Paglikha ayon sa Genesis

Ang paglikha ayon sa Genesis o mito ng paglikha ayon sa Genesis ay naglalaman ng pangunahing mito ng paglikha ng parehong relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo. Ang mitong ito ay nilalaman ng unang dalawang mga kapitulo ng Aklat ng Genesis. Ang unang kapitulo o kabanata ay naglalarawan ng pagkakaliha ng mundo ni Elohim (אֱלֹהִ֔ים na salitang Hebreo para sa diyos) sa loob ng anim na araw(Hebreo: יום‎, yom) sa pamamagitan ng salita ng diyos na humantong sa pagkakalikha ng sangkatauhan at ang diyos ay nagpahinga, nagpala at nagpabanal ng Shabbat (ikapitong araw). Ang ikalawang kapitulo ay naglalarawan kay YHWH—na personal na pangalan ng diyos ng Israel na lumikha ng unang tao na si Adan mula sa alikabok(o alabok) ng lupa, iniligay ito sa Hardin ng Eden at lumikha ng unang babae na si Eba mula sa tadyang ni Adan. Inilarawan ng skolar na si Robert Alter ang pinagsamang salaysay bilang "makapipilit sa katangiang arketipal nito, at pag-aangkop nito ng mito sa mga layuning monoteistiko".[1]

Ayon sa karamihan ng mga modernong skolar ng Bibliya, ang mga Israelita ay humiram ng ilang mga tema mula sa mitolohiyang Mesopotamiyano (Irak) ngunit inangkop ang mga ito sa kanilang monoteistikong (may isang diyos na) paniniwala sa Hudaismo gaya ng isinasaad ng shema.[2] Sa Genesis 1, ang diyos ay lumikha sa pamamagitan ng sinalitang kautusan ("Let there be.../Hayaang magkaroon ng...") na nagmumungkahi ng paghahambing sa isang hari na nagsasalita lamang para mangyari ang mga bagay.[3] Ang bawat utos ay sinusundan ng pagbibigay pangalan ("And he called.../At kanyang tinawag"). Sa sinaunang Malapit na Silangan, ang pagpapangalan ay nakatali sa akto ng paglikha kaya sa panitikang Ehipsiyo, ang manlilikhang diyos ay naghayag ng pangalan ng lahat ng bagay at ang Enuma Elish ay nagsisimula sa puntong "walang pang napapangalanan". [4] Ang pandiwang Hebreo na ginamit upang ilarawan ang aktong paglikha ng diyos ang ברא, bara na ginagamit lamang sa diyos bilang subhekto. Walang nilalang kabilang ang tao na kailanman naging subhekto(paksa) ng pandiwang bara ngunit obheto lamang. Ayon kay John Walton, ang bara ay tumutungkol hindi sa pagkakalikha ng materya ex nihilo ("mula sa wala"), kundi sa pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin. [5] Ayon kay Walter Brueggemann, ito ay maaaring parehong pakahulugan bilang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo at pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin at ang ebidensiyang gramatikal sa anuman sa pananaw na ito ay hindi konklusibo.[6] Sa anumang kaso, kanyang binigyan ng konklusyon na ang salasay ng paglikha ayon Genesis ay nagbibigay diin sa monoteismo at probidensiya ng diyos at hindi na kailangang mamili sa pagitan ng dalawang pagpipiliang exegetical kung ang mismong teksto ay hindi pumipili. [7] Ang mga konserbatibong exegete ng Hudaismo o Kristiyanimo ay nagsasaad na ang bara ay talaga ngang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo. [8]

Sa Genesis 2, ang salitang Hebreo na ginamit nang buuin ng diyos ang unang tao ay יצר, yatsar, na nangangahulugang "fashioned"(hinugis) na isang pandiwang ginagamit sa kontekstong gaya ng isang magpapalayok na naghuhugis ng palayok. [9] Hiningahan ng diyos ng kanyang hininga ng buhay ang tao at ito ay naging isang buhay na kaluluwaנֶפֶש nephesh na isang salitang nangangahulugang buhay, kasiglahan o buhay na personalidad. Ang tao ay nagsasalo ng nephesh sa lahat ng mga nilalang ngunit tanging ang tao ang inilarawan ng aktong ito ng pagbibigay buhay ng diyos. [10]

Ang isang karaniwang pananaw sa mga kasalukuyang skolar ng Bibliya ay ang komprehensibong drapto ng Pentateuch(ang unang limang aklat ng Lumang Tipan na Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng Bilang at Deuteronomiyo) ay nilikha sa huli ng ika-7 o ika-6 na siglo BCE ng Yahwist at ito ay kalaunang pinalawig sa pamamagitan ng mga pagdaragdag ng iba't ibang mga salaysay at batas ng pinagkunang pangsaserdote(priestly source) sa isang akdang tulad ng makikita sa Pentateuch ngayon. [11] Sa salaysay, ang dalawang mga pinagkunan ay lumilitaw sa magkabaligtad na pagkakaayos. Ayon sa pinakalaganap na delineasyon(paghahati) ng mga pinagkunan, ang Genesis 1 ay mula sa pinagkunang pangsaserdote(priestly source) at ang Genesis 2 ay sa Yahwistiko. Sa pananaw ng mga skolar ng Bibliya, ang nananaig na layunin ng akdang ito ay upang itatag ang pagkakalikhang monoteistiko(paniniwala sa isang diyos na si Yahweh) bilang pagtutol o paglaban sa politeistikong(paniniwala sa maraming diyos) panniniwala ng kaaway ng bansang Israel na Imperyong Babylonian.[12] Sa pagtalakay ng skolar ng Bibliya at propesor na si R.N. Whybray sa mga tema ng Aklat ng Genesis sa Oxford Bible Commentary, kanyang isinulat na ang primebal(panimulang) salaysay(Genesis 1 hanggang Genesis 11) ay nagpapakilala ng supremo at isang diyos na lumikha ng mundo na "mabuti"; kalaunan, ang sangkatauhan ay nagrebelde sa diyos na ito at nagpadala ng malaking baha na sinundan ng tamang panahon ng isang mas may pag-asang kapalaran ng sangkatauhan na pinagpala sa pamamagitan ni Abraham.[13]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Alter 2004, p. xii.
  2. Sarna 1997, p. 50.
  3. Bandstra 1999, p. 39.
  4. Walton 2003, p. 158.
  5. Walton 2006, p. 183.
  6. Brueggemann 1982, p. 29. "The familiar statement of verse 1 admits more of more than one rendering. The conventional translation (supported by Isa 46:10) makes a claim for creation as an absolute and decisive act of God. But it may be a dependent temporal clause ("when God began to create"): it then relates closely to what follows, and creation is understood to be an ongoing work which God has begun and continues. The evidence of the grammar is not decisive, and either rendering is possible."
  7. Brueggemann 1982, pp. 29–30. "The very ambiguity of creation from nothing and creation from chaos is a rich expository possibility. We need not choose between them, even as the text does not...The former asserts the majestic and exclusive power of God. The latter asserts that even the way life is can be claimed by God. By the double focus on the power of God and the use made of chaos, the text affirms the difference between God and creature."
  8. Wenham 1987, p. 352.
  9. Alter 2004, p. 20, 22.
  10. Davidson 1973, p. 31.
  11. Davies 2001, p. 37.
  12. Leeming 2004.
  13. Whybray 2001, p. 40.