Komisyon ng Karapatang Pantao

Ang Komisyon sa Karapatang Pantao sa Pilipinas ay isang malayang komisyon na nilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ay nilikha upang imbestigahan ang lahat ng mga anyo ng paglabag o pang-aabuso sa mga karapatang pantaong pampolitika at sibil ng Pilipinas. Ang komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at apat na kasapi. Si Jose W. Diokno, ang ama ng karapatang pantao ang nagsimula nito noong 1986. Ang unang pangalan ng komisyon ay ang Presidential Committee on Human Rights (Komite ng Pangulo sa Karapatang Pantao) hanggang nagbago ang pangalan noong 1987 pagkatapos sinabatas ang konstitusyon ng bansa.

Commission on Human Rights
Komisyon ng Karapatang Pantao
Seal
Buod ng Ahensya
PagkabuoMayo 5, 1987
KapamahalaanPhilippines
Punong himpilanCommonwealth Avenue, Diliman, Quezon City, Philippines
Taunang badyet₱958,963,000 (2023)[1]
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Websaytchr.gov.ph

Si Richard Paat Palpal-latoc ang kasalukuyang naglilingkod bilang Tagapangulo ng Komisyon, na humalili kay Leah Tanodra-Armamento, noong 2022.

Mga Nanungkulang Tagapangulo

baguhin
  • Mary Concepcion Bautista (1987–1992)
  • Sedfrey A. Ordoñez (1992–1995)
  • Aurora P. Navarette-Reciña (1996–2002)
  • Purificacion Quisumbing (2002–Mayo 2008)
  • Leila de Lima (Mayo 2008–Hunyo 30, 2010)
  • Etta Rosales (Setyembre 1, 2010–Mayo 5, 2015)
  • Chito Gascon (Hunyo 18, 2015–Oktubre 9, 2021)
  • Leah Tanodra-Armamento (Pebrero 14, 2022–Mayo 5, 2022)
  • Richard Paat Palpal-latoc (Setyembre 15, 2022–kasalukuyan)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Commission on Human Rights Budget" (PDF). Department of Budget and Management. Disyembre 28, 2022. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Enero 4, 2023. Nakuha noong Enero 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin