Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas (Ingles: Department of the Interior and Local Government o DILG) ay ang pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Department of the Interior and Local Government | |
---|---|
Pagkakatatag | 22 Marso 1897 |
Kalihim | Eduardo Año (OIC) |
Salaping Gugulin | P1.863 bilyon (2008)[1] |
Websayt | www.dilg.gov.ph |
Kasaysayan
baguhinNoong ika-22 ng Marso taong 1897, ang mga pinuno ng Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio ay nagpulong sa Tejeros, Kabite na kilala sa Kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na Acta de Tejeros of Tejeros Convention. Noong mga panahong yaon natatag ang pamahalaang rebolusyonaryo at ang bagong pamahalaan ay inihalal sina Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo at Andres Bonifacio bilang direktor ng Interyor. Ngunit hindi tinanggap ni Bonifacio ang posisyon kaya inilagay ng Pangulo si Pascual Alvarez bilang direktor. alakazam
Taong 1950, ang kagawaran ng interyor ay tiniwalag at inilipat ang mga tuntunin nito sa Civil Affairs Office sa ilalim ng opisina ng Pangulo. 6 Enero 1956, nalikha ang Presidential Assistant on Community Development (PACD). Naibalik ang kagawaran noong ika-7 ng Nobyembre taong 1972, sa pagkakatatag ng Pagawaran ng Pamahalaang Lokal at Pagpapaunlad ng Komunidad (KPLPK). Taong 1978, ang KPLPK ay isinaayos at pinalitan ng pangalan na Ministry of Local Government (MLG) at kalaunan bilang Kagawaran ng Pamahalaang Lokal.
Ika-13 ng Disyembre taong 1990, Naisabatas ang Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 na nagtatag Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Penology at ng Kolehiyo ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas sa ilalim ng isinaayos na Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Pinagsama ng bagong Kagawaran ang Pambansang Komisyong ng Pulisya at lahat ng Opisina ng naunang kagawaran sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 262. Ang pagkapasa ng Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 ang nagbigay daan sa pagkakasama-sama ng mga pamahalaang lokal at ng pulisya matapos ang 40 taong pagkakahiwalay.
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Interyor at Pamahalaang Lokal
baguhinBilang | Pangalan | Buwang nagsimula | Buwang nagtapos | Pangulong pinaglingkuran | |
---|---|---|---|---|---|
Ministro ng Interyor | |||||
1 | Teodoro Sandico | Enero 21, 1899 | Mayo 7, 1899 | Emilio Aguinaldo | |
2 | Severino de las Alas | Mayo 7, 1899 | Nobyembre 13, 1899 | ||
Kalihim ng Interyor | |||||
3 | Elpidio Quirino | 1935 | 1938 | Manuel Quezon | |
4 | Rafael Alunan | 1938 | 1940 | ||
5 | Tomas Confesor | 1945 | 1945 | Sergio Osmena | |
Kalihim ng Tanggulang Pambansa at Interyor | |||||
6 | Alfredo Montelibano, Sr. | Hulyo 11, 1945 | Mayo 27, 1946 | Sergio Osmena | |
Kalihim ng Interyor | |||||
7 | Jose Zulueta | 1946 | 1948 | Manuel Roxas | |
8 | Sotero Baluyut | 1948 | 1950 | Elpidio Quirino | |
Ministro ng Pamahalaang Lokal at Komunidad Pagpapaunlad | |||||
9 | Jose Roño | Enero 1, 1973 | 1982 | Ferdinand Marcos | |
Ministro ng Pamahalang Lokal | |||||
* | Jose Roño | 1982 | Pebrero 25, 1986 | Ferdinand Marcos | |
10 | Aquilino Pimentel, Jr. | Pebrero 26, 1986 | Marso 25, 1986 | Corazon Aquino | |
Kalihim ng Pamahalaang Lokal | |||||
Aquilino Pimentel Jr. | Marso 25, 1986 | Disyembre 7, 1986 | Corazon Aquino | ||
11 | Jaime Ferrer | Disyembre 8, 1986 | Agosto 2, 1987 | ||
Lito Monico Lorenzana (akting) | Agosto 3, 1987 | Nobyembre 8, 1987 | |||
12 | Luis T. Santos | Nobyembre 9, 1987 | Disyembre 10, 1991 | ||
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal | |||||
13 | Cesar Sarino | Disyembre 11, 1991 | Hunyo 30, 1992 | Corazon Aquino | |
14 | Rafael M. Alunan III | Hunyo 30, 1992 | Abril 16, 1996 | Fidel V. Ramos | |
15 | Robert Z. Barbers | Abril 16, 1996 | Pebrero 4, 1998 | ||
16 | Epimaco Velasco | Pebrero 4, 1998 | Mayo 30, 1998 | ||
Nelson Collantes (OIC) | Hunyo 1, 1998 | Hunyo 30, 1998 | |||
17 | Joseph Estrada[A] | Hunyo 30, 1998 | Abril 12, 1999 | Joseph Estrada | |
18 | Ronaldo Puno | Abril 12, 1999 | Enero 10, 2000 | ||
19 | Alfredo Lim | Enero 10, 2000 | Enero 20, 2001 | ||
Anselmo Avelino, Jr. (OIC) | Enero 20, 2001 | Enero 28, 2001 | Gloria Macapagal-Arroyo | ||
20 | Jose Lina, Jr. | Enero 29, 2001 | Hulyo 11, 2004 | ||
21 | Angelo Reyes | Hulyo 12, 2004 | Pebrero 16, 2006 | ||
22 | Ronaldo Puno | Abril 4, 2006 | Hunyo 30, 2010 | ||
Benigno Aquino III (OIC) | Hunyo 30, 2010 | Hulyo 9, 2010 | Benigno Aquino III | ||
23 | Jesse Robredo | Hulyo 9, 2010 | Agosto 18, 2012 | ||
Paquito Ochoa, Jr. (OIC) | Agosto 19, 2012 | Setyembre 19, 2012 | |||
24 | Mar Roxas | Setyembre 20, 2012 | Setyembre 11, 2015 | ||
25 | Mel Senen Sarmiento | Setyembre 14, 2015 | Hunyo 30, 2016 | ||
26 | Ismael Sueno | Hunyo 30, 2016 | Abril 4, 2017 | Rodrigo Duterte | |
Catalino Cuy (OIC) | Abril 5, 2017 | Enero 4, 2018 | |||
27 | LtGen Eduardo M Año (Ret) | Enero 5, 2018[B] | Nobyembre 6, 2018 | ||
Nobyembre 6, 2018[2] | Kasalukuyan |
Nota:
Mga kaugnayang palabas
baguhin- Portal ng pamahalaan Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tala ng Salaping Gugulin ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal[patay na link]
- ↑ "Año is now officially DILG chief". ABS-CBN News. (sa Ingles)