Phascolarctos cinereus

(Idinirekta mula sa Koala)

Ang Koala[3] (Phascolarctos cinereus) ay isang hayop na kumakain ng halaman (herbiboro) na may pandak ngunit matipuno o siksik na pangangatawan na naninirahan at katutubo sa Australya. Isa itong hayop na naninirahan sa puno (arboryal) at kabilang sa mga marsupial o mga hayop na walang plasenta ang mga babae, sa halip mayroon silang marsupium o supot sa labas ng tiyan na pinaglalagyan ng sanggol pang anak. Sila ang tanging umiiral pang kinatawan ng pamilyang Phascolarctidae.

Koala[1]
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
P. cinereus
Pangalang binomial
Phascolarctos cinereus
(Goldfuss, 1817)

Matatagpuan ang koala sa mga mabaybaying rehiyon ng silanganin at katimugang Australya, mula sa malapit na Adelaide hanggang sa katimugang bahagi ng Tangway ng Cape York. Umaabot din ang mga populasyon sa malalayong mga distansiya paloob ng lupain sa mga rehiyong mas sapat na pamamasa upang masuportahan ang mga lupaing magubat. Malawakang pinaslang ang mga koala ng Timog Australya noong maagang bahagi ng ika-20 daantaon, subalit muli nang napadami ang populasyon ng estado mula sa pinaglahian o angkang nasa Victoriano. Hindi natatagpuan ang koala sa Tasmania o Kanlurang Australya.

Tingnan

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. p. 43. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gordon G, Menkhorst P, Robinson T, Lunney D, Martin R. & Ellis M (2008). Koala. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 2008-10-30.
  3. Gaboy, Luciano L. Koala - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.