Demonyo

entidad na nakaugnay sa kasamaan
(Idinirekta mula sa Dimonyo)

Ang demonyo (galing sa Griego: δαίμων o daímōn = panaggalang na espiritu o mas mababang diyos) ay pinaniniwalaan ng maraming relihiyon, mito at kultura na isang higit sa natural na entidad na siyang personipikasyon ng kasamaan at pinakamatinding kalaban ng Diyos at sangkatauhan. Ang katangian ng papel nito ay lubos na paiba-iba, mula sa pagiging isang epektibong kalabang pwersa ng manlilikhang diyos, na nakandado sa loob ng napakatagal na pakikibaka para sa mga kaluluwa ng mga tao na para bagang pantay na laban (hanggang sa punto ng duwalistikong dayteyismo/bayteyismo), hanggang sa pagiging komikal na figura ng katuwaan o isang abstrak na aspeto ng kondisyon ng indibidwal na tao.

Estatwa ng demonyo

Habang ang meynstrim na Judayismo ay walang kahit anumang konsepto ng diyablo, ang Kristiyanismo at Islam ay magkakaibang itinuring ang diyablo na isang nagrerebeldeng itiniwalag na anghel o jinn na nanunukso ng mga tao upang magkasala, kung siya'y hindi gumagawa ng kasalanan mismo. Sa ganitong mga relihiyon, --- sa mga panahon ng dibisyon at pagbabantang panlabas --- ang diyablo ay higit na pinagkamalang nasa isang lagay na duwalistiko na madalas na iniuugnay sa mga erehe, infidel, at iba pang hindi mananampalataya. Ganoon na lang, ang diyablo ay nakikita bilang representasyon ng isang krisis sa pananampalataya, indibidwalismo, malayang kagustuhan, karunungan at kaliwanagan.

Sa meynstrim na Islam at Kristiyanismo, ang Diyos at ang diyablo ay palaging pinapakitang pinaglalabanan ang mga kaluluwa ng mga tao. Pinamumunuan ng diyablo ang pwersa ng masasamang espiritu, madalas na kilala bilang mga demonyo. Ang Bibliyang Hebreo (o Lumang Tipan) ay inilarawan ang Kaaway (ha-satan) na isang anghel na nagpapasimuno ng mga pagsubok para sa sangkatauhan. Marami pang mga relihiyon ang may maninilo at manlolokong figura na kahalintulad ng diyablo. Sa mga modernong pangongonsepto ng ang diyablo, napabibilang ang konseptong siya ang naglalarawan sa mas mababang kalikasan ng tao o ang pagiging makasalanan.

Sa Kristiyanong pananaw, ang demonyo[1] ay isang uri ng masamang espiritu. Binabaybay din itong dimonyo, at tinatawag ding diyablo. Naglilingkod ang nilalang na ito para kay Satanas. May kakayahan itong pinsalain o saktan, impluwensiyahan, kontrolin o magkaroon ng kapangyarihan sa isa o maraming mga tao. Subalit, sabi nga sa Bibliya, mas makapangyarihan si Hesus kaysa demonyo.[2][3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Demonyo". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Demon". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. American Bible Society (2009). "Demon". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 132.

Salin sa Filipino mula sa Ingles https://en.wikipedia.org/wiki/Devil

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.