Ang alamat ng paglikha, mito ng paglikha, o kuwento ng paglikha ay isang masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang mundo at kung paanong ang tao ay unang dumating upang manirahan sa daigdig.[1][2] Umunlad sila sa mga tradisyong pasambit, kung kaya't pangkaraniwang may maramihang mga bersiyon;[2] at sila ang pinaka pangkaraniwang anyo ng mito, na natatagpuan sa lahat ng kultura ng tao.[3][4] Sa isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay pangkaraniwang itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mga katotohanan, patalinghaga o metaporikal, masagisag at kung minsan ay pati na sa diwang makasaysayan o literal.[3][5] Ang mga ito ay pangkaraniwang, bagaman hindi palagi, isinaalang-alang bilang mga mitong kosmohonikal, iyong naglalarawan ng pagsasaayos o pag-aayos ng kosmos mula sa isang kalagayan ng kaguluhan o walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri, katangian o karakter.[6]

Kadalasang mayroong isang bilang ng mga tampok ang mga mito ng paglikha. Kadalasan silang itinuturing na mga banal na paglalahad at maaaring matagpuan sa halos lahat ng nalalaman o nakikilalang mga tradisyong panrelihiyon (kaugaliang pampananampalataya).[7] Lahat ng mga ito ay mga kuwentong may isang banghay o balangkas ng kuwento na maaaring mga diyus-diyusan, mga pigurang kawangis ng tao, o mga hayop, na kadalasang madali o maginhawang nakapagsasalita at nakapagbabago ng anyo.[8] Kadalasan silang may tagpuan na nasa isang malamlam at hindi tiyakang panahon sa nakaraan, isang bagay na tinawag ng manunulat ng kasaysayan ng relihiyon na si Mircea Eliade bilang in illo tempore (pariralang Italyano na may kahulugang "noong panahong yaon").[7][9] Gayundin, ang lahat ng mga mito ng paglikha ay nagwiwika sa mga katanungang may malalalim na mga kahulugan na pinanghahawakan ng lipunang kinababahagian ng mga ito, paglalantad ng kanilang pangunahin o panggitnang pananaw sa mundo at ang balangkas para sa katauhan ng sarili ng kalinangan at indibiduwal na nasa diwang pandaigdigan.[10]

Mga karaniwang uri

baguhin

Ex nihilo

baguhin

Ang paglikhang ex nihilo (Latin para sa "mula sa wala") na kilala rin bilang "paglikhang de novo" ay isang karaniwang uri ng paglikhang mitikal. Ang paglikhang ex nihilo ay inilalarawan ring nangyayari mula sa mga nilalabas sa katawan ng manlilikha. Sa maraming mga mito ng paglikha, ang linya ay hindi malinaw kung ang akto ng paglikha ay mas mabuting uriing ex nihilo o paglikha mula sa kaguluhan. Sa ex nihilo, ang potensiyal at sustansiya ng paglikha ay sumisibol mula sa loob ng isang manlilikha. Ang gayong manlilikha ay maaari o hindi umiiral sa mga kapaligirang pisikal gaya ng kadiliman o katubigan ngunit hindi lumilikha ng mundo mula sa mga ito. Sa paglikha mula sa kaguluhan, ang sustansiyang ginagamit para sa paglikha ay isang umiiral na bago ang paglikha sa loob ng isang hindi pa nabubuong mundo. Kabilang sa mga ito ang debate sa pagitan ng tupa at butil mula sa sinaunang Sumer, silindrong Barton, mga mitong paglikha ng Sinaunang Ehipto, paglikha ayon sa Genesis (sa Hudaismo at Kristiyanismo), paglikhang mito ayon sa Islam, Kabezya-Mpungu, mga mitong Māori, Mbombo, Ngai, Popol Vuh at Rangi and Papa Sa karamihan ng mga kuwentong ang mundo ay nilikha sa pamamagitan ng salita, hininga, o purong pag-iisip ng manlilikha.

Paglikha mula sa kaguluhan

baguhin

Sa paglikha mula sa kaguluhan, sa simula ay walang anumang bagay ngunit isang walang anyo at walang hugis na kalawakan. Sa mga mitolohiyang ito, ang kaguluhan na minsang tinatawag ring kawalan o isang kalalilam ay naglalaman ng materyal na paglilikhaan ng mundo. Ang kaguluhan ay mailalarawan na may konsistensiya ng isang singaw o tubig, walang dimensiyon, at minsan ay maalat o maputik. Ang mga mitong ito ay nag-uugnay ng kaguluhan sa kasamaan at limot bilang salungat sa kaauyasan (cosmos) na mabuti. Ang akto ng paglikha sa mga mitong ito ay pagdadala ng kaayusan mula sa kaguluhan at sa maraming mga kultura, pinaniniwalaang sa isang punto, ang mga pwersa ng pag-iingat ng kaayusan at anyo ay hihina at ang mundo ay muling lalamunin ng kalaliman. Kabilang sa mga mitong ito ang Cheonjiwang Bonpuli ng Korea, Enûma Eliš ng Babilonia, mitong kosmogonikal ng mitolohiyang Griyego, Jamshid, Kumulipo, mito ng paglikhang Mandé, Pangu, uwak sa paglikha, mito ng paglikhang Serer, mito ng paglikhang Sumerian, mito ng paglikhang Tungusic, Unkulunkulu, Väinämöinen, at Viracocha.

Mundong magulang

baguhin

May dalawang mga uri ng mga mitong mundong magulang na parehong naglalarawan ng isang paghihiwalay ng isang primebal na entidad na mundong magulang o mga magulang. Ang isang anyo ay naglalarawan ng isang estadong primebal bilang isang walang hanggang pagsasama ng dalawang mga magulang. Ang paglikha ay nangyayari kapag ang dalawang ito ay pinaghihiwalay. Ang dalawang mga magulang ay karaniwang tinutukoy na Kalangitan na karaniwang lalake at Mundo na karaniwang babae. Sa estadong primebal, ang dalawang ito ay mahigpit na magkatali sa bawat is na walang supling ang aahon. Ang mga mitong ito ay naglalarawan ng paglikha bilang resulta ng isang pagsasamang seksuwal at nagsisilbing rekord na henealohikal ng mga diyos na ipinanganak mula dito. Sa ikalawang anyo ng mitong mundong magulang, ang mismong paglikha ay sumisibol mula sa mga pinagputol putol na mga bahagi ng katawan ng entidad na primebal. Kadalasan sa mga kuwentong ito, ang mga biyas, buhok, dugo, mga buto o organo nito ay binago sa langit, mundo, mga buhay na hayop o halaman at iba pa. Ang mga mitong ito ay nagbibigay diin sa mga malikhang pwersa bilang animistiko sa kalikasan sa halip na seksuwal. Ang sagrado ay inilalarawan na elemental at integral na bahagi ng natural na mundo.

Pag-ahon

baguhin

Sa mga mitong pag-ahon, ang sangkatauhan ay umaahon mula sa isa pang mundo tungo sa isa na kanilang tinatahanan. Ang nakaraang mundo ay kadalasang itinuturing na sinapupunan ng mundong ina at ang proseso ng paglikha ay inihahalintulad sa akto ng panganganak. Ang papel ng komadrona ay kadalasang ginagampanan ng isang babaeng diyosa tulad ng babaeng gagamba sa mitolohiyang Katutubong Amerikano. Kabilang sa mga ito ang mito ng paglikhang Hopi, mito ng paglikhang Maya, Diné Bahaneʼ, mito ng paglikhang Zuni.

Tagasisid ng mundo

baguhin

Sa mga mitong tagasisid ng mundo, ang isang supremang entidad ay karaniwang nagpapadala ng isang hayop sa mga primal na katubigan upang humanap ng mga buhangin o putik upang pagtayuan ng matatahanang lupain. Ito ay pinapakahulugan ng ilang mga skolar na sikolohikal samantalang ang iba ay pinapakahulugan itong kosmogonikal. Sa parehong mga kaso, binibigyang diin ang mga pagsisimulang nagmumula sa mga kalaliman. Kabilang sa uring ito ng mito ng paglikha ang mito ng paglikhang Ainu, mito ng paglikhang Cherokee, Väinämöinen at mito ng paglikhang Yoruba.

Iba pa

baguhin

Mito ng paglikhang Fon, mito ng paglikhang Kaang, mitong Kintu, Mbombo, Ngai, Unkulunkulu (Zulu), Coatlicue (Aztec), Popol Vuh (Quiché Mayan), mito ng paglikhang Anishinaabe, mito ng paglikhang Choctaw, mito ng paglikhang Creek, mito ng paglikhang Hopi, Kuterastan (Plains Apache), Alamat nina Trentren Vilu at Caicai Vilu (Chilean), Viracocha (Incan), mito ng paglikhang Mongolian, Au Co (Vietnamese), mito ng paglikhang Tsino, mito ng paglikhang Dangun, Nüwa, Pangu, Samseonghyeol, paglikhang Hiranyagarbha (India), ajativada (India),Mimamsa eternalism (India), teoriyang samkhya-yoga (India), teoriyang atomikong nyaya-vaisheshika (India), teoriyang lokayat-charvaka (India), sasvatvada (India), teoriyang budismo (India), Jainism at kawalang kreasyonismo (India), katutubong mito ng paglikhang Hindu, mito ng paglikhang Pelasgian,Väinämöinen (Finnish), Völuspá (Norse), Mashya and Mashyana (Persian), Kumulipo (Hawaiian), Rangi and Papa (Māori), Sureq Galigo (Buginese), Atra-Hasis

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Encyclopædia Britannica 2009
  2. 2.0 2.1 Womack 2005, p. 81, "Creation myths are symbolic stories describing how the universe and its inhabitants came to be. Creation myths develop through oral traditions and therefore typically have multiple versions."
  3. 3.0 3.1 Kimball 2008[pahina kailangan]
  4. Long 1963, p. 18
  5. Leeming 2010, pp. xvii–xviii, 465
  6. Tingnan ang:
  7. 7.0 7.1 Johnston 2009
  8. Tingnan ang:
  9. Eliade 1963, p. 429
  10. Tingnan: