Babae
- Para sa ibang gamit, tingnan ang babae (paglilinaw).
Ang babae (ᜊᜊᜁ)[1] o babayi (ᜊᜊᜌᜒ)[2][3] ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao, mga hayop at halaman. Kabaligtaran ito ng salitang lalaki. Ang kasarian ng isang organismo ay itinuturing na babae (simbolo: ♀) kung ito ay gumagawa ng itlog o ovum (egg cell), ang uri ng binhi (sex cell) na nagsasama sa lalaking binhi (sperm cell) sa panahon ng sekswal na reproduksiyon. Sa Botaniya, tumutukoy ito sa mga halamang may pistil o bulaklak na para sa paggawa ng binhi.




Ang salitang "babae" sa kasarian ng tao ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa lahat ng gulang. Ang isang babaeng nasa hustong gulang ay tinatawag na binibini, o dalaga [kung wala pang asawa]. Kung ang babae naman ay bata pa o hindi pa nasa tamang gulang, siya ay tinatawag na batang babae (girl). Samantala, ang isang babaeng may katandaan na ay tinatawag na ginang o gining bilang paggalang.[4][5] Tinatawag na kababaihan/kababayinan (Ingles: womankind)[6] ang kapwa mga babae.
Kabilang sa ibang katawagan sa babae ang mga salitang balbal na bebot at egat. Tinatawag namang ali o ale ang babae kung may paggalang sa isang hindi nakikilalang babae, bagaman ginagamit ang aling sa pagtawag na may paggalang sa isang kilala nang tao sapagkat katumbas ito ng mis (Ingles:Miss) at misis (Ingles:Mrs.).[7] Dalaga (mula sa Sanskrito: दारिका [dārikā]) naman ang tawag sa isang babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.[8]
Etimolohiya at lingguwistika
baguhinAng salitang Tagalog "babae" (ᜊᜊᜁ) na binibigkas din bilang "babai," ay may iba pang anyong diyalektal tulad ng "babayi"(ᜊᜊᜌᜒ) (karaniwang ginagamit sa Timog Katagalugan), at "babaye." Ang salitang ito ay sinasabing nag-ugat sa Proto-Malayo-Polinesyo "ba-bahi", na nag-ugat naman sa Proto-Austronesyo "ba-bahi".
Paggamit
baguhinIsa sa mga katangian ng wikang Tagalog ay ang kawalan ng gramatikal na kasarian. Hindi tulad ng ibang wika tulad ng Ingles o Espanyol na gumagamit ng mga markang gramatikal (tulad ng "he/she" o "el/la") upang ipahiwatig ang kasarian ng mga pangngalan at panghalip, ang Tagalog ay walang kasarian sa gramatikal na sistema nito. Ang mga pangngalan (tulad ng "aso," "kapatid," "asawa") at panghalip (tulad ng "siya," "kanya") ay neutral at hindi nagbabago batay sa kasarian ng tinutukoy. Sa halip, upang matukoy ang likas na kasarian ng isang tao o iba pang organismo, ginagamit ang mga deskriptibong salitang "lalaki" o "babae."
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "babae - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2025-03-13.
- ↑ Laktaw, Pedro Serrano (1889). Diccionario hispano-tagalog: pt. [Diccionario hispano-tagálog] 2. pt. Diccionario tagálog-hispano. Estab. tip. "La Opinión" á cargo de G. Bautista.
- ↑ Ventura, Pedro de San Buena (1994). Vocabulario de lengua tagala: el romance castellano puesto primero : primera y segunda parte (sa wikang Kastila). Librerías "Paris-Valencia".
- ↑ Gining, lady Naka-arkibo 2012-10-29 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
- ↑ English, Leo James (1977). "Babae". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ English, Leo James (1977). "Babae". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ "Aling, Glossary of Filipino Terms and Phrases". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.
- ↑ Woman, babae, dalaga o "walang asawang babae" na nasa hustong edad na para mag-asawa, mga salitang balbal: bebot at egat Naka-arkibo 2012-10-29 sa Wayback Machine., Bansa.org
Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.