Si Leila Norma Eulalia Josefa Magistrado de Lima (ipinanganak noong 27 Agosto 1959) ay isang Pilipinong abogado, aktibista para sa karapatang pantao, at isang politiko. Itinalaga siya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas noong Mayo 2008 at nagsilbi sa komisyon hanggang Hunyo 30, 2010, nang siya ay italaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III bilang Kalihim ng Katarungan. Nagbitiw siya bilang kalihim ng katarungan noong Oktubre 12, 2015 upang maituon ang panahon sa kanyang kandidatura sa Senado ng Pilipinas sa halalan noong 2016. Naihalal siya bilang senado at kasalukuyang naglilingkod bilang senador ng Pilipinas. Siya’y kasalukuyang nakapiit sa bilangguan dahil sa kasong illegal drug trading.[1][2][3][4][5][6]

Kagalang-galang

Leila de Lima
Senador ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hunyo 30, 2016
Tagapangulo sa Philippine Senate
Electoral Reforms and
People's Participation Committee
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hulyo 25, 2016
Nakaraang sinundanAquilino Pimentel III
Tagapangulo sa Philippine Senate
Justice and Human Rights Committee
Nasa puwesto
Hulyo 2, 2016 – Seytembre 19, 2016
Nakaraang sinundanAquilino Pimentel III
Sinundan niRichard J. Gordon
Kalihim ng Katarungan
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2010 – Oktubre 12, 2015
PanguloBenigno Aquino III
Nakaraang sinundanAlberto Agra (tagahalili)
Sinundan niAlfredo Caguioa (tagahalili)
Tagapanuglo ng Komisyon sa Karapatang Pantao ng Pilipinas
Nasa puwesto
Mayo 2008 – Hunyo 30, 2010
PanguloGloria Macapagal-Arroyo
Nakaraang sinundanPurificacion Quisumbing
Sinundan niEtta Rosales
Personal na detalye
Isinilang
Leila Norma Eulalia Josefa Magistrado de Lima

(1959-08-27) 27 Agosto 1959 (edad 65)
Iriga, Camarines Sur
Partidong pampolitikaLiberal Party (2015–kasalukuyan)
Alma materDe La Salle University
San Beda College
PropesyonAbogado

Pagkabata

baguhin

Siya ang panganay na babae ng dating Komisyonado ng COMELEC, si Vicente de Lima at Norma Magistrado.[7][8]Ipinanganak at pinalaki siya sa Lungsod ng Iriga, Camarines Sur, Pilipinas.[8] Ang kanyang tiya, Si Julie de Lima, ang naging asawa ng nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, Jose Maria Sison.[9]

Nagtapos si de Lima noong 1980 mula sa Pamantasang De La Salle nang may digri sa Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan. Siya ay nagtapos na salutatoryan sa kaniyang Batsilyer ng Batas sa Kolehiyo ng Batas ng Kolehiyo ng San Beda noong 1985. Siya ang ika-8 pinakamataas sa 1985 Philippine Bar Examinations na may markang 86.26%.

Mga pag-uusig ng Pamahalaan ni Duterte laban kay de Lima

baguhin

Dahil sa kanyang masigasig na imbestigasyon sa extrajudicial killings at Davao Death Squad ni Rodrigo Duterte sa digmaan nito kontra droga bilang aklalde ng Davao kung saan ang mga mahihirap na karamihan ay mga gumagamit o napagbintangalan lamang ay napatay o pinatay ng mga vigilante, si de Lima ay inakusahan at ipinakulong gamit ang mga pekeng saksi upang idiin ito at kasalukyang ikinukulong sa Camp Crame. Ang Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng batas na naglalayong panagutin ang mga tao sa likod ng pagkakabilanggo ni de Lima sa ilalim ng Magnitsky Act. Si de Lima ang itinuturing ng mga pamayanang internasyonal kabilang ng Estados Unidos, Canada at Australia na isang biktima ng pag-uusig na pampulitika. Kabilang sa mga pinangalan ni de Lima na umusig sa kanya: mga DDS troll at mga propagandistang sina Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, at RJ Nieto at mga opisyal ng pamahalaan na sina Rodgiro Duterte, Salvador Panelo, Pantaleon Alvarez, former DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, Solicitor General Jose Calida, PAO Chief Persida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez, Congressmen Rey Umali at Rudy Fariñas.[10]

Mga larawan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2017/02/18/1672756/tatlong-kaso-isinampa-ng-doj-kay-de-lima
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/02/25/1674606/de-lima-kulong-na
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "De Lima, Leila Norma Eulalia Josefa, Magistrado" (PDF). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Setyembre 4, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "The Fighter: How Leila de Lima Ended Up Leading the Opposition to Rodrigo Duterte's Drug War". Time (magazine). Disyembre 14, 2016. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Joma Sison uncle "De Lima: So what if I'm Joma's kin?". ABS-CBN News. Hulyo 30, 2009. Nakuha noong Disyembre 17, 2016. {{cite news}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://legacy.senate.gov.ph/press_release/2019/1017_delima3.asp