Ususan, Taguig
Ang Barangay Ususan (PSGC: 137607016) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Ususan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Marie Marcelino | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1639 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinAng Ususan ay isa sa mga orihinal na nayon ng bayan ng Taguig. Isa ito sa mga nayong bumubuo ng Taguig nang ang nasabing bayan ay itinatag na pueblo o bayang nasasakupan ng Tondo noong 1587. Ayon sa tala ng 1986, ang nayong ito ay pinamayanan ng 8, 193 na pawang mga Pilipino.
Ang pangalang Ususan ay siya nang kinamulatan ng mga taong sa simula pa ay doon na nakatira. Ang “Ususan”ay nangangahulugang isang pook na mataba na kung saan bumababa ang mga bagay na nasa itaas nito. Ayon sa kinalabasan ng mga pananaliksik, noong unang panahon ay masukal ang kasalukuyang nayon. Ang mga naninirahan sa kabilang pampang nilog na kung tawagin ay Maysapang. Ang iba naman ay karatig na bulubundukin ng dating Fort McKinley (Fort Bonifacio) nakatira. Nang dumating ang mga kastila noong 1958 ang mga nakatira sa bulubundukin ay pina-alis at ang mga ito ay bumaba sa kapatagan. Mula noon, ang nasabing nayon ay tinawag na Ususan o Maysapang. Sinasabi ring galing sa Pasig ang mga unang taong naninirahan sa Ususan.
Apat na pook ang bumubuo sa Ususan: Subaan, Ibaba Langos, Kabilang Banda at Pampangin. Ang nayon ay hugis titik “U”.
Edukasyon
baguhinMataas na Paaralan
baguhin- St. Ignatius of Loyola High School
- Gen. Ricardo G. Papa Memorial High School
- Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School
Mababang Paaralan
baguhin- Ususan Elementary School
- Dr. Artemio Natividad Elementary School
- Fairyland Kindergarten & Grade School
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhin- Kapitan: Marie Marcelino
- Kagawad ng barangay:
- Jimboy Flores
- Rolly De Leon
- Jorie Costes
- Popoy Raquel
- Rachel Santos
- Rommel Marcelino
- Nestor Ginez
Sangguniang Kabataan
baguhin- Tagapangulo : Randell M. de Leon
- Mga Konsehal:
- Julian Adrian Soloria
- Camille Marcelino
- John RB de Leon
- Shiela Anna Marie Hernandez
- Jacinto Mari Manual
- Marjorie Mae Arganda
- Butch Edward Marcelino
- Kalihim: Rosario T. Esteban
- Ingat-Yaman: Normando B. Guevarra
Tingnan rin
baguhin
Mga Sanggunian
baguhin- Barangay Ususan, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-12-19 sa Wayback Machine.