Ninotchka Rosca (ipinanganak sa Pilipinas noong 1946) ay isang Filipinag Peminista, manunulat, tagapamahayag at aktibista para sa karapatang pantao na aktibo sa AF3IRM, ang Mariposa Center for Change, Sisterhood is Global, at komite ng MARIPOSA ALLIANCE (Ma-Al), isang multi-lahi, multi-etnikong sentro ng mga kababaihang aktibista para sa pagtataguyod ng pang-unawa sa interseksiyonaliti ng uri, lahi at opresyong-pangkasarian, tungo sa isang higit na komprehensibong kilos sa kalayaan ng mga kababaihan. Bilang isang nobelista, nakatanggap si Rosca ng American Book Award noong 1993 para sa nobela niyang Twice Blessed.

Talambuhay

baguhin

Si Rosca ay may dalawang nobela, dalawang koleksiyon ng maikling kuwento at apat na hindi-piksiyong libro. Ang kanyang nobelang "State of War" ay sinasabing isang klasiko tunkol sa buhay ng ordinaryong mamamayan sa panahon ng diktadurya. Isa siyang mahusay na manunulat ngmaikling kuwento. Ang kanyang librong "Epidemic" ay napasama sa 1986 "100 Short Stories" sa Estados Unidos at sa Missouri Review collection ng kanilang "Best Published Stories in 25 Years," samantalang ang "Sugar & Salt" ay napasama naman sa Ms Magazines Best Fiction in 30 Years.

Siya rin ang manunulat ng best-selling na mga nobelang Ingles na State of War at Twice Blessed. Ang huli ay nagbigay sa kanya ng parangal na 1993 American Book Award for excellence in Literature. Ang pinakabago niyang libro ay JMS: At Home In The World, kasama sa pagsusulat ang kontrobersiyal na si Jose Maria Sison, na nasama sa listahan ng U.S. ng mga terorista.

Si Rosca ay isang political prisoner noong rehimeng Marcos. Pinatapon siya sa Hawaii, U.S. noon dahil sa pagiging aktibista noong rehimeng Marcos. Ginawa siyang isa sa labindalawang Filipino-Amerikangong kababaihan ng Pag-asa galing sa Bread and Roses Cultural Project. Napili sala ng mga iskolar at pinuno ng mga komunidad dahil sa kanilang tapang at dedikasyon sa pagtulong sa pamayanan. Tinuturing silang mga modelo para sa kabataan.

Nagtrabaho siya sa Amnesty International at sa PEN American Center. Tagpagtatag din si Rosca at unang pambansang chair sa GABNet, ang pinakamalaki at tanging US-Philippines na organisasyon para sa pagkakaisang pangkababaihan, na naging AF3IRm. Siya ang internastonal na tagapagsalita ng GABNet's Purple Rose Campaign laban sa pang-aapi sa mga kababaihan.

Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakatira sa Queens borough ng New York City.

Siya ay nasa ikaapat na kumperensiya sa Kababaihan ng United Nations na ginanap sa Beijing, China, at ng UN para sa Karapatang Pantao sa Vienna, Austria. Si Rosca ay ukol sa pinagmumulan ng mga pang-aapi sa mga babae at pagkakagulo sa mga lahi, uri at kasarian para sa ikalalaya ng mga kababaihan.

Mga Likha

baguhin

Libro 1. Sugar & Salt (2006) 2. Jose Maria Sison: At Home in the World—Portrait of a Revolutionary by Jose Maria Sison and Ninotchka Rosca (2004)Twice 3. Blessed: A Novel (1992) 4. State of War (1988) 5. Endgame: The Fall of Marcos non-fiction (1987) 6. The Monsoon Collection (Asian and Pacific Writing) (1983)

Mga Rebyu sa mga Artikulo

-"Innocent Bystanders" (2002) -"The Idea of Prostitution" (1998) -"Global Sex Workers: Rights, Resistance, and Redefinition" (1998) -"The Comfort Women: Japan's Brutal Regime of Enforced Prostitution in the Second World War" (1995) -"Patpong Sisters" (1995)

Sanggunian

baguhin

1. http://mariposacenterforchange.org Naka-arkibo 2011-03-21 sa Wayback Machine. 2. [http: www.sigi.org] 3. from Ninotchka Rosca 4. (...) "American Book Award winning novelist, Ninotchka Rosca" (...), amazon.com 5. "Ninotchka Rosca: Women's Rights are Human Rights" Biography and Booking Information SpeakOutNow.org, date retrieved: 27 Mayo 2007 6. ^ New York Times article about Ninotchka Rosca, "Exile and Detention" by John Domini, The New York Times (NYT.com), published on 1 Enero 1984

Kabuuan

baguhin

1. "Lily Pad" Unconventional Thoughts from an Unconventional Filipina, a personal blogsite by Ninotchka Rosca 2. "Ninotchka Rosca on Global War on Terror, Subic Rape Case, Political Killings", Bulatlat Vol. VI, No. 18, Hunyo 11-17, 2006, Gabriela Network USA 3. Books by Ninotchka Rosca, Amazon.com 4. "Ninotchka Rosca: I'm Still Very Filipino" by Alfred A. Yuson, Literature & Culture, Philippine Post Magazine 5. An Interview with Ninotchka Rosca in Seattle by Bughaw.com, date retrieved: 27 Mayo 2007

Full Text: Generations by Ninotchka Rosca