Ang Labintador o rebentador ay pangkahalatang katawagan sa paputok na kalimitan ginagamit sa mga pagdiriwang tulad ng Bagong Taon. Partikular na tinatawag na rebentador ang "trayanggulo" o maliit na paputok na hugis tatsulok[1] na nakabalot sa kulay kayumanggi na papel. Tinatawag din na five star o labintador ang nasabing hugis tatsulok na paputok. Labintador din ang tawag sa paputok na kilala din bilang el diablo o diablo na hugis tubo at nasa mga 1 1⁄4 pulgada (32 mm) ang haba at 1⁄4 pulgada (6.4 mm) sa diametro na may mitsa.[2] Kapag pinagkabit-kabit ang mga diablo, ito ay nagiging paputok na sinturon ni Hudas o sawa.

Ang halimbawa ng isang Labintador na hugis triangulo sa kaliwa.

Regulasyon

baguhin

Sa Pilipinas, ang Batas Republika Blg. 7183 ay sinabatas upang pangasiwaan at pigilan ang pagbenta, pamamahagi, paggawa at paggamit ng mga paputok para sa kaligtasan ng publiko.[2] Ayon sa batas na iyon, nakasaad ang mga legal na paputok kabilang ang labintador na hugis tubo.[2] Bagaman legal, nagdudulot ito ng panganib sa mga gumagamit.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Aning, Jerome (Setyembre 29, 2014). "DOJ files raps vs 3 men caught planting bomb at Naia 3". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Disyembre 29, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "REPUBLIC ACT NO. 7183". chanrobles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)