Tinatalakay ng artikulong ito ang lipi. Para sa tao, tingnan ang Levi.

Ang mga Lebita (Ebreo: לוים, levim), kilala rin bilang ang lipi ni Levi, ang mga inapo ni Levi, isa sa mga anak ni Jacob. Binubuo nila ang isa sa labindalawang lipi ng Israel at, kasama ng mga lipi ng Juda, Simeon, at Benjamin, isa sila sa mga ninuno ng mga kasalukuyang mga Hudyo. Ayon sa Henesis, dulot ng dahas nina Levi; at ng kaniyang kapatid na si Simeon ang kakaibang kapalaran ng kanilang mga lipi sa sinaunang Israel: ang una ang naging liping klerikal na walang lupa at ang pangalawa ay napunta sa Juda.[1] Isang miyembro o kasapi sa linya o guhit ng mag-anak ni Levi ang isang Lebita. Nagmula ang lahat ng mga pari ng kanilang pananampalataya sa tribo ni Levi. Naglilingkod ang ibang mga Lebita sa loob ng templo at nagsisilbing mga tagapagturo o guro ng batas.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Commentary, Genesis 34.31, The Jewish Study Bible. Oxford: New York City.
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Levite". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.