Mga Saduceo

(Idinirekta mula sa Saduceo)

Ang Mga Saduceo o mga Saduseo (Ebreo: צדוקים, Tsedokim, "mga istudyante ni Tsadok") ay isang maliit subalit makapangyarihang pangkat o partido ng mga Hudyong dugong-bughaw.[1] Sa kapanahunan ng mga pangyayari sa Bagong Tipan ng Bibliyang Kristiyano, karamihang mga pari ang mga Saduseo[2] na sumusunod sa literalistang interpretasyon ng Tora o unang limang aklat ng Bibliya, na di-tulad ng sa mas malaking bilang ng mga Pariseong[2] naniwala sa paggamit ng rason sa pag-interpreta ng Torah at na nararapat itong maging makatuturan sa pang-araw-araw na buhay.[3][4][5] Dahil dito, nagtaliwasan sa maraming mga paksa at pagsasagawa ang mga Saduseo at mga Pariseo.[2][6]

Ang mga Saduceo ang isa sa apat na sekta ng pilosopiyang Hudyo na binanggit ni Josephus sa Antiquities of the Jews XVIII. Ang iba pang tatlo ang Mga Pariseo, Mga Zelote, at Mga Essene.

Pagtanaw sa Kristiyanismo

baguhin

Katulad ng mga Pariseo, lagi ring nagkaroon ng kataliwasan sa pagitan ng mga pangaral nila at ni Hesus.[7] Hindi rin naniwala ang mga Saduseo sa pagkakaroon ng buhay pagkaraan ng kamatayan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.chiefrabbi.org/UploadedFiles/Articals/emor5770.pdf[patay na link]
  2. 2.0 2.1 2.2 American Bible Society (2009). ", Sadduccees, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  3. Walfish, Barry. Medieval Jewish Interpretation. The Jewish Study Bible. Oxford: Lungsod ng Bagong York.
  4. "Sa kanyang pangunahing teolohikal na tratadong Kitab al Amanat wa'l itiqadat (Aklat ng mga Doktriba at mga Paniniwala), tiniyak ni Saadia ang mga sirkumstansyang nagpalehitimo ng isang hindi literalistang pagkakaunawa ng tekstong biblikal." Tirosh-Samuelson, Hava. The Bible in the Jewish Philosophical Tradition. The Jewish Study Bible. Oxford: Lungsod ng Bagong York.
  5. "Should do-gooders be given special dispensations?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-27. Nakuha noong 2009-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Sidur ArtScroll Completo, El. ArtScroll: Lungsod ng New York.
  7. The Committee on Bible Translation (1984). "Sadducees". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B11.