Ang Gnostisismo (mula sa gnostikos, "natutunan", mula sa Griyego: γνῶσις gnōsis, kaalaman) ay isang termino para sa isang hanay ng mga panrelihiyong paniniwala at mga espirituwal na mga kasanayan na matatagpuan sa sinaunang Kristiyanismo, Helenistikong Hudaismo, Greco-Romanong misteriong relihiyon, Zoroastrianismo (Zurvanism),at Neoplatonismo.

Ang bilog na may krus sa gitna ay isang sagisag ng mga nostiko noong Gitnang Kapanahunan (Midyebal).

Ang isang karaniwang katangian ng ilan sa mga grupong ito ang pagtuturo na ang lubusang pagkaunawa ng Gnosis (pribado o sa kutob na kaalaman), ay ang paraan sa kaligtasan ng kaluluwa mula sa materyal na mundo. Kanilang itinuro na ang materyal na mundo ay nilikha ng isang demiurge sa halip ng diyos. Sa karamihan ng mga gnostikong ito, ang demiurge ay hindi perpekto, at sa iba ay isang masamang nilalang. Sa iba't ibang gnostikong paaralan, ang demiurge ay kinikilalang si Adan, Ahriman, Samael, Satanas, Yaldabaoth, o Yahweh.

Pangunahing naging laganap ang mistikong pananaw na ito noong mga ikalawang daantaon CE. Nagbuhat ang diwa ng pangangaral nito ng pagkakaroon ng isang mas mataas na kaalamang maaabot lamang ng iilang mga napiling tao mula sa pinagsamang mga paniniwalang Silanganin, mga sangkap ng Hudaismo, at mga pagtuturo sa Kristiyanismo. Binigyang diin nito ang kaligtasan o katubusan ng kaluluwa mula sa makasalanan at makamundong daigdig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaliwanagan ng espiritu o kaluluwa: ang kaliwanagang espirituwal.

Mga sektang Gnostisismo

baguhin

Gnostisimong Kristiyanismo

baguhin

Sa gnostisismong kristianismo, si Hesus ay pinaniniwalaang kumakatawan sa isang supremang nilalang na nagkatawang-tao upang dalhin ang gnōsis sa mundo. Sa ibang sektang gnostikong kristiyano, si Hesus ay itinatangging supremang nilalang kundi siya'y tao lamang na nagkamit ng pagkadiyos sa pamamagitan ng gnosis at ito'y itinuro niya sa kanyang mga tagasunod. Sa sektang Mandaean, si Hesus ay itinuturing na mšiha kdaba o pekeng mesias na niliko ang mga katuruan na ipinagkatiwala sa kanya ni Juan Bautista. Ang ibang sekta ay naniniwala na ang mga indibidwal na si Mani at Seth(ikatlong anak ni Eva at Adan) ay mga tagapagdala at tagapagpakalat ng gnosis.

Mga Katuruan

baguhin
  • May isang malayang supremong monadikong diyos at pinagmulan na tinatawag sa iba't-ibang mga pangalan, kabilang ang 'Pleroma' (kapunuan, kalahatan) at 'Bythos' ( lalim)
  • May mga karagdagang mga inilabas na diyos na kilala bilang mga Aeons, na kinikilala bilang mga aspeto ng diyos na kanilang pinagmulan. Ang tuloy tuloy na paglabas ng mga aeons ay karaniwang pinaniniwalaang metaporikal(talinghaga) bilang unti unti at tuloy tuloy na paglayo sa pangunahing pinagmulan, na nagdadala ng karupukan sa saligan ng kalikasang pagkadiyos.
  • May isang manlilikhang diyos o demiurge, na isang ilusyon at kalaunan ay lumabas mula sa isang monad o pinagmulan. Ang pangalawang diyos na ito ay itinuturing na isang pekeng diyos at mas mababa at mas mahina sa isang superior na diyos. Sa ibang tekstong gnostiko, ito ay tinatawag na 'Ialdabaoth', 'Samael' (Arameik: sæma-el, bulag na diyos ') o' Saklas '(Syriac: sækla, ang hunghang'), na walang alam sa superior na diyos o kalaban nito at isang masamang nilalang.

Mga sanggunian

baguhin