon sa Halalan.

2. ^  Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA

3. ^  Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA

4. ^  Si Haydee B. Yorac ay ang kauna-unahang babaeng nahirang na Komisyonado ng Komisyon.

5. ^  Si Ramon H. Felipe ay gumanap na Tagapangulo ng Komisyon mula 11 Abril 1986 hanggang sa siya'y hirangin ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang ganap na Tagapangulo noong 23 Hulyo 1986.

6. ^  Nang si Davide ay hirangin ni Pangulong Aquino bilang Tagapangulo ng Fact Finding Commission na naatasang magsiyasat sa kudeta noong 1989, si Yorac ang gumanap na tagpanhulo ng Komisyon hanggang ang bagong Tagapangulo Christian S. Monsod at mapili noong 1991.

Mga Halalang Pinangasiwaan ng Comelec

baguhin

Pampanguluhan (Presidential)

baguhin
Petsa Deskripsiyon Resulta
10 Disyembre 1941
Unang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 666. Pangulo:Manuel L. Quezon (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo:Sergio Osmeña
23 Abril 1946
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 725 Pangulo: Manuel Roxas (Partido Nacionalista - Liberal wing)
Pangalawang Pangulo: Elpidio Quirino
8 Nobyembre 1949[1]
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Elpidio Quirino (Partido Liberal- Quirino Wing)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
10 Nobyembre 1953
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo: Ramon Magsaysay (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Carlos P. Garcia
12 Nobyembre 1957
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Carlos P. Garcia (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo:Diosdado Macapagal (Partido Liberal)
14 Nobyembre 1961
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Diosdado Macapagal (Partido Liberal)
Pangalawang Pangulo:Emmanuel Pelaez
9 Nobyembre 1965
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Ferdinand Marcos (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
11 Nobyembre 1969
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan Pangulo:Ferdinand Marcos (Partido Nacionalista)
Pangalawang Pangulo: Fernando Lopez
16 Hunyo 1981
Halalan sa pagka-Pangulo at reperendum tungkol sa pagdadaos ng halalang pambaranggay Pangulo:Ferdinand Marcos (Kilusang Bagong Lipunan)
Pangalawang Pangulo:[2]
7 Pebrero 1986
Halalang "Snap" sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo Pangulo:Ferdinand Marcos[3] (Kilusang Bagong Lipunan)
Pangalawang Pangulo: Arturo Tolentino
11 Mayo 1992
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (24) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Fidel Ramos (Lakas-NUCD)
Pangalawang Pangulo: Joseph Ejercito Estrada (Partido ng Masang Pilipino-Nationalist People's Coalition)
11 Mayo 1998
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Joseph Ejercito Estrada (LDP-PMP-NPC-LAMMP Coalition)
Pangalawang Pangulo:Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas-NUCD-KAMPI)
10 Mayo 2004
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Gloria Macapagal-Arroyo (Lakas CMD-KAMPI-Liberal-Nacionalista Party-K4 Coalition)
Pangalawang Pangulo: Noli de Castro
10 Mayo 2010
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Benigno Aquino III (Liberal)
Pangalawang Pangulo: Jejomar Binay (PDP-LABAN)
9 Mayo 2016
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon Pangulo:Rodrigo Duterte (PDP-LABAN)
Pangalawang Pangulo: Leni Robredo (Liberal)

1. ^ Batay sa Batas Republika Bilang 725, gaganapin tuwing ikalawang Martes sa buwan ng Nobyembre kada apat na taon ang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon, at kada dalawang taon naman sa mga Senador.

2. ^ Ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay inalis sa Saligang Batas ng 1973 ngunit ito ay ibinalik ng susugan ang Saligang Batas noong 1984

3. ^ Si Ferdinand Marcos ang opisyal na ipinoroklama ng Batasang Pambansa na nagwagi sa halalang Snap ngunit ito ay pinawalang-bisa ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa pamahalaang Marcos noong 25 Pebrero 1986. Ayon sa bilang ng NAMFREL, si Corazon Aquino diumano ang tunay na nagwagi sa halalan.

Kongresyonal (Congressional)

baguhin
Petsa Deskripsiyon
10 Disyembre 1941
Unang halalang sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinangasiwaan ng Komisyon sa bisa ng Batas Komonwelth Bilang 666.
23 Abril 1946
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, labing-anim (16) na Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 725.
11 Marso 1947
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Iloilo, ikalimang distrito kongresyonal ng Pangasinan, at sa nag-iisang distrito kongresyonal ng Bukidnon.
11 Nobyembre 1947
Halalan sa walong (8) Senador
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-6 na distrito kongresyonal ng Cebu (sa bisa ng Proklamasyon Bilang II 33).
23 Marso 1948
espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ika-4 na distrito kongresyonal ng Iloilo at ikaunang distrito kongresyonal ng Leyte (sa bisa ng Batas Republika Bilang 25).
8 Nobyembre 1949[1]
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
13 Nobyembre 1951
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
10 Nobyembre 1953
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
8 Nobyembre 1955
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Senador upang punan ang posisyong iniwan ni Carlos P. Garcia na nahalal na Pangalawang Pangulo noong 1953
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng ikaunang distrito kongresyonal ng Albay, at ikaunang distrito kongresyonal ng Samar (sa bisa ng Proklamasyon Bilang 178 [10 Agosto 1955]).
12 Nobyembre 1957
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 102 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
10 Nobyembre 1959
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
14 Nobyembre 1961
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
12 Nobyembre 1963
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa ikaunang distrito kongresyonal ng Batangas (upang punan ang iniwang posisyon ng yumaong Apolinario Apacible) at ikaunang distrito kongresyonal ng Negros Occidental (upang punan ang posisyong iniwan ng yumaong Vicente Gustillo, Sr.)[sa bisa ng Proklamasyon Bilang 154 at 150].
9 Nobyembre 1965
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at 104 kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
14 Nobyembre 1967
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan sa: unang distrito ng Ilocos Norte; at tig-iisang distrito ng Davao del Sur, Davao Oriental, Northern Samar at South Cotabato.
11 Nobyembre 1969
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, walong (8) Senador at mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
8 Nobyembre 1971
Halalan sa walong (8) Senador at mga lokal na posisyon sa mga lalawigan, lungsod, at bayan.
11 Mayo 1987
Halalan sa dalawampu't-apat na (24) Senador at mga Kinatawan sa Kongreso
Sa halalang ito, 22 Senador ang nahalal mula sa koalisyon ni Pangulong Corazon Aquino at dalawa mula sa oposisyong Grand Alliance for Democracy, sina Juan Ponce Enrile at Joseph Estrada.
11 Mayo 1992
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, dalawampu't-apat na (24) na Senador, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon.
7 Marso 1994
Espesyal na halalan sa pagka-Kinatawan ng unang distrito ng Rizal
8 Mayo 1995
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
11 Mayo 1998
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
14 Mayo 2001
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
Espesyal na halalan para sa posisyong iniwan ni Teofisto Guingona, Jr na hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Pebrero 2001.
10 Mayo 2004
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
14 Mayo 2007
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
10 Mayo 2010
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.
13 Mayo 2013
Halalan sa labindalawang (12) Senador, mga Kinatawan sa Kongreso, at mga lokal na posisyon.
9 Mayo 2016
Halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang-Pangulo, (12) na Senador, mga Kinatawan at mga lokal na posisyon.

Mga Plebisito at Reperenda

baguhin

Halalan sa Batasang Pambansa

baguhin
Petsa Deskripsiyon
7 Abril 1978
Halalan sa pagka-Kagawad sa Pansamantalang Batasang Pambansa (sa Rehiyon)
Rehiyon I - 14
Rehiyon II - 8
Rehiyon III - 16
Rehiyon IV - 21
Rehiyon IV-A (Kalakhang Maynila) - 20
Rehiyon V - 12
Rehiyon VI - 16
Rehiyon VII - 13
Rehiyon VIII - 10
Rehiyon IX - 8
Rehiyon X- 9
Rehiyon XI - 10
Rehiyon XII -8
27 Abril 1978
Halalan ng 14 na Sektoral na kinatawan sa Pansamantalang Batasang Pambansa.
14 Mayo 1984
Halalan sa pagka-Kagawad sa Batasang Pambansa

Mga Lokal na Halalan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin
  1. Opisyal na Pahina ng Komisyon sa Halalan
  2. Opisyal na Pahina sa Web ng National Movement for Free Elections (NAMFREL) Naka-arkibo 2007-08-16 sa Wayback Machine.
  3. Opisyal na Pahina sa Web ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting Naka-arkibo 2008-08-20 sa Wayback Machine.