Respeto

positibong damdamin o pagkilos na ipinakita sa isang tao o bagay na itinuturing na mahalaga o hinahangaan
(Idinirekta mula sa Kagalang-galang)

Ang respeto, galang, dangan o paggalang (Ingles: respect, esteem o honor), ay isang positibong pakiramdam o mapitagang gawi na ipinapakita sa isang tao o isang bagay na itinuturing na mahalaga o hinahangaan. Isa itong pakiramdam ng malalim na paghanga para sa isang tao o isang bagay buhat ng kanilang mga kakayahan, katangian, o mga nagawa. Ito ay proseso rin ng pagkilala sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalinga, malasakit, o konsiderasyon alang sa kanilang mga pangangailangan o damdamin.[1][2][3][4][5]

Isang karatula na nagsasaad ng "katahimikan at respeto" sa Arlington National Cemetery

Sa maraming kultura, binibigyang ng natatanging dangan, respeto o galang ang mga taong may napatunayang nararapat o sinasang-ayunan. Ang mga ilang tao ay maaaring magkaroon ng espesyal na respeto o dangan sa pamamagitan ng kanilang mga huwarang aksyon o tungkulin sa lipunan. Sa tinatawag na "honor cultures" o "mga kultura ng karangalan", ang respeto ay mas madalas na nakukuha sa ganitong paraan kaysa ibinibigay bilang default o sadya.[6]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of RESPECT". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2023-12-18. Nakuha noong 2023-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Meaning of respect in English". Cambridge Dictionary.
  3. "define: respect - Google Search". www.google.com. Nakuha noong 2024-02-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Dictionary.com | Meanings & Definitions of English Words". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "parangal - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2024-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Sommers, Tamler (2018). Why Honor Matters. Basic Books. ISBN 9780465098873.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)