Leni Robredo
Si Maria Leonor "Leni" Santo Tomas Gerona-Robredo (isinilang noong Abril 23, 1964[1][2]) higit na kilala sa pangalang Leni Robredo ay isang Pilipinong tagapagtanggol, aktibista, at pulitiko na iprinoklama bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng naging Pangalawang Pangulo pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo at ang pinakaunang Pangalawang Pangulo mula sa Rehiyon ng Bikol.
Ang Kagalang-galang Maria Leonor G. Robredo | |
---|---|
![]() | |
Ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2016 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Jejomar C. Binay |
Tagapangulo ng Sangguniang Tagapag-ugnay sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Kalungsuran | |
Nasa puwesto Hulyo 12, 2016 – Disyembre 5, 2016 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Nakaraang sinundan | Chito Cruz |
Sinundan ni | Leoncio Evasco Jr. |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016 | |
Nakaraang sinundan | Luis Villafuerte, Sr. |
Sinundan ni | Gabriel Bordado |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | Maria Leonor Santo Tomas Gerona Abril 23, 1965[1] Naga, Camarines Sur, Pilipinas |
Partidong pampolitika | Liberal |
(Mga) Asawa | Jesse Robredo k. 1987; n. 2012 |
Mga anak | 3 (kabilang si Aika) |
Tahanan | Quezon City Reception House |
Alma mater | University of the Philippines Diliman (B.A.) San Beda College (M.B.A.) University of Nueva Caceres (LL.B.) |
Trabaho | Abugado |
Websayt | Official website Government website |
Unang napansin ng publiko si Robrero noong 2012 pagkatapos ang kamatayan ng kanyang asawang si Jesse Robredo, Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal, nang bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano sa baybayin ng Pulo ng Masbate. Bago ang aksidente, ang kanyang pampublikong buhay ay kadalasang nakalahok sa pagiging manananggol at aktibistang panlipunan. Pagkatapos ng aksidente, tumakbo siya sa halalan noong 2013 at nanalo bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng lalawigan ng Camarines Sur sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas para sa Ikalabing-anim na Kongreso ng Pilipinas, ang posisyong kanyang ginampanan hanggang siya ay pasinayaan bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 2016.
Pagkabata at edukasyonBaguhin
Ipinanganak si Maria Leonor Santo Tomas Gerona noong Abril 23, 1964 sa Naga, Camarines Sur.[3] Panganay siya sa tatlong anak ng retiradong hukom na si Antonio Gerona at Salvacion Sto. Tomas.[4]
Nag-aral si Gerona sa Universidad de Sta. Isabel sa Lungsod ng Naga, at nakapagtapos ng elementarya noong 1978, at mula sa mataas na paaralan noong 1982. Nakapagtapos siya ng antas sa ekonomika mula sa UP Paaralan sa Ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1986. Pagkatapos noon ay kumuha siya ng Master Degree sa business administration sa Kolehiyo ng San Beda bago siya nag-aral ng batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres, at nakapagtapos noong 1992.[2]
Personal na buhayBaguhin
Kilala si Leni Robredo sa kanyang payak na pamumuhay.[5] Naging asawa siya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak, sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[2][6]
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ 1.0 1.1 Leifbilly Begas (May 4, 2016). "Leni: I'm tough, I fight for what is right". Bandera.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Vote PH 2016: Leni Robredo". Philippine Daily Inquirer. April 10, 2016. Nakuha noong April 12, 2016.
- ↑ "Leni Robredo: I can't refuse call to serve". Rappler.
- ↑ That first night, I knew he was gone—Robredo’s wife Inquirer.net (retrieved June 13, 2014)
- ↑ "Becoming Leni Robredo". rappler.com. Nakuha noong November 16, 2016.
- ↑ http://news.abs-cbn.com/nation/10/09/15/leni-robredo-relives-whirlwind-romance-jesse Leni Robredo relives 'whirlwind' romance with Jesse
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong: |
Inunahan ni: Jejomar Binay |
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas 2016 – kasalukuyan |
Kasalukuyan |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.