Halamanan ng Eden
Ang Halamanan ng Eden o Hardin ng Eden (Hebreo גַּן עֵדֶן, Gan ʿEdhen) ay ang lugar kung saan nanirahan at namuhay ang unang lalaking si Adan at ang unang babaeng si Eba pagkaraang likhain sila ng Diyos. Sa Bibliyang Kristiyano, ang kuwento ng paglikha sa daigdig na nasa aklat ng Henesis ay naglalarawan kung paano namuhay sina Adan at Eba sa Eden na mapayapa sa piling ng lahat ng mga hayop. Pinangalagaan nila ang hardin at maaaring kumain ng anumang bunga o pagkain na makukuha magmula sa anumang mga puno maliban na lamang sa Puno ng Kaalaman. Pagkaraan nilang kumain magmula sa Puno ng Kaalaman, pinarusahan ng Diyos sina Adan at Eba sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila magmula sa Halamanan ng Eden na hindi na muling makababalik pa kailanman. Ang kuwento ay isinasalaysay sa Aklat ng Henesis 1-3 (nasa Lumang Tipan ng Bibliya at ng Tanakh. Sa Tanakh, ang Halamanan ng Eden ay tinawag bilang Paraiso.
Pinagmulan ng pangalan
baguhinSa wikang Sumeryo, ang "Eden" ay ang pangalan para sa kapatagan. Binabanggit din ang diwa ng "Makalangit na Eden" o "Maluwalhating Eden". Sa una, tumutukoy ito sa isang pook na may matabang lupa, subalit pagdaka ay naging pagang. Ayon sa mga klimatologo, isa itong mabuting paglalarawan ng pagbabago ng klima na nangyari sa Lebanto pagkaraan ng panghuling Panahon ng Yelo. Naging tuyo ang lunting kapatagan. Nangahulugan na hindi na makakakuha ng mga makakain sa loob ng isang buong taon, maliban na lamang sa ilang partikular na mga panahon. Pinuwersa nito ang mga tao na namumuhay noong mga panahong iyon na magsimula ng agrikultura at magtabi ng ilan sa kanilang mga pagkain para sa mga panahon na walang makukuhang mga pagkain. Tinukoy ng mga siyentipiko (mga dalub-agham) ang pagbabagong bilang Rebolusyong Neolitiko. Ang pagbabagong ito hinggil sa pagkain ay binabanggit din sa kuwento.
Bukod sa pagkakabanggit sa Aklat ng Henesis, ang Halamanan ng Eden - na nilalarawan din bilang "halamanan ng Diyos" - ay tuwiran o hindi tuwirang nabanggit din sa mga Aklat ni Ezekiel at Aklat ni Isaiah at sa iba pang lugar sa Lumang Tipan ng Bibliya.[1] Sa nakalipas na mga kapanahunan, ang pinakaninanais na pinaghanguan ng pangalang "Eden" ay ang Akkadianong edinnu, na hinango mula sa salitang Sumeryo na may kahulugang kapatagan subalit mas pinaniniwalaan na sa ngayon na mas may malapit na kaugnayan sa ugat na Aramaikong may kahulugang "mabunga, sapat na natubigan (sapat ang pagkakadilig)."[1]
Kinaroroonan
baguhinAng Eden na nasa Aklat ng Henesis ay paiba-ibang nailalagay sa mga punong-tubigan ng Tigris at ng Euphrates sa Hilagang Iraq, o sa Aprika, o kaya ay sa Golpo ng Persia. Subalit, ang Eden na nasa Aklat ni Ezekiel ay maliwanag na nasa Lebanon. Para sa maraming mga manunulat noong panahong midyebal, ang imahe ng Halaman ng Eden ay lumilikha rin ng isang lokasyon para sa pagmamahal at seksuwalidad ng tao, na madalas na mayroong kaugnayan sa tropo ng locus amoenus.[2]
Layunin
baguhinSa mitolohiyang Babilonyano, ang dahilan ng paglikha sa tao ay ang upang makagawa ang mga ito ng mga pagkain para sa mga diyos. Kaiba ang pananaw na ito na nasa Bibliya. Sa Bibliya, nilikha ng Diyos ang mga halaman upang maging pagkain ng mga tao, at ng mga hayop na nakakapiling nila. Ang simula ng Aklat ng Henesis ay tinanaw bilang isang paglalarawan ng katayuan bago ang isang pagbabago sa klima sa isang tiyak na rehiyon. Dahil sa pagbabagong ito, "pinarusahan" o "sinumpa" ang tao upang magtanim at magpalaki ng mga pananim at mag-imbak ng ilan, upang makain ang mga aning ito, habang nasa panahon kung kailan hindi tumutubo at lumalaki ang mga ito. Tinatanaw na ang Henesis bilang nagsimula lamang noong ang rehiyon ito ay naging maalam sa agrikultura (na tinatawag ngang Rebolusyong Neolitiko, katulad ng pagkakabanggit sa itaas). Nangangahulugan na ang Henesis ay sumasaklaw humigit-kumulang magmula sa 8000 - 6000 BC hanggang humigit-kumulang sa 2000 BC.
Pag-alis mula sa halamanan
baguhinHudaismo
baguhinItinuturo ng Hudaismo na ang kasalanan ay hindi maaaring ipasa o ilipat magmula sa mga magulang papunta sa kanilang mga anak. Ang mga tao ay malayang makapagpasya at ang bawat isa ay mayroong pananagutan sa kanilang sariling mga kasalanan o pagkakamali lamang. Ang mga tao ay maaaring gumawa ng masasamang mga bagay at ng mga mabubuting mga bagay. Ang mga utos ng Diyos ay tumutulong sa mga tao upang makagawa ng mabubuting mga bagay. Ang talagang bumubuo sa mga utos ng Diyos ay hindi nasusulat, subalit kailangang likhain at paunlarin ng kaugalian. Ang mga kasalanan ay pinatatawad isang ulit taun-taon (tuwing Jom Kippor). Hindi katulad ng sa Kristiyanismo, ang Hudaismo ay walang kasamaan na nagkatawang tao.
Kristiyanismo
baguhinSa Kristiyanismo, pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na ang kasalanan ay maaaring maipasa mula sa mga magulang papunta sa kanilang mga anak. Ito ay tinatawag bilang kasalanang orihinal (pinagmulang kasalanan). Kung hindi dahil kay Hesus, ang mga tao ay dapat na mamuhay na may kasalanan. Isinapormal ni Augusto ng Hippo ang paniniwalang ito, na ngayon ay isang dogma sa Pangkanlurang mga denominasyong Kristiyano (Katolisismo at Protestantismo).
Islam
baguhinSa Islam, tinatanaw sina Adan at Eba bilang pinalayas bilang isang pagkakataon na makapagsimulang muli. Ayon sa Islam, ang Kristiyanong diwa ng kasalanang orihinal ay mali. Nangangahulugan na ang pagkakapalayas kina Adan at Eba ay hindi nakapagbabago sa ugnayan ng mga tao at ng Diyos. Ayon sa tradisyon ng Islam, sina Adan at Eba ay inilagay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo. Noong una, kinailangan nilang magpalabuy-laboy bago nila matagpuang muli ang isa't isa.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- Ang artikulong ito ay orihinal na isinalin magmula sa payak na wikang Ingles ng simple:Garden of Eden (partikular ang bersiyong ito) bago nadagdagan ng iba pang mga detalye.
- ↑ 1.0 1.1 Cohen 2011, pp. 228–229
- ↑ Curtius 1953, p. 200,n.31