Gandara
Ang Bayan ng Gandara (Ingles: Municipality of Gandara; Waray: Bungto han Gandara) ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 35,242 sa may 7,834 na kabahayan.
Gandara Bayan ng Gandara | |
---|---|
Mapa ng Samar na nagpapakita sa lokasyon ng Gandara. | |
Mga koordinado: 12°00′47″N 124°48′42″E / 12.013°N 124.8118°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Silangang Kabisayaan (Rehiyong VIII) |
Lalawigan | Samar |
Distrito | Unang Distrito ng Samar |
Mga barangay | 69 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Eufemio de los Santos Oliva |
• Manghalalal | 26,753 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 573.49 km2 (221.43 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 35,242 |
• Kapal | 61/km2 (160/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 7,834 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 35.15% (2021)[2] |
• Kita | ₱214,671,339.91 (2020) |
• Aset | ₱403,184,539.46 (2020) |
• Pananagutan | ₱40,357,797.68 (2020) |
• Paggasta | ₱198,582,641.78 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 6706 |
PSGC | 086007000 |
Kodigong pantawag | 55 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Waray wikang Tagalog |
Websayt | lgugandarasamar.gov.ph |
Produkto
baguhinAng bayan ng Gandara ay kilala sa mga produkto nitong queseo (kesong puti),[3] tableya, tinapa,[4] kaning kalinayan, kamote at mani na inaangkat ng buong rehiyon ng Silangang Kabisayaan at nailuluwas maging sa iba’t ibang dako ng kapuluan ng Pilipinas.
Turismo
baguhin• Kapilya ni Maria Diana (Maria Diana’s Chapel)
Sa bayan din ng Gandara makikita ang himlayan ni Maria Diana Alvarez na pinaniniwalaang milagrosa ng mga Gandareño.[9]
• Pistá ng Karabaw (Karabaw Festival)
Ipinagdiriwang ang pistáng ito bilang pagpupugay at pagkilala sa hayop na kalabaw dahil sa napakalaking ambag nito sa magsasaka sa gawaing sakahan at pagbibigay nito ng gatas na kailangan sa paggawa ng queseo na siyang pangunahing produkto ng bayan ng Gandara. Subok at marami na ang napatunayan ng Karabaw Festival pagdating sa pagkamalikhain at pagiging natatangi sa lahat. Dagdag pa, ito ay nagtamo na rin ng ikapitong panalo sa taunang patimpalak ng mga festival na isinasagawa sa Pagdiriwang ng Araw ng Samar (Samar Day Celebration) na ginugunita tuwing ikalabing-isa ng Agosto na kung saan nagtitipon ang mga kalahok sa panlalawigang kapitolyo sa lungsod ng Catbalogan upang magpakitang gilas at makipagpaligsahan.[10][11][12]
• Taunang Parada sa Ilog (Annual Fluvial Parade)
Ang tradisyunal na parada sa ilog ng Gandara na isinasagawa tuwing buwan ng Setyembre ang siyang pinakatampok na okasyon sa taunang pagdiriwang ng pistá.[13]
• Gupo ng Simbahan ng Bangahon
Ang gupo ng Bangahon ay makasaysayang palatandaan na matatagpuan sa gawing bahagi ng ilog ng Gandara. Isa itong bayan noong kasagsagan ng panahon ng rebolusyon, subalit inabandona rin ng mga dating residente na kalauna’y nakahanap din ng lugar kung saan itinatag muli ang bayan.[14] Ang pook na ito ay ang orihinal na kinalalagyan ni San Miguel Arkanghel, ang patrono ng mga taga-roon, na nalalagay sa Brgy. Bangahon, Gandara, Samar.[4][15] Ang nasabing lugar sambahan ay nawasak noong umusbong ang digmaang Pulahan-Amerikano.[16] Ang simbaha’y naging tanyag dahil sa makasaysayan nitong Kampana ng Bangahon (Lingganay). Ang nasabing kampana’y sinamsam ng mga Amerikano noong ika-29 ng Setyembre taong 1901 at dinala sa bayan ng Balangiga. Ang kampana ng simbahan ng Bangahon ay pinaniniwalaang isa sa mga Kampana ng Balangiga (Balangiga Bells).[17]
Mga Barangay
baguhinAng bayan ng Gandara ay nahahati sa 68 na mga barangay ayun sa opisina ng taga-tala ng lupa dito.
|
|
|
Mga Kilalang Tao
baguhin• Ramon T. Diaz
• Maria Diana Alvarez
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 12,014 | — |
1918 | 14,320 | +1.18% |
1939 | 18,507 | +1.23% |
1948 | 25,048 | +3.42% |
1960 | 24,883 | −0.06% |
1970 | 28,307 | +1.30% |
1975 | 30,600 | +1.57% |
1980 | 24,764 | −4.14% |
1990 | 23,673 | −0.45% |
1995 | 27,263 | +2.68% |
2000 | 28,866 | +1.23% |
2007 | 31,222 | +1.09% |
2010 | 31,943 | +0.83% |
2015 | 34,434 | +1.44% |
2020 | 35,242 | +0.46% |
Sanggunian: PSA[18][19][20][21] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Samar (Western Samar)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Samar to boost delicacies via 'Secret Kitchen' drive | Philippine Canadian Inquirer" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 4.0 4.1 "Officially the Municipality of Gandara, is a 2nd class municipality in the province of Samar, Philip". CHARLES LOMINOQUE (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-28. Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ agrimag (2018-08-04). "Native Carabaos Do Well in Niche Markets". Agriculture Monthly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ gandara-samar-promotes-delicacy-made-carabaos-milk-421119 (2015-07-26). "Gandara, Samar promotes delicacy made with carabao's milk". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-09. Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Share; Twitter; Twitter; Twitter. "OVP's carabao dispersal to boost Samar town cheese production". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
:|last2=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Move over, Gandara Park: Samar unveils the real Gandara". www.philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sanchez, Korina (Marso 27, 2016). "Hulog ng Langit". Rated K.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Journal, The Calbayog. "KARABAW FESTIVAL OF GANDARA, SAMAR". KARABAW FESTIVAL OF GANDARA, SAMAR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ carabao-festival-triumphs-samar-day-297606 (2013-08-13). "Carabao Festival triumphs in Samar Day". Sunstar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Labro, Vicente S. "A festive day of pride for Samareños" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MUNICIPALITY OF GANDARA, SAMAR". MUNICIPALITY OF GANDARA, SAMAR. Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gandara - Samar Destinations". www.localphilippines.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-18. Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Samar Island Spots". Trexplore the Adventures (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bangahon Spanish Church Ruins, Province of Samar, Eastern Visayas, Philippines". ph.geoview.info. Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Map - Gandara, Samar (Gandara) - MAP[N]ALL.COM". 174.127.109.64. Nakuha noong 2020-04-22.
{{cite web}}
: no-break space character in|title=
at position 15 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VIII (Eastern Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Samar (Western Samar)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.