San Miguel (Katoliko Romano)
Si San Miguel na Arkanghel ay tinutukoy sa Lumang Tipan ng Bibliya at naging bahagi na ng mga pagtuturo ng Kristiyanismo magmula pa noong sinaunang mga kapanahunan.[1] Sa loob ng nagdaan nang mga daantaon, mayroong partikular na mga tradisyon at mga pananaw na Katoliko Romano ang nahubog at nabuo ukol kay San Miguel, mula sa panahong kamakailan lamang, katulad ng ika-19 at ika-20 mga daantaon.
Isang partikular na "Panalangin kay San Miguel" ang itinaguyod ni Papa Leon XIII noong 1888 at kamakailan lamang, noong 1994, ay mas ipinagtibay pa ni Papa Juan Pablo II na humikayat sa mga nananalig na Katoliko na magpatuloy sa pagdarasal nito, na nagsasabing: "Hinihiling ko sa lahat na huwag itong kalimutan at bigkasin ito upang makakamit ng pagtulong sa pakikibaka laban sa mga puwersa ng kadiliman."[2][3][4]
Si San Miguel ay mayroong partikular na mga gampaninin sa loob ng mga pagtuturo ng Katoliko Romano na sumasaklaw magmula sa pagganap bilang pangunahing kalaban ni Satanas hanggang sa pagsasagip ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan.
Ang panitikan at mga tradisyong Katoliko Romano ay patuloy na tumuturo kay San Miguel sa loob ng mga kontekstong samu't sari katulad ng pagtatanggol ng Simbahang Katoliko hanggang sa Konsekrasyon ng Rusya ng mga papa sina Pio XII at Juan Pablo II hinggil sa mga mensaheng iniulat ukol sa Ina ng Fatima. Ang artikulong ito ay muling tumatalakay sa mga pagtuturo at mga kaugaliang Katoliko Romano.
Ang mga arkanghel
baguhinSa pangkalahatan, ang mga anghel, at partikular na ang mga arkanghel, ay mayroong tiyak na mga gampanin sa loob ng mga pagtuturo ng Katoliko romano. Ang Katekismo ng Simbahang Katoliko (334–335) ay nagpapahayag na:[5]
"Ang buong buhay ng simbahan ay nakikinabang mula sa mahihiwaga at makapangyarihang mga tulong ng mga anghel.... Magmula sa simula nito hanggang sa kamatayan, ang buhay ng tao ay napapaligiran ng kanilang mapagmasid na pagkalinga at pamamagitan."
Sa kaugaliang Katoliko Romano, sina Miguel, Gabriel at Raphael ay tinatawag na mga "arkanghel". Ang Miguel ay nangangahulugang "Sino ang katulad ng Diyos?" ("Sino ang kamukha ng Diyos?", isang katanungang panayusay, isang tanong na pangkarunungan ang pananalita); ang pangalang Gabriel ay may kahulugang "Kapangyarihan ng Diyos", "Lakas ng Diyos", o "Isang Malakas ng Diyos"; at ang Raphael ay may ibig sabihing "Pinagaling ng Diyos".[6] Sina Miguel, Gabriel, at Raphael ay pinangalanan sa Bibliya bilang mga anghel (Tinatanggap ng mga Katoliko Romano ang Aklat ni Tobit (Aklat ni Tobias), kung saan napangalanan si Raphael, bilang kanonikal).
Tanging si Miguel lamang ang tinawag na arkanghel sa Bibliya. Ang orihinal na kahulugan ng pangalang Miguel ay nagpalitaw sa pariralang Latin na Quis ut Deus? na maaaring matanaw sa kaniyang masisining na mga paglalarawan nang may karunungan at mapanlibak siyang nagtanong ng "Sino ang katulad ng Diyos?" nang magapi niya si Satanas.[7][8]
Ang kapistahan ng mga anghel na ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-29 ng Setyembre. Sa loob ng kahanayan ng mga anghel, sa pinakamataas na antas, si San Miguel ay isang seraph na parang prinsipe.[9] Ang salitang arkanghel ay nagmula sa mga salitang Griyegong arche (prinsipe) at angelos (tagapagbalita, tagapagdala ng balita, mensahero). Tinawag siya ni propeta Daniel (12: 1) bilang si "Miguel ang dakilang prinsipe na babangon sa oras ng wakas."[10]
Karaniwang inilalarawan sa sining na Kristiyano ang mga arkanghel bilang magkakasama. Halimbawa, sina Arkanghel Miguel at Arkanghel Gabriel ay magkasamang inilalarawan sa Ina ng Laging Saklolo, isang ikonong Bisantino ng Pinagpalang Birheng Maria na paksa ng malaganap na debosyong Katoliko sa loob ng mga daantaon.
Gampanin at misyon
baguhinSa Katolisismong Romano, si San Miguel ay mayroong apat na magkakaibang mga gampanin. Una, siya ang "kataas-taasang kaaway ni Satanas" at ng mga anghel na nalugmok. Nagapi niya si Satanas at pinalayas niya si Satanas mula sa Paraiso at magkakamit ng tagumpay sa panahon ng huling pakikipaglaban kay Satanas. Pangalawa, siya ang "Kristiyanong anghel ng kamatayan": sa oras ng kamatayan, bababa si San Miguel at bibigyan ang bawat isang kaluluwa ng pagkakataon na sagipin ang kaniyang sarili bago mamatay, kung kaya't panghihilakbutan ang dimonyo at ang kaniyang mga nililingap. Ang pangatlong gampanin ni San Miguel ay ang "pagtimbang ng mga kaluluwa" sa kaniyang mga timbangang may tumpak na balanse (kung kaya't madalas na inilalarawan ang santo bilang may hawak na timbangan) sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom. At bilang panghuli, si San Miguel ay ang "Tagaingat ng Simbahan".[11]
Sa kaugaliang Katoliko, sinasagisag ni San Miguel ang pananagumpay ng kabutihan laban sa masama, at malawakan siyang nalalagay sa sining na Katoliko sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang mga debosyon kay San Miguel ay mayroong isang malaking bilang ng mga tagasunod, at nakalaan sa kaniya ang isang malaking ng mga simbahan sa buong mundo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ John Norman Kelly, Early Christian Doctrines Continuum Publishing, 2000 ISBN 0-8264-5252-3 pahina 7
- ↑ James White, Roman Catholic Worship Liturgical Press, 2003 ISBN 0-8146-6194-7, page 87
- ↑ Vatican website: Regina Coeli 1994
- ↑ EWTN hinggil kay San Miguel [1] Naka-arkibo 2013-01-25 sa Wayback Machine.
- ↑ Catechism of the Catholic Church ni David Bordwell, ang Batikano, Continuum International Publishing, 2002 ISBN 0-86012-324-3, pahina 78.
- ↑ Ann Ball, 2003, Encyclopedia of Catholic Devotions and Practices OSV Press ISBN 0-87973-910-X pahina 42
- ↑ Ann Ball, 2003 Encyclopedia of Catholic Devotions and Practices ISBN 0-87973-910-X pahina 520
- ↑ Catholic Encyclopedia
- ↑ OSV's Catholic Encyclopedia ni Peter M. J. Stravinskas, OSV Publishing, 1998 ISBN 0-87973-669-0 pahina 100
- ↑ Bible Gateway
- ↑ Donna-Marie O'Boyle, Catholic Saints Prayer Book OSV Publishing, 2008 ISBN 1-59276-285-9 pahina 61