Ang Time o TIME (daglat ng The International Magazine of Events) ay isang pambalitaang magasin sa Estados Unidos na inilalathala nang lingguhan sa Lungsod ng New York. Itinatag noong 1923 at ilang dekadang pinamahalaan ni Henry Luce na nakapagtatag ng maraming pang matagumpay na magasin. Ang edisyon nito sa Europa na Time Europe, dating tinawag na Time Atlantic ay nilalathala sa London at sumasaklaw rin sa Gitnang Silangan, Aprika at hanggang 2003 pati Amerikang Latin. Ang edisyon naman ng Time sa Asya na Time Asia ay nakahimpil Hong Kong. Ang edisyon nito sa Timog Pasipiko na saklaw ang Australia, New Zealand, at mga kapuluan sa Pasipiko, ay nakabase sa Sydney, Australia. Noong Disyembre 2008, ihininto ng Time ang paglathala ng edisyon nitong pang-Canada.[2]

Time
Namamahalang PatnugotNancy Gibbs
Kategoryapambalitaang magasin
Dalaslingguhan
Kabuuang sirkulasyon
(2013)
3,289,387[1]
Unang sipi3 Marso 1923 (1923-03-03)
KompanyaTime Inc.
Bansa Estados Unidos
Nakabase saLungsod ng New York
WikaIngles
Websayttime.com
ISSN0040-781X
Bilang OCLC1311479

Ang Time ay ang lingguhang pambalitaang magasin na may pinakamalawak na sirkulasyon sa buong mundo at may mambabasang aabot ng 25 milyon, kung saan 20 milyon dito ay nasa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian]

Si Richard Stengel ay ang namamahalang patnugot ng magasin mula Mayo 2006 hanggang Oktubre 2013, bago siya pumasok sa U.S. State Department.[3][4] Humalili naman si Nancy Gibbs kay Stengel bilang namamahalang patnugot noong Oktubre 2013.[4]

Unang sipi ng Time (Marso 3, 1923), tampok ang Ispiker Joseph G. Cannon.

Tignan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Consumer Magazines". Alliance for Audited Media. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 23, 2017. Nakuha noong Pebrero 10, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Time Canada to close". mastheadonline.com. Disyembre 10, 2008. Nakuha noong Setyembre 6, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Time Inc (30 Hulyo 2012). "Richard Stengel". TIME Media Kit. Time Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-05. Nakuha noong 22 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Maza, Erik (17 Setyembre 2013). "Nancy Gibbs Named Time's Managing Editor". WWD. Nakuha noong 17 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)