Si Domḗnikos Theotokópoulos ( Griyego: Δομήνικος Θεοτοκόπουλος ,IPA: [ðoˈminikos θeotoˈkopulos]IPA: [ðoˈminikos θeotoˈkopulos]; 1 October 1541 – 7 April 1614),[1] kilala sa kanyang pangalan na El Greco (pagbigkas sa wikang Kastila: [el ˈɣɾeko]; "The Greek"), ay isang Griyegong pintor, eskultor, at arkitekto ng Renasimiyentong Espanyol. Ang pangalang El Greco ay isang palayaw, [a] at karaniwang nilagdaan ng pintor ang kanyang mga ipininta gamit ang kanyang buong pangalan ng kapanganakan sa mga letrang Griyego, madalas na idinadagdag ang salitang Κρής ( Krḗs ), na nangangahulugang "Cretan".

El Greco
Kapanganakan
Domḗnikos Theotokópoulos

1 Oktubre 1541
Maalin sa Fodele o Candia, Crete
Kamatayan7 Abril 1614(1614-04-07) (edad 72)

Ipinanganak ang El Greco sa Kaharian ng Candia (modernong Creta), na noong panahong iyon ay bahagi ng Republika ng Venecia, Italya, at ang sentro ng sining ng Post-Byzantine. Nagsanay siya at naging master sa tradisyong iyon bago naglakbay sa edad na 26 patungong Venecia, tulad ng ginawa ng ibang mga Griyegong artista. [5] Noong 1570, lumipat siya sa Roma, kung saan nagbukas siya ng isang pagawaan at nagsagawa ng isang serye ng mga nilikha. Sa panahon ng kanyang pananatili sa Italya, pinayaman ni El Greco ang kanyang istilo ng mga elemento ng Mannerism at ng Renasimiyentong Veneciano na kinuha mula sa ilang magagaling na artista noong panahong iyon, lalo na sina Tintoretto at Titian. Mula noong 1577, lumipat siya papuntang Toledo, Espanya, kung saan doon siya nanirahan hanggang sa kanyang kamatayan. Sa Toledo, si El Greco ay nakatanggap ng mga komisyon at dito niya rin ginawa ang kanyang mga sikat na obra, tulad ng View of Toledo at Opening of the Fifth Seal.

Ang mga maladramatiko at ekspresyonitikong istilo ni El Greco ay natangpuang nakakalito galing sa kanyang nga ka-kontemporaryo pero nabigyang halaga noong ika-20 siglo. Si El Greco ay itinuring na naging pagpasimuno ng Ekspresyonismo at Kubismo, habang ang kanyang mga gawa ay naging inspirasyon ng mga manunukat tulad nina Rainer Maria Rilke at Nikos Kazantzakis. Si El Greco ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga modernong iskolar bilang isang pintor na napaka-indibidwal na hindi siya kabilang sa karaniwang paaralan. [2] Kilala siya sa mga matatangkad at madalamhating pigura at madalas na fantastiko o phantasmagoical pigmentation, na ikinuha sa mga tradisyon ng Byzantine sa Kanluraning pagpinta. [6]

Galeriya

baguhin

Mga pananda

baguhin
  1. Theotokópoulos acquired the name El Greco in Italy, where the custom of identifying a man by designating a country or city of origin was a common practice. The curious form of the article (El) may be from the Venetian language or more likely from the Spanish, though in Spanish his name would be El Griego.[2] The Cretan master was generally known in Italy and Spain as Dominico Greco, and was called only after his death El Greco.[3]
    According to a contemporary, El Greco acquired his name not only for his place of origin, but also for the sublimity of his art: "Out of the great esteem he was held in he was called the Greek (Il Greco)" (comment of Giulio Cesare Mancini about El Greco in his Chronicles, which were written a few years after El Greco's death).[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Campoy, Antonio Manuel (31 Hulyo 1970). "Museo del Prado". Giner – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Greco, El". Encyclopædia Britannica. 2002.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Cormack); $2
  4. P. Prevelakis, Theotocópoulos – Biography, 47
  5. J. Brown, El Greco of Toledo, 75–77
  6. M. Lambraki-Plaka, El Greco – The Greek, 60