Ang Ouroboros o Uroborus[a] ay isang sinaunang simbolo na isang serpiyente o dragon na kumakain ng sarili nitong buntot. Ang Ouroboros ay kadalasang kumakatwan sa repleksibidad ng sarili o siklikalidad lalo na sa kahulugan ng isang bagay na patuloy na muling lumilikha ng sarili nito, ang walang hanggang pagbabalik at iba pang mga bagay na natatanto bilang mga siklo na nagpapasimulang bago sa sandaling matapos sila. Ito ay maaari ring kumatawan sa ideya ng primordial na pagkakaisang nauugnay sa isang bagay na umiiral o nagpapatuloy mula sa pagsimula na may pwersa o mga kalidad na hindi nito mapapawi. Ang Ouroboros ay mahalahs sa simbolismong relihiyoso at mitolohikal ngunit kadalasan ring ginagamit sa mga ilustrasyon pang-alkemiya kung saan ito sumisimbolo sa paikot na kalikasan ng opus ng alkikemiko. Ito ay kadalasang nauugnay sa Gnostisismo at Hermetisismo. Pinakahulugan ni Carl Jung ang Ourboros na may kahalagahang arketipal sa psyche ng tao. Ayon sa sikologong Jungian na si Erich Neumann, ito ay representasyon ng bago-ang ego na "estadong bukang liwayway" na kumakatawan sa hindi natatanging karanasang pagkasanggol ng parehong sangkatauhan at indibidwal na bata. [1]

Drawing by Theodoros Pelecanos, in the alchemical tract Synosius (1478).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Neumann, Erich. (1995). The Origins and History of Consciousness. Bollington series XLII: Princeton University Press. Originally published in German in 1949.
  1. Greek Οὐροβόρος o οὐρηβόρος, mula sa οὐροβόρος ὄφις "tail-devouring snake", pronounced IPA: /jʊəˈrɒbɔrəs/ ew-ROB-or-əs, /jʊərɵˈbɒrəs/ ewr-o-BORR-əs, or /ɔˈrɒbɔrəs/ or-ROB-or-əs in English.