Ang paraiso ay isang lugar na napakaganda, kasiya-siya, at kaaya-aya. Isang pook na itinuturing na paraiso sa Lumang Tipan ng Bibliya, partikular na sa Aklat ng Henesis, ay ang Halamanan ng Eden. Ito rin ang ibang katawagan para sa langit o kalangitan. Bukod sa pagiging pook, maaari rin itong tumukoy sa damdamin ng kasiyahan at kaginghawahan.[1][2] Matatagpuan ang paglalarawan ng paraisong pook sa Lukas 23:43 at 2 Corinto 12:3.[3]

Ang Paraiso, isang papintang paglalarawan na ginawa ni Jan Bruegel.

Pinagmulan ng konsepto

baguhin

Mula sa panahong Dinastiyang Akemenida, ang ideya ng isang paraiso sa mundo ay kumalat sa panitikang Persa (Persian) gayundin sa ibang mga kultura. Ang salitang wikang Avestan na pairidaēza-, Lumang Persa (Persian) na *paridaida-,[note 1] wikang Median *paridaiza- (napapaderan, i.e., isang hardin na may pader) ay hiniram sa salitang Sinaunang Griyego: παράδεισος, romanisado: parádeisos at pagkatapos ay isinalin sa wikang Latin na paradīsus at mula sa latin ay sa iba't ibang mga wikang Europeo, e.g., Pranses paradis, Aleman Paradies, at Ingles paradise. Ang salitang Avestan ay pumasok rin sa mga wikang Semitiko: Akkadian pardesu, Hebreong pardes, at Arabeng firdaws.[4]

Gaya ng inihahayag ng salitang orihinal, ang gayong hardin ay napapaderan o nasasarhan. Ang salitang Proto-Iranian para sa "nakasarang espasyo" ay *pari-daiza- (Avestan pairi-daēza-) na isang terminong hiniram sa mitolohiyang Kristiyano upang ilarawan ang paraiso sa mundo.[5]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Paradise - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Paradise, paraiso". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa paradise Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  3. American Bible Society (2009). "Paradise". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  4. Fakour M., Achaemenid Gardens [1]; CAIS-Online - accessed 15 Enero 2007
  5. Persians: Masters of Empire, p 62, ISBN 0-8094-9104-4

Talababa

baguhin
  1. Although the genuine Old Persian form must have been *paridaida-, Modern Persian palīz 'garden' from Middle Persian palēz presupposes a variant *pardaiza- (with syncope of -i-), which seems to be the cognate of *paridaida- from a different Iranian language (Avestan, Median or Parthian) borrowed into Persian still in an early period.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.