Maria Ressa
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Oktubre 2021) |
Si Maria Angelita Ressa (ipinanganak bilang Maria Angelita Delfin Aycardo noong Oktubre 2, 1963) ay isang Pilipinong Amerikanong mamamahayag and manunulat, co-founder at CEO ng Rappler, at ang unang Pilipinong nakatanggap ng Nobel Peace Prize. Ginugol niya ang halos dalawang dekada bilang isang nangungunang mapang-usisang mamamahayag sa Timog-silangang Asya para sa CNN noon. Si Ressa ay kabilang sa isang issue ng Time’s Person of the Year kung saan pinagsama-sama ang mga mamamahayag na lumalaban sa hindi totoong balita sa buong mundo sa taong 2018.
Maria Ressa | |
---|---|
Kapanganakan | Maria Angelita Delfin Aycardo 2 Oktubre 1963 Maynila, Pilipinas |
Mamamayan | Estados Unidos[1][2] Pilipinas[3] |
Edukasyon | Pamantasang Princeton (B.A.) Unibersidad ng Pilipinas, Diliman |
Trabaho | Mamamahayag, may-akda |
Kilala sa | Pagtatatag ng Rappler |
Parangal | 2018 Time Person of the Year 2019 Ka Pepe Diokno Human Rights Award Gantimpalang Nobel (2021) |
Noong Pebrero 13, 2019, inaresto siya para sa "cyber libel" dahil sa mga akusasyon na naglathala ang Rappler ng di-totoong balita tungkol kay Wilfredo Keng, isang negosyante.[4] Noong Hunyo 15, 2020, nasumpungan ng isang hukuman sa Maynila na may sala siya sa cyberlibel. Bilang isang tahasang kritika ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, itinuring ang kanyang pag-aresto ng pandaigdigang pamayanan ng mga mamamahayag bilang isang gawaing inudyukan ng pulitika ng gobyerno ni Duterte. Si Ressa ay isa sa 25 na nangungunang pangalan sa Information and Democracy Commission na itinatag ng Reporters Without Borders. Siya ay pinangaralan ng gantimpala na 2021 Nobel Peace Prize kasama si Dmitry Muratov dahil sa kanilang “pagsisikap na ingatan ang malayang pagpapahayag na kinakailangan para sa pananatili ng demokrasya at walang hanggang kapayapaan.”
Kabataan
baguhinIpinanganak si Ressa sa Maynila at nag-aral sa Kolehiyo ng St. Scholastica sa Maynila. Ang kanyang ama na si Manuel Phil Sunico Aycardo, isang Tsinoy na may 1/16 na dugong Tsino, ay namatay noong si Ressa ay isang taong gulang lamang. Ang kanyang ina na si Hermelina Estrella Delfin ay nagkasal sa isang Italyanong Amerikano na si Peter Ames Ressa at inampon si Maria at ang kanyang nakababatang kapatid na nasa sinapupunan pa ng kanyang ina na si Mary Jane. Pagdating ni Ressa sa Estados Unidos ay nahirapan pa siya sa wikang Ingles, at dahil sa kanyang kayumanggi na balat at taas (naging 5'2 si Ressa sa kanyang pagtanda) ay natuto siyang maging matapang at matalino sa mga dayuhan. Lumaki si Ressa roon sa New Jersey hanggang sa edad na 10,[5] kung kailan lumipat ang kanyang mga magulang sa Toms River, New Jersey. Doon, ginugol niya ang natitirang panahon ng kanyang pagkabata at pagkadalaga, kung saan nagtapos siya mula sa Toms River High School North.[6]
Pinag-aralan ni Ressa ang biyolohiyang molekular at teatro bilang undergraduweyt sa Pamantasang Princeton, kung saan nagtapos siyang cum laude na may B.A degree sa Ingles at mga sertipiko sa teatro at pagsasayaw noong 1986.[7][8][9][10] Para sa kanyang digri, nagkumpleto si Ressa ng 77-pahinang tesis na pinamagatang "Sagittarius".[11] Kalaunan, iginawad siya ng Fulbright Fellowship upang mag-aral ng teatro sa pulitika sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.[12][13]
Karera
baguhinAng unang trabaho ni Ressa ay sa PTV 4, isang istasyon ng pamahalaan.[14] Pagkaraan ay naitatag niya ang Probe, isang nagsasariling kumpanya ng produksyon, noong 1987, magkasabay sa paglilingkod bilang puno ng kawanihan ng CNN sa Maynila hanggang 1995. Pagkatapos, siya ang nagpatakbo ng kawanihan ng Jakarta sa CNN mula 1995 hanggang 2005.[15] Bilang pangunahing mapanuring mamamahayag ng CNN sa Asya, nagdalubhasa siya sa pag-iimbestiga ng mga kawing-kawing ng terorista.[16] Siya ay naging may-akda sa tirahan sa Pandaigdigang Sentro para sa Pananaliksik sa Karahasan sa Pulitika at Terorismo (ICPVTR) ng S. Rajaratnam School of International Studies ng Pamantasang Teknolohiko ng Nanyang sa Singapore.[17]
Mula 2004, si Ressa ang namuno sa sangay ng balita sa ABS-CBN,[18] habang nagsusulat din para sa CNN[19] at The Wall Street Journal.[20] Noong Setyembre 2010, nagsulat siya ng piyesa para sa The Wallet Street Journal na nagbabatikos sa pag-aasikaso ng dating pangulo Beningno Aquino III sa krisis ng pinagbihagang bus.[21] Inilathala ang piyesa dalawang linggo bago ang opisyal na pagbisita ng pangulo sa Estados Unidos. Naging palasak ang mga haka-haka, kabilang sa iba pang dahilan na humantong sa pag-alis ni Ressa sa kumpanya noong 2010, matapos ipasiya na hindi siya magpapanibago ng kontrata.[22][23] [24]
Mga aklat
baguhinSiya ang may-akda ng dalawang aklat hinggil sa paglago ng terorismo sa Timog-silangang Asya: Seeds of Terror: An Eyewitness Account of Al-Qaeda's Newest Center ("Mga Binhi ng Sindak: Isang Salaysay ng Nakasaksi ng Pinakabagong Sentro ng Al-Qaeda", 2011) at From Bin Laden to Facebook 10 Days of Abduction, 10 Years of Terrorism ("Mula Bin Laden hanggang Facebook 10 Araw ng Pagdukot, 10 Taon ng Terorismo", 2013).[25] Ang kanyang masikat na bagong libro ay How to Stand Up to a Dictator, at ang libro na ito ay tungkol sa paglaban kay Duterte at Marcos.
Pagtuturo
baguhinNagturo rin si Ressa ng mga kurso sa pulitika at pamahayagan sa Timog-silangang Asya para sa Pamantasang Princeton, at periyodismong binobrodkast para sa Unibersidad ng Pilipinas.[26]
Rappler
baguhinItinatag niya ang Rappler, isang online na pambalitang sayt, noong 2012, kasama ng tatlo pang babaeng tagapagtatag at isang pangkat ng 12 mamamahayag at developer. Nagsimula ito bilang pahina sa Facebook na pinangalang MovePH noong Agosto 2011[27] at kalaunan ay umunlad tungo sa kumpletong websayt noong Enero 1, 2012.[28] Ang sayt ay naging isa sa mga unang websayt ng multimidyang balita sa Pilipinas. Mula noon, naging pangunahing portada ng balita ang sayt sa Philippines, at nakatanggap ng mga mararaming lokal at pandaigdigang parangal. Sa kasalukuyan,[kailan?] ito ang ikaapat na pinakamalaking websayt sa bansa[kailangan ng sanggunian] nag-eempleyo ng halos 100 mamamahayag. Naglilingkod siya bilang Ehekutibong Patnugot at Punong Ehekutibo ng pambalitang websayt.[29]
Usaping legal
baguhinUnang kinapanayam ni Ressa si Rodrigo Duterte, ang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas, noong dekada 1980 kung kailan siya ay naging alkalde ng Davao. Muli niyang kinapanayam si Duterte noong 2015 noong kanyang kampanya para sa pampanguluhang halalan kung saan inamin niya na nagpatay siya ng tatlong tao noong alkalde siya.[30][31] Sa ilalim ng pamumuno ni Ressa, ang Rappler ay walang-pagbabagong nagbabatikos sa mga patakaran ni Duterte, lalo na sa mga kanyang patakaran tungkol sa pakikipagbaka sa droga, sa pamamagitan ng kanilang mga kwentong nagpapakita na nagsasagawa ang mga pulis ng pag-aabusong inaprubahan ni Duterte. Nagsulat din ang websayt sa ilalim ng kanyang pamamahala tungkol sa maka-Duterteng online "troll army", na naglalabas ng mga pekeng balita at nagmamanipula sa salaysay ng kanyang pagkapangulo.[29]
Noong Hulyo 2017, sa kanyang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa, idineklara ni Duterte na ang Rappler ay "ganap na pagmamay-ari" ng mga Amerikano at samakatuwid ay naglalabag sa saligang batas. Sinabi rin niya, "Hindi lang peke ang balita ng Rappler, peke rin ang pagiging Filipino niya." Kasunod nito, noong Agosto 2017, pinasimulan ng Komisyon sa mga Panagot at Palitan ang imbestigasyon kontra sa Rappler at sapilitang hiningi ang kanyang mga dokumento. Noong Enero 2018, pinawalang-bisa niya ang lisensya upang makipagnegosyo ng Rappler.[32] Dumating ang kaso sa hukuman ng pag-apela, kung saan ibinalik ito sa SEC sa pagkawala ng saligan.[33][34] Sinabi ni Duterte sa isang mamamahayag ng Rappler noong 2018: "Kung sinusubukan ninyong magbato ng basura sa amin, ang magagawa lang namin ay magpaliwanag – paano naman kayo? Malinis din ba kayo?" Ipinawalang-bisa ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamamahala ang lisensya ng sayt sa pagpapatakbo.[35]
Pagdakip at paghatol
baguhinNoong Enero 22, 2018, humarap si Ressa sa Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI), bilang pagtalima sa subpoena ukol sa isang reklamong online ng paninirang-puri sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012, na ginamit ng administrasyon ni Rodrigo Duterte upang parusahan ang mga nagpupuna sa Pangulo at kanyang mga kaalyado.[36][37][38] Naging abugado ni Ressa ang direktor ng rehiyon ng NCR na si Atty. Theodore O. "Ted" Te ng Free Legal Assistance Group o mas kinikilala bilang FLAG. Ang FLAG ang pangunahing grupo na naghahawak ng kaso sa abuso ng karapatang pantao sa buong bansa. Inilabas ang subpoena noong Enero 10 kay Ressa, kasama nina Reynaldo Santos, dating mamahayag ng Rappler, at Benjamin Bitanga, isang negosyante. Isinampa ang subpoena noong Oktubre 2017 ng isang mamamayang Tsinoy, Wilfredo Keng, matapos maglathala ang Rappler ng isang istorya tungkol sa diumano’y pagpapahiram ni Keng ng kanyang sports utility vehicle kay Punong Mahistrado Renato Corona (yumaong na) bilang panunuhol para sa pabor.[39] Bagaman nasulat ang artikulo noong 2012 bago nilagdaan ni Benigno Aquino III ang batas na nagsasakriminal ng cyberlibel, itinuring ito ng Kagawaran ng Katarungan bilang muling inilathala matapos maiwasto ang isang pagkakamaling tipograpikal noong 2014.[40] Noong 2019, sumali si Amal Clooney, isang kilalang-kilalang abogado ng mga pandaigdigang karapatang pantao, koponang legal (binubuo ng mga abogadong pandaigdigan at Filipino) na nagtatanggol kay Ressa.[41]
Noong Nobyembre 2018, inanunsyo ng pamahalaan ng Pilipinas na paparatangan nila si Ressa at Rappler Holding Corporation, ang magulanging kumpanya ng Rappler, ng paglihis sa buwis at pagkabigo sa pagpapasa ng mga tax return.[42] May kinalaman ang paratang sa pamumuhunan sa Rappler ng Omidyar Network noong 2015. Itinanggi ni Ressa ang kasalanan,[43] at nagsabi sa simula na "ipinagkaloob" ang pera sa dayuhan sa mga tagapamahala, at kalaunan ay nagsabi na ang mga pamumuhunan ay nasa anyo ng mga panagot.[44] Naglabas ang Rappler ng pahayag na tumatanggi sa anumang pagkakamali.[45] Ipinasiya ng Kawanihan ng Rentas Internas ng Pilipinas, matapos suriin ang paliwanag ni Ressa, na mabubuwisan ang pag-isyu ng Rappler ng securities-generated capital gains. Naghinuha ito na naglihis ang Rappler ng pagbabayad sa ₱133 milyon bilang buwis.[44]
Noong Pebrero 13, 2019, inilabas ni Pilipinang hukom Rainelda Estacio-Montesa ng Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis Sangay#46 ang mandamiyento de aresto para as "cyber libel" laban kay Ressa para sa isang nailathalang artikulo sa Rappler. Itinupad ng mga opisyal ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat ng Pilipinas ang mandamiyentong ito na inihain sa ilalim ng paratang ng cyber libel. Nauna ang paglathala ng artikulo sa pagpapasa ng batas sa "cyber libel", kaya nakabatay ang paratang sa teknikalidad na maituturing ang pagsasaayos ng typo bilang "republishing" (muling paglalathala).[46] Nai-live stream ang pagdakip ng marami sa mga nakatataas na mamamahayag ng Rappler sa Facebook.[47]
Dahil sa pagkukulang sa oras, hindi nakapagpiyansa si Ressa ng ₱60,000 ($1,150) na nagbunga sa kanyang pag-aresto at pagkabartolina sa loob ng (holding) board room office ng gusali ng NBI. Inatasan ang kabuuan ng anim na abogado, dalawang pro bono, sa kanyang kaso.[48] Noong Pebrero 14, 2019, sa hukuman ng tagapagtupad ni Hukom ng Maynila Maria Teresa Abadilla, naging malaya si Ressa sa pagpapiyansa ng ₱100,000 ($1,900).[49]
Binatikos ng pandaigdigang pamayanan ang pagdakip kay Ressa. Dahil tahasang kritika si Ressa ni Pangulong Rodrigo Duterte, itinuring ng marami ang pagdakip bilang udyok ng pulitika.[50] Sa kabaligtaran, tinanggihan ng opisyal na tagapagsalita ng Palasyo ng Malakanyang ang anumang pagkakasangkot ng pamahalaan sa pag-aresto, iginigiit na inilahad ang asunto laban kay Ressa ng isang pribadong indibidwal, ang maysakdal Wilfredo Keng.[51]
Nagpahayag ng pananaw si Madeleine Albright, isang dating kalihim ng estado ng Amerika, sa pagsabi na ang pagdakip ay "dapat hatulin ng lahat ng mga makademokrasyang nasyon".[51] Sa gayunding paraan, tinawag ito ng National Union of Journalists of the Philippines na "walang-kahihiyang gawa ng pag-uusig ng mapang-aping pamahalaan".[52]
Sinabi ng Pambansang Samahan ng mga Mamahayag, isang organisasyong pinaratangan ng pagkakaroon ng matalik na kaugnay sa rehimen ni Duterte at isang mahabang kasaysayan ng pagbabatikos sa organisasyong Rappler, na hindi panliligalig ang pagdakip, at hindi dapat ilagay si Ressa sa "altar ng kalayaan sa pamamahayag para sa pagmamartir".[53] Nagbabala rin sila laban sa pamumulitika ng isyu.[53]
Nagsimula ang paratang ni Ressa tungkol sa cyberlibel noong Hulyo 2019. Sa isang pahayag na ginawa niya noong unang araw ng kanyang paglilitis, winika ni Ressa; "Iniuunat nitong kaso ng cyberlibel ang alituntunin ng batas hanggang sa masira ito."[54]
Nasumpungang may-sala si Ressa noong Hunyo 15, 2020.[4] Sa pasiya, ikinatuwiran ni Hukom Rainelda Estacio-Montesa na ang Rappler ay "hindi nagbigay ng pirasong pruweba na pinatunayan nila ang mga paratang ng mga iba't ibang krimen sa pinagtatalunang artikulo... inilathala lamang nila bilang balita sa kanilang publikasyon online sa walang ingat na pagwawalang-bahala kung mali ba ang mga ito o hindi."[55] Sinipi rin ni Hukom Rainelda Estacio-Montesa si Nelson Mandela, at nagwika, "Ang pagiging malaya ay hindi lamang ang pagwawaksi ng mga kadena, ngunit ang pagbubuhay rin sa paraang nakarerespeto at nakabubuti sa kalayaan ng iba." Ikinatuwiran ni Sharon Coronel, direktor ng Stabile Center for Investigative Journalism sa Unibersidad ng Columbia, na kinakatawan ng paghatol ang paraan kung paano namamatay ang demokrasya sa ika-21 siglo."[56]
Napapaharap si Ressa sa anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo at nagmulta ng ₱400,000 ($8,000).[40] Nagbabala si Ressa na maaaring maghudyat sa katapusan ng kalayaan ng mga mamahayag sa Pilipinas.[57] Nakiusap sa midya ang Tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque na "respetuhin ang desisyon" at tiniyak ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa malayang pagsasalita, habang inilarawan ito ng lider ng oposisyon Leni Robredo bilang "nakapangingilabot na kinalabasan" at sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines na ito ay "talagang pumapatay sa kalayaan sa pagsasalita at sa paglalathala."[57] Sa labas ng bansa, binatikos ang pasiya ng Human Rights Watch,[58] Amnesty International[59] at Reporters Without Borders.[60] Sa kanilang pahayag na nagkokondena sa kinalabasan, tinagurian ng Reporters Without Borders ang paglilitis laban kay Ressa bilang "mala-Kafka".[61]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tiglao, Rigoberto (6 Marso 2019). "Rappler's Ressa is a colossal con man". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2019. Nakuha noong 21 Mayo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Guillermo, Emil (8 Mayo 2019). "Dual citizens – Pay attention to Otso Diretso". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 21 Mayo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Macaraig, Ayee (Pebrero 13, 2019). "From wars to Duterte: Maria Ressa 'refuses to hide'". Philstar Global. Agence France-Presse. Nakuha noong Pebrero 15, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Ratcliffe, Rebecca (Hunyo 15, 2020). "Maria Ressa: Rappler editor found guilty of cyber libel charges in Philippines". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hunyo 15, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Johnson, Eric (2018-11-26). "Memo from a 'Facebook nation' to Mark Zuckerberg: You moved fast and broke our country". Vox (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Amanda Oglesby: TIME person of the year, from Toms River, to trigger Time Square ball dro. Ashbury Park Press, 31. Dezember 2018
- ↑ "Maria Ressa : HuMan of the year". Spinbusters. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 3, 2013. Nakuha noong Setyembre 27, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Ressa: The best is yet to come". The Philippine Star. Setyembre 4, 2005. Nakuha noong Enero 4, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Q&A with Maria Ressa '86, Filipina journalist and Time 2018 Person of the Year". The Princetonian. Nakuha noong 2020-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Ressa '86, journalist and 2018 Time Person of the Year, named 2020 Baccalaureate speaker". The Princetonian. Nakuha noong 2020-05-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ressa, Mariua Angelita. Princeton University. Department of English (pat.). "Sagittarius" (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ "Maria Ressa: 'There's a need for transparency, accountability and consistency'". Southeast Asia Globe (sa wikang Ingles). 2015-08-09. Nakuha noong 2020-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Ressa". World Economic Forum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CNN Programs - Anchors/Reporters - Maria Ressa". edition.cnn.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-06. Nakuha noong 2020-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria A. Ressa | Reporters without borders". RSF (sa wikang Ingles). 2018-09-09. Nakuha noong 2020-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Life, the news, and Maria Ressa by Doreen Yu". Nakuha noong Hunyo 15, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Maria Ressa invited to author a book on the Asian terrorism threat" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Enero 18, 2018. Nakuha noong Mayo 6, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Palace: No media censorship on Rappler". The Manila Times. Enero 16, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 17, 2018. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ From Maria Ressa, Special to CNN. "Spreading terror: From bin Laden to Facebook in Southeast Asia". Edition.cnn.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 11, 2018. Nakuha noong December 11, 2018.
{{cite web}}
:|author=
has generic name (tulong); Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Ressa, Maria A. (Setyembre 6, 2010). "Noynoy Flunks His First Test". Nakuha noong Hunyo 15, 2020 – sa pamamagitan ni/ng www.wsj.com.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Confluence of events' leads Philippine journalist Ressa to 'move on'". www.tmcnet.com. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Ressa's letter to ABS-CBN News and Current Affairs". Abs-cbnnews.com. Nakuha noong Disyembre 11, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Visconti, Katherine. "Changes at ABS-CBN: What Maria Ressa leaves behind". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Confluence of events' leads Philippine journalist Ressa to 'move on'". www.tmcnet.com. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Results for 'au:Ressa, Maria.' [WorldCat.org]". www.worldcat.org.
- ↑ "Maria Ressa". International Center for Journalists (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MovePH". Facebook. Nakuha noong Mayo 12, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ressa, Maria. "About Rappler". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2014. Nakuha noong 20 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 29.0 29.1 Ellis-Petersen, Hannah; Ratcliffe, Rebecca (Hunyo 15, 2020). "Maria Ressa: everything you need to know about the Rappler editor". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Who is Philippine news boss Maria Ressa?". BBC News (sa wikang Ingles). 2020-06-15. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ressa, Maria A. "Duterte, his 6 contradictions and planned dictatorship". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SEC cancels Rappler's license to do business". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-20. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Ressa: everything you need to know about the Rappler editor". the Guardian (sa wikang Ingles). 2020-06-15. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine news site has licence revoked". BBC News (sa wikang Ingles). 2018-01-15. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Who is Philippine news boss Maria Ressa?". BBC News (sa wikang Ingles). 2020-06-15. Nakuha noong 2020-06-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lalu, Gabriel Pabico (Mayo 15, 2020). "Monsod: Arrest of Duterte critic sans libel complaint illegal, unconstitutional" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marquez, Consuelo (Mayo 14, 2020). "Man who called Duterte 'buang' on Facebook arrested for cyberlibel" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gotinga, J. C. (Abril 25, 2020). "DOLE asks Taiwan to deport OFW with Facebook posts criticizing Duterte" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rappler CEO Maria Ressa faces NBI over online libel complaint". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2018. Nakuha noong Marso 1, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 40.0 40.1 Cabato, Regine (Hunyo 15, 2020). "Conviction of Maria Ressa, hard-hitting Philippine American journalist, sparks condemnation". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ France-Presse, Agence (Hulyo 9, 2019). "Philippines: Amal Clooney to defend journalist Maria Ressa in press freedom fight". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hunyo 17, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Share; Twitter. "DOJ orders filing of charges vs. Rappler head, accountant". www.pna.gov.ph.
{{cite web}}
:|last2=
has generic name (tulong) - ↑ Stevenson, Alexandra (Nobyembre 9, 2018). "Philippines Says It Will Charge Veteran Journalist Critical of Duterte" – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 44.0 44.1 "The truth about Ressa and her vilification of Duterte". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 15, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rappler.com. "Rappler: Tax case clear harassment, has no legal basis". Rappler.
- ↑ Mike, Navallo (Hunyo 14, 2020). "How correcting a typo got Maria into trouble: The cyberlibel case vs Rappler". ABS-CBN (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 14, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ hermesauto (Pebrero 13, 2019). "Philippines arrests top journalist and Duterte critic Maria Ressa on libel charge". The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 17, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joshua Berlinger; Lauren Said-Moorhouse. "Maria Ressa, journalist and Duterte critic, arrested in Philippines". CNN. Nakuha noong Pebrero 13, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabato, Regine (Pebrero 14, 2019). "Top Philippine journalist Maria Ressa released on bail after libel charges" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 17, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Leung, Hillary (Pebrero 14, 2019). "Philippines Journalist Maria Ressa Released on Bail After Arrest for 'Cyber Libel'". Time. Nakuha noong Pebrero 15, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 51.0 51.1 "Maria Ressa, head of Philippines news site Rappler, freed on bail". BBC News. Pebrero 14, 2019. Nakuha noong Pebrero 15, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabato, Regine (Pebrero 13, 2019). "Top Philippine journalist and Time person of the year arrested on libel charges". The Washington Post. Nakuha noong Pebrero 15, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 53.0 53.1 "National Press Club: Ressa arrest 'smacks of bad taste,' but not harassment". philstar.com. Nakuha noong Pebrero 17, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ correspondent, Hannah Ellis-Petersen south-east Asia (Hulyo 23, 2019). "Philippines libel trial of journalist critical of Rodrigo Duterte begins". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hulyo 23, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gomez, Jim; Favila, Aaron (Hunyo 15, 2020). "Philippine journalist convicted of libel, given 6-year term". Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Coronel, Sheila (Hunyo 16, 2020). "This Is How Democracy Dies". The Atlantic (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 17, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 57.0 57.1 Gutierrez, Jason; Stevenson, Alexandra (Hunyo 15, 2020). "Maria Ressa, Crusading Journalist, Is Convicted in Philippines Libel Case" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines: Rappler Verdict a Blow to Media Freedom". Human Rights Watch (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Quash Maria Ressa and Rey Santos' conviction in the Philippines". Amnesty International (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Dismay over Philippine journalist Maria Ressa's prison sentence | Reporters without borders". Reporters Without Borders (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Dismay over Philippine journalist Maria Ressa's prison sentence | Reporters without borders". RSF (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 17, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Naisulat na Aklat
baguhin- Seeds of Terror: An Eyewitness Account of Al- Qaeda Newest Center of Operations in Southeast Asia. The Free Press, 2003. ISBN 0-7432-5133-4ISBN 0-7432-5133-4 ISBN 978-0743251334