Anghel na tagatanod
Ang anghel na tagatanod ay isang anghel na gumaganap bilang tagapagsanggalang, tagapangalaga, at patnubay ng isang partikular na tao. Naging tanyag ang kaisipan at paniniwalang may isang anghel na natakda at itinalaga para sa bawat isang tao o mananamapalataya noong mga panggitnang kapanahunan o panahong medyibal.[1]
Pagbanggit sa Bibliya
baguhinMatutunghayan ang paglitaw ng mga anghel sa kabuoan ng mga pahina ng Bibliya, katulad ng sa Aklat ng Mga Gawa ng mga Alagad (Gawa 5:19 at 10:3), naglalarawan sa mga ito bilang mga tagapaglingkod ng Diyos na tumutulong sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos at sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita.[1] Sa Ebanghelyo ni Mateo, isang anghel ang nagpakita kay Jose upang ibalita ang pagsilang kay Hesus, na siya ring anghel na nagpayo kay Jose - sa pamamagitan ng isang panaginip - na huwag hiwalayan sa pamamagitan ng diborsiyo si Maria bagaman nagkaroon na ng pagkakasundo sa pag-iisang dibdib ng dalawa, isang kasunduang hindi na mababawi o mababali katulad ng pormal na kasal ayon sa batas ng mga Hudyo (mapapawalang bisa lamang ito kung mapapatunayang nangalunya ang sinuman sa dalawang nagkasundo). Sinasaad ng hindi nakikilalang may-akda ng Sulat sa mga Hebreo na mas higit o mas nakatataas si Hesus sa mga anghel, kina Moises, Aaron, mga propeta, at maging sa mga gawaing Lebitiko. Nakaugaliang sinasabing namagitan ang mga anghel sa pagkakaloob ng Torah o batas ng mga Hudyo na nagmula sa Diyos. Dahil kay Hesus na anak ng Diyos, naging mas mainam ang Kristiyanismo kaysa mga sinaunang mga batas ng Hudaismo.[2] Bagaman hindi lubos na mapatutunayan ang mga gawaing pamamagitan ng mga anghel sa buhay ng tao, hindi maipagsasawalang-bahala ang mga ginagampanan ng mga anghel na matutunghayan din sa Sulat sa mga Hebreo (Hebreo 13:2). Isang kasangkapan ang Bibliya bilang tagapaghatid ng paniniwalang nalalaman ng Diyos ang pangangailangan ng mga tao at isinasakatuparan niya ang mga ito sa kaniyang sariling kaparaanan, at sa pamamagitan ng mga anghel kung minsan. Naantala ang kabantugan ng paniniwalang ganito noong panahon ng Repormasyon o Muling Paghubog, kung kailan nagsagawa ng mga paglilinis kaugnay ng teolohiyang Kristiyano, subalit matutunghayan pa rin sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 18:10) ang hinggil sa pagpapatibay sa pagkakaroon ng mga anghel at kanilang mga gawain.[1]
Panalangin sa Anghel na Tagatanod
baguhinKatolisismo
baguhinIto ang isang nakaugaliang dasal ng mga Katoliko na nauukol para sa sariling anghel na tagatanod:
Tagalog (salin) Anghel ng Diyos, mahal kong tagatanod
|
Ingles (orihinal/kinaugalian) Angel of God, my guardian dear
|
Angele Dei,
|
Silanganing Ortodoksiya
baguhinNarito ang isang panalangin sa Anghel na Tagatanod na nanggaling sa Silanganing Ortodoksiya:
Tagalog (salin) O Anghel ni Kristo, aking banal na Tanod at Sanggalang ng aking kaluluwa at katawan, patawarin mo ang lahat ng aking mga pagkakasala sa araw na ito. Huwag mo akong ipahintulot sa mga panlalansi ng kaaway, nang hindi ko mapagalit ang Diyos sa pamamagitan ng anumang kasalanan. Ipagdasal mo ako, na isang makasalan at hindi nararapat na lingkod, at iharap mo akong maging karapat-dapat sa kabutihang-loob at awa ng Banal sa Lahat na Sangkatatluhan at Ina ng aking Panginoong Hesukristo, at sa lahat ng mga Santo. Siya nawa.
|
Ingles (orihinal) O Angel of Christ, my holy Guardian and Protector of my soul and body, forgive me all my sins of today. Deliver me from all the wiles of the enemy, that I may not anger my God by any sin. Pray for me, sinful and unworthy servant, that thou mayest present me worthy of the kindness and mercy of the All-holy Trinity and the Mother of my Lord Jesus Christ, and of all the Saints. Amen.
|
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Does everyone have a guardian angel?, kaugnay ng paliwanag para sa Salmo 91:11, pahina 83". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reader's Digest (1995). " (a) Jesus's superiority to the angels and to Moses; the purpose of his suffering, paliwanag hinggil sa Sulat sa mga Hebreo, pahina 929; (b) The birth of Jesus, paliwanag kaugnay ng Ebanghelyo ni Mateo, pahina 661". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beliefnet Christian Children's Prayers 07-20-2006
- ↑ Compendium of the Catechism of the Catholic Church, 8 Disyembre 2007