Serpiyente (Bibliya)

Ang Serpiyente na hinango mula sa Latin na serpens ay isang gumagapang na hayop o ahas (Hebreo: נחש‎), nahash, (na nangangahulugang tagabulong at tanniyn) ay umiiral sa parehong Tanakh at Bagong Tipan. Ang serpiyente o ahas ay gumampan ng mahahalagang mga papel sa buhay panrelihiyon at pang-kultura ng Sinaunang Ehipto, Canaan, Mesopotamia, at Gresya. Ang serpiyente ay isang simbolo ng kapangyarihang masama at Kaguluhan mula sa mundong ilalim gayundin bilang isang simbolo ng pertilidad, buhay at paggaling.[2] Ang Hebreong Nahash para sa ahas ay nauugnay rin sa dibinasyon kabilang ang isang anyong-pandiwang kahulugan na magsanay ng dibinasyon o panghuhula. Ang Tanniyn ay isang anyo ng halimaw na dragon na umiiral sa buong Tanakh. Sa Aklat ng Exodo, ang mga tungkod ni Moises at Aaron ay ginawang mga serpiyente na isang nahash para kay Moises at isang tanniyn para kay Aaron.

Si Adan, Eba, at ang (babaeng) Serpiyente na nasa pasukan sa Katedral ng Notre Dame sa Paris. Ang sining ng Kristiyanong Midyebal ay madalas na maglarawan ng Edenikong Serpiyente bilang isang babae, isang sagisag ng kasaganaan (pekundidad).[1]

Bibliya

baguhin

Sa Aklat ng Genesis, ang serpiyente o nahash ay inilalarawan bilang isang mandaraya nna nagtataguyod ng mabuti kung anong pinagbawal ng diyos at nagpapakita ng katusuhan sa pandaraya nito. Sinabi ni Yahweh kina Adan at Eba na huwag kumain ng bunga mula sa Puno ng Kaalaman na nagsasabing sila ay mamamatay kung gagawin nila ito. Hinikayat ng ahas sina Adan at Eba na kainin ang bunga na nagsasabing hindi sila mamamatay at magiging tulad ng diyos na nakakaalam ng mabuti at masama.[Genesis 3:2-5] Pagkatapos, sinabi ni Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." (Genesis 3:22)

Ang maapoy na serpiyente (Hebreo: 'שָׂרָף, Modern saraph Tiberian sä·räf' ; "maapoy", "maapoy na serpiyente", "seraph", "seraphim") ay umiiral sa Torah na naglalarwan ng mga masamang ahas na ang lason ay nasusunog sa pagdikit. Ayon kay Wilhelm Gesenius, ang saraph ay tumutugon sa Sanskrit na sarpa, serpiyente: sarpin, reptilya (mula sa ugat na srip, serper). Ang mga nagliliyab na serpiyenteng ito ay pumeste sa dakila at teribleng lugar ng ilang na disyerto (Bilang 21:4-9; Deut.8:15). Ang salitang Hebreo para sa "nakakalason" ay literal na nangangahulugang "maapoy", "nagliliyab". Ipinaliwanag ng Aklat ni Isaias ang paglalarawan ng mga maapoy na serpiyenteng ito bilang "mga lumilipad na saraph"(YLT), o "mga lumilipad na dragon".[3](Isa. 30:6).

Sa Aklat ng Bilang, inilagay ni Moises ang isang tansong serpiyente sa isang poste na nagsilbi bilang isang gamot laban sa kagat ng "seraphim, na "mga isang nagniningas" (Bilang 21:4-9). Ang parirala sa Bilang 21:9 na "isang serpiyente ng tanso" na isang paglalaro sa salita bilang "serpiyente" (nehash) at “tanso” (nehoshet) ay malapit na magkaugnay sa Hebreong nehash nehoshet.[2]

Iminungkahi ng mga skolar na ang imahen ng maapoy na serpiyente ay nagsilbi tulad ng isang mahikal na anting anting. Ang mga mahikang anting anting ay ginamit sa Sinaunang Malapit na Silangan[4] upang magsanay ng isang ritwal na paggamot na kilala bilang simpatetikong mahika bilang pagtatangka na palayasin, gamutin o paliitin ang epekto ng sakit at mga lason.[2] Ang mga pigurang kobre at tanso ay nakuha sa mga lugar na ito na nagpapakitang ang pagsasanay nito ay malawak sa panahong ito.[4]

Sa Ebanghelyo ni Mateo, tinawag ni Juan Bautista ang mga fariseo at saduceo na dumadalaw sa kanya bilang "Kayong lahi ng mga ulupong!" (Mat. 3:7). Ginamit rin ni Hesus ang paglalarawang ito sa Mat. 23:33, "Mga ahas, mga anak ng ulupong! Papaano kayo makakaligtas mula sa hatol ng Gehenna?". Ginamit rin ni Hesus ang ahas nang walang negatibong konotasyon, "Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati" (Matthew 10:16).

Ang serpiyente ay umiiral sa Aklat ng Pahayag bilang "sinaunang ahas" o "matandang ahas" upang ilarawan ang dragon, si Satanas na diyablo (Pah. 12:9, 20:2). Ang ahas na ito ay inilalarawan bilang isang pulang may pitong-ulong dragon na may mga 10 sungay na ang bawat isa ay may diadema.

Mitolohiya

baguhin
 
Ouroboros, single and in pairs at SS Mary and David's Church, England

Sa pinakamatandang kuwentong kailanman isinulat na Epiko ni Gilgamesh, nawalan ng kapangyarihan ng imortalidad si Gilgamesh na ninakaw ng isang ahas.[5] Ang serpiyente ay isang malawakang piguro sa mitolihiya ng Sinaunang Malapit na Silangan. Ang ouroboros ay isang sinaunang simbolo ng isang serpiyente na kumakain ng sarili nitong buntot na kumakatawan sa walang hanggang siklikong muling pagbabago ng buhay[6] na walang hanggang pagbabalik at ang siklo ng diyos na namamatay na humahantong sa imortalidad o walang hanggang buhay.

Natuklasan ng mga arkeologo ang mga bagay na pang-kultong serpiyente sa strata na Panahong Tanso at ilang mga siyudad sa Canaan sa panahong bago ang paglitaw ng Israel sa lugar na ito: dalawa sa Megiddo,[7] at isa sa Gezer,[8] na ang isa ay sa sanctum sanctorum sa area ng templong H sa Hazor,[9] at dalawa sa Shechem.[10] Sa palibotnarehiyon, ang isang huling panahong Tansong dambanang Hitita sa hilagaang Syria ay naglalaman ng isang estatwang tanso ng isang diyos na humahahawak ng isang serpiyente sa isang kamay at isang tungkod sa kabila.[11] Sa ikaanim na siglo BCE Babilonia, ang isang pares ng mga serpiyenteng tanso na nasa panig ng bawat mga apat na pasukan ng templo ng Esagila.[12] Sa pistang bagong taon ng Babilonia, ang saserdote ay magkokomisyon mula sa isang mangangahoy, magmemetal at isang panday ng ginto ng dalawang mga imahen na ang isa ay hahawak sa kaliwang kamay nito ng isang ahas ng cedar na nagtataas ng kanang kamay nito sa diyos na si Nabu.[13] Sa tell ng Tepe Gawra, ang hindi bababa sa labingpitong mga panahong tansong serpiyenteng tansong Assyrian ay nakuha.[14] Ang diyos ng pertilidad na Sumerian na si Ningizzida ay minsang kinakatawan blang isang serpiyenteng may ulo ng tao na kalaunang naging isang diyos ng paggaling at mahika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The American journal of urology and sexology p 72
  2. 2.0 2.1 2.2 Olson 1996, p. 136
  3. Gesenius, Wilhelm & Samuel Prideaux Tregelles (1893). Genenius's Hebrew and Chaldee lexicon to the Old Testament Scriptures. J. Wiley & Sons. p. dccxcv.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Thomas Nelson 2008, p. 172
  5. "Storytelling, the Meaning of Life, and The Epic of Gilgamesh". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-30. Nakuha noong 2013-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mathematical Symbols and Scientific Icons
  7. Gordon Loud, Megiddo II: Plates plate 240: 1, 4, mula sa Stratum X (pinetsahan ni Loud 1650–1550 BC) at Statum VIIB (pinetsahan bilang 1250–1150 BC), tinalaan ni Karen Randolph Joines, "The Bronze Serpent in the Israelite Cult" Journal of Biblical Literature 87.3 (Setyembre 1968:245-256) p. 245 note 2.
  8. R.A.S. Macalister, Gezer II, p. 399, fig. 488, noted by Joiner 1968:245 note 3, from the high place area, dated Late Bronze Age.
  9. Yigael Yadin et al. Hazor III-IV: Plates, pl. 339, 5, 6, dated Late Bronze Age II (Yadiin to Joiner, in Joiner 1968:245 note 4).
  10. Callaway and Toombs to Joiner (Joiner 1968:246 note 5).
  11. Maurice Viera, Hittite Art (London, 1955) fig. 114.
  12. Leonard W. King, A History of Babylon, p. 72.
  13. Pritchard ANET, 331, noted in Joines 1968:246 and note 8.
  14. E.A. Speiser, Excavations at Tepe Gawra: I. Levels I-VIII, p. 114ff., noted in Joines 1968:246 and note 9.