Anghel
Ang anghel[1] o serapin[1] (Kastila: ángel at serafín, Griyego: άγγελος, angelos, "tagapagbalita") ay isang uri ng nilalang, ayon sa maraming mga pananampalataya, na may tungkuling maglingkod sa Diyos. Nilalarawan din ito bilang isang kaluluwa, hangin o espiritong nakatutulong sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag sa mga mamamayan ng mga salita ng Diyos.[2] Kabilang sa mga anghel ang mga kerubin.[3]
Tungkulin ng mga anghel
baguhinSa kahabaan ng larangan o gawain ng mga anghel, nakatuon sila sa paglilingkod sa mga Kristiyano. Gumaganap sila bilang mga espiritong tagapagbantay o hanging tagapagtanod. Tinutulungan nilang maging tapat sa pananampalataya ang mga Kristiyano, hanggang sa huling saglit ng buhay ng huli. Pinagsasanggalang ng mga anghel ang mga tao laban sa paglusob ng mga masasama. Bagaman hindi nahahadlangan ng mga anghel ang pagdaranas ng kahirapan o pagkatalo ng mga Kristiyano, malalaman lamang sa kalangitan ang pagiging mabisa ng lihim na mga gawain ng mga anghel.[4] may mga paniniwala rin na kaya ginawa ng Diyos ang mga Anghel ay para magsilbing gabay sa tao.
Kaugnayan sa karanasang pantao
baguhinMay kakayahan ang mga anghel na ituro, baguhin, mamagitan, at patnubayan ang mga kaganapang pangkaranasan ng mga tao, subalit naaayon lamang sa paguutos at kagustuhan ng Diyos. Hindi nalalaman ng mga tao kung kailan ito nangyayari, bagkus nagaganap ito sa tahimik na kaparaanan lamang na hindi nakikita ninuman.[4]
Kaugnayan sa pananalangin
baguhinDahil nga sa tinig at kaatasan lang ng Diyos nakikinig at kumikilos ang mga anghel, tinuturing na mas marapat na tuwirang ilaan ang mga panalangin patungo sa Diyos, at hindi sa mga anghel. Dahil dito, walang kakayahan ang taong hikayatin ang mga anghel na labagin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng paghimok patungo sa mga gawaing makasalanan na makasasanhi ng panghihimagsik sa kalangitan.
Sila ay tumutulong lamang sa mga taong nasa mundo ang mga anghel ayon sa saloobin ng Diyos.[4] Kaya may dalawang halimbawa ng mga dasal - na may tamang kayarian at nilalaman - para kay sa arkanghel na si San Miguel at sa isang anghel na tagatanod[5] (kilala bilang guardian angel sa Ingles) na nasa Prayer Our Pathway to God (Dasal Ating Daan Patungo sa Diyos) na nagsasaad ng ganito:
Panalangin kay San Miguel
baguhin
Tagalog (salin) San Miguel ang arkanghel,
|
Ingles (orihinal) St. Michael the archangel,
|
Panalangin sa Anghel na Tagatanod
baguhin
Tagalog (salin) Anghel ng Diyos, mahal kong tagatanod
|
Ingles (orihinal) Angel of God, my guardian dear
|
Mga anghel at pag-aaral
baguhin- Ang mga anghel ay itinuturing na mga imortal na nilalang. Ito ay dahil pinaniniwalaang hindi sila namamatay. Ang mga anghel ay nagtataglay din ng karunungang hindi masusukat kahit ng pinakamatalinung tao dahil sila ay purong espiriu hindi sila sakop ng ating oras at panahon datapwat ang tao ay nasa oras at panahon kaya sila Pumaparito.[4]
Pamahiin
baguhinAyon sa mga lumang kasulatan at naniniwala sa pamahiin, ang palaging pagpapakita ng serye ng mga numero tulad na lamang ng 111, 222, 333, atbp at maaring isa sa mga pamamagitan ng pagdadala ng balita at babala ng mga anghel.[7]
Zoroastrianismo
baguhinSa relihiyong Zoroastrianismo, may iba't ibang mga pigurang tulad ng anghel. Halimbawa, ang bawat tao ay may bantay na anghel na tinatawag na fravashi.[8]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Angel, anghel, serapin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Angel, Dictionary/Concordance". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Cherubim". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 "(a) Do angels intervene in human affairs?, paliwanag para sa 2 Cronica 32:21; (b) What's the typical job description for angels?, pahina 211; (c) Do angels study?, paliwanag kaugnay ng 1 Pedro: 1:12, pahina 222". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Anghel na tagatanod, pahina 1616". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Prayer to Saint Michael" and "Prayer to the Guardian Angel," Prayer Our Pathway to God. Development Office, New York: Dominican Sisters of Hope. pp. pahina 7.
- ↑ Angel Numbers: Meaning & Symbolism [Spiritual Guide]
- ↑ The obscure religion that shaped the West