Buksan ang pangunahing menu

Ang salita ay yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, parilala, sugnay at pangungusap.

Mga nilalaman

Uri/Antas ng SalitaBaguhin

PormalBaguhin

Ito ay ginagamit sa mga seryosong publikasyon at gugagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. Itinuturing na pinakamataas na antas sapagkat karaniwang kinikilala na may batayan.

PambansaBaguhin

Wikang ginagamit sa paaralan, pamahalaan at simbahan. Batid ng sambayanan ang mga salitang kabilang sa antas na ito.

Halimbawa: bansa, tao, batas, at iba pa

Pampanitikan o PanretorikaBaguhin

Pinakamataas at pinakamayamang antas dahil ang mga salita ay malikhain, masining at matalinghaga na ginagamit s apanitikan

Halimbawa: mga idyoma, tayutay at iba pa

Di-pormal o ImpormalBaguhin

Ito ay ginagamit ng karaniwang tao sa araw-araw at simple ang bokabularyo.

LalawiganinBaguhin

Mga salitang diyalektal o wika sa partikular na lugar o lalawigan lamang. Ito ay paminsan-minsan ay may kakaibang tono.

Salitang KolokyalBaguhin

Ito ang mga karaniwang salitang pambansang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagdudugtong ng salita.

Pormal Kolokyal
mayroon meron
sa akin sakin
kailan kelan

Salitang BanyagaBaguhin

Karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pakikipagkomunikasyon ang mga ito. Lagi nang humahalo ang mga salitang ito saanmang usapang impormal.

Halimbawa: "Nakakatakot talaga ang supertyhoon, ano?"

Salitang BalbalBaguhin

Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika. Walang pamantayan ang gamit nito. Nabubuo ito ng isang pangkat ng lipunan para sa kanilang partikular na pagkakakilanlan. Karaniwang nauuso lamang ito at paglipas ng ilang panahon, maaaring mawala at mapalitan ng iba.

  • Teenage Lingo - salita ng mga kabataan
  • G-lang - wika ng mga maliliit na grupo; may code
  • Sward Speech/Gay Lingo/Gayspeak - salita ng mga bakla o tomboy
Pormal Di-pormal
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Banyaga Balbal
Teenage Lingo G-lang Sward Speech/Gay Lingo/Gayspeak
nanay ilaw ng tahanan nanang (Kankana-ey) 'nay mother mamits naganagay madir, mamu, mamita
kasintahan laman ng dibdib ayaten (Ilokano) sinta sweetheart syota, dyowa/jowa syogotaga labidabs
malupit walang awa isog (Cebuano) malupet cruel petmalu tipulam lupeeet

Kayarian ng SalitaBaguhin

Malalaman dito kung papaano nabubuo ang mga salta, kung ito ba ay salitang-ugat lamang, o may ikinakabit na panlapi, inuulit o tambalan.

PayakBaguhin

Binubuo ito ng salitang-ugat lamang. Wala itong panlapi, walang katambal na ibang salita at hindi inuulit.

Halimbawa: bata, paa, daga

MaylapiBaguhin

Pangunahing lathalain: Panlapi

Binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.

UnlapiBaguhin

Ito ay panlaping nasa unahan ng salita.

Halimbawa: masaya, nagwalis

GitlapiBaguhin

Ito ay panlaping nasa gitna ng salita.

Halimbawa: sumaya, winalis

Hulapi

Ito ay panlaping nasa hulihan ng salita.

Halimbawa: sayahin, walisin

KabilaanBaguhin

Ito ay panlaping nasa unahan at hulihan ng salita.

Halimbawa: masayahin, pakiwalisin

LaguhanBaguhin

Ito ay panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salita.

Halimbawa: pinagsumikapan, magdinuguan

InuulitBaguhin

Ang salita ay inuulit kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

Inuulit na Ganap o BuoBaguhin

Inuulit ang buong salitang-ugat nang may pang-angkop o wala o may panlapi o wala. Paalala lamang na ang salitang-ugat lamang ang inuulit.

Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw

Inuulit na Di-ganap o ParsiyalBaguhin

Inuult lamang ang isa o higit pang pantig ng salitang-ugat at kahit may panlapi pa ito.

Halimbawa: lilima, aabangan

Magkahalong Ganap at Di-ganapBaguhin

Ito ang tawag kapag buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.

Halimbawa: iilan-ilan, tutulong-tulong

TambalanBaguhin

Ang salita ay tambalan kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.

Tambalang Di-ganapBaguhin

Ito ang tawag kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.

Halimbawa: bahay-kubo, kuwentong-bayan

Tambalang GanapBaguhin

kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa: dalagambukid, bahaghari

Mga SanggunianBaguhin

Mga PinagkukunanBaguhin

  • Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8 by Remedios Infantado ISBN 978-971-23-7030-4 p.198
  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 19, 112-115, 196-197, 304-305
  • Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 7 by Ramilito Correa ISBN 978-971-23-7028-1 p. 349-353


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Panitikan at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.