Neron
Si Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus (Disyembre 15, 37 – Hunyo 9, 68) na ipinanganak bilang Lucius Domitius Ahenobarbus ay kilala rin sa pangalan na Nero Claudius Caesar Germanicu, o sa maigsi niyang pangalang Neron[2] (ne-RON) ay ang ika-lima at huling Emperador Romano ng Dinastiyang Hulio-Claudian. Si Neron ay inampon ng kanyang tiyuhing si Claudius na maging tagapagmana ng trono. Siya'y umupo sa trono noong Oktubre 13, 54 AD pagkamatay ni Claudius.
Nero | |
---|---|
Ikalimang Emperador ng Imperyo Romano | |
Busto ni Nero sa Musei Capitolini, Roma | |
Paghahari | 13 Oktubre 54 CE – 9 Hundyo 68 CE |
Buong pangalan | Lucius Domitius Ahenobarbus (kapanganakan hanggang sa pag-aampon) Nero Claudius Caesar Drusus Germanicus (pag-aampon hanggang sa pag-akyat sa trono) Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus (bilang emperador) Imperator Nero Cladius Divi Claudius filius Caesar Augustus Germanicus (pangalang imperyal)[1] |
Kapanganakan | 15 Disyembre 37 CE |
Lugar ng kapanganakan | Antium, Italya |
Kamatayan | 9 Hunyo 68 CE (edad 30) |
Lugar ng kamatayan | sa labas ng Roma |
Pinaglibingan | Mausoleo ng Domitii Ahenobarbi, Bundok Pincian, Roma |
Sinundan | Claudius, amain |
Kahalili | Galba |
Konsorte kay | Claudia Octavia Poppaea Sabina Statilia Messalina |
Supling | Claudia Augusta |
Ama | Gnaeus Domitius Ahenobarbus |
Ina | Agrippinang Mas Bata |
Si Neron ay namuno mula 54 hanggang 68. Ang kanyang pamumuno ay kinabibilangan ng kanyang pagwawagi sa digmaan, pakikipagkasundo sa Imperyong Parthian, pagsupil sa pag-aaklas ng Britanya at mabuting pakikitungong diplomatiko sa Gresya. Noong 68, si Neron ay napilitang magtago dahil sa pag-aaklas militar. Dahil sa siya'y nahaharap sa hatol na kamatayan, si Neron ay nagpakamatay sa tulong ng kanyang iskriba na si Epaphroditos.
TalambuhayBaguhin
Si Nero ay ipinanganak na Lucius Domitius Ahenobarbus noong Disyembre 15, AD 37, sa Antium, malapit sa Roma. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ni Gnaeus Domitius Ahenobarbus at Agrippina na kapatid ni Emperador Caligula.
Ang ama ni Nero ay apo ni Gnaeus Domitius Ahenobarbus at Aemilia Lepida sa pamamagitan ng kanilang anak na si Lucius Domitius Ahenobarbus. Si Gnaeus ay apo ni Mark Antony at Octavia Minor sa pamamagitan ng kanilang anak na babae na si Antonia Major. Sa pamamagitan ni Octavia, siya ang pamangkin sa tuhod ni Caesar Augustus. Ang ama ni Nero ay isang praetor at kabilang sa mga kawani ni Caligula. Ang ama ni Nero ayon sa mananalaysay na si Suetenius ay isang mamamatay tao at manloloko na hinatulan ni emperador Tiberio ng paghihimagsik, pangangalunya at pakikipagtalik sa kamag-anak(incest). Siya ay nakaligtas sa mga paratang na ito nang si Emperador Tiberio ay mamatay. Si Gnaeus ay namatay sa sakit na edema(o dropsy) noong 39 nang si Ner ay tatlong taong gulang.
Ang ina ni Nero ay si Agrippina ang Nakababata, na apo sa tuhod nina Caesar Augustus at ang kanyang asawang si Scribonia sa pamamagitan ng kanilang anak na si Julia ang Nakatatanda at kanyang asawang si Marcus Vipsanius Agrippa. Ang ama ni Agrippina na si Germanicus, ay apo ng asawa ni Augustus na si Livia, sa isang panig at nina Mark Antony at Octavia sa kabilang panig. Ang ina ni Germanicus na si Antonia Minor ay anak na babae nina Octavia Minor at Mark Antony. Si Octavia ay ikalawang nakatatandang kapatid ni Augustus. Si Germanicus ay isa ring ampong anak ni Tiberio. Ang ilang sa mga mananalaysay ang nagsasabi na pinatay ni Agrippina ang kanyang ikatlong asawa na si emperador Claudius.
Ang pagakyat sa KapangyarihanBaguhin
Hindi inaasahan na si Lucius ay magiging isang emperador. Ang kanyang tiyuhin sa ina na si Caligula ay nagsimulang mamuno sa edad na dalawampu't apat. Siya'y walang tagapagmana sa trono. Ang kanyang asawa na si Caesonia at ang kanilang anak na babae na si Julia Drusilla ay pinatay noong 41. Ang mga pangyayaring ito ang naging dahilan kung bakit si Claudius na tiyuhin ni Caligula ang naging emperador.
Si Claudius ay nag-asawa ng dalawang beses bago pakasalan si Messalina. Sa kanyang mga naunang asawa ay nagkaroon siya ng tatlong anak kabilang ang isang anak na lalake na namatay noong bata pa lamang. Mayroon siyang dalawang anak kay Messalina na si Claudia Octavia (ipinanganak noong 40) at Britannicus (ipinanganak noong 41). Si Messalina ay ipinapatay ni Claudius noong 48. Noong 49, si Claudius ay nagpakasal sa kanyang ika-apat na asawa na si Agrippina. Para matulungan sa politika ay opisyal na inampon ni Claudius si Lucius noong 50 at pinangalanang Nero Claudius Caesar Drusus Si Neron ay mas matanda sa kanyang kinakapatid na si Britannicus, at naging tagapagmana ng trono.
Si Nero ay nahirang na proconsul noong 51 sa edad na labingapat. Noong 53, kanyang pinakasalan ang kanyang kinakapatid na si Claudia Octavia.
Si Nero ay naging emperador sa gulang na labing anim, ang pinakabatang naging emperor ng Imperyo Romano. Sinasabing ang kanyang pamumuno ay malakas na naimpluwensiyahan ng kanyang inang si Agrippina, ang kanyang tagapagturong si Lucius Annaeus Seneca at ang Praetorian Prefect na si Sextus Afranius Burrus. Ang kanyang mga unang taong ng pamamahala ay sinasabing isang halimbawang ng mabuting pamumuno.
TalasanggunianBaguhin
- ↑ Nero's regal name has an equivalent meaning in English as "Commander Nero Claudius, Son of the Divine Claudius, the Emperor, Conqueror of the Germans".
- ↑ "Pambansang Komisyon ng ika-100 Kapanganakan ni Jose Rizal, p. 29 (sa Kastila)" (PDF). Tinago mula orihinal (PDF) hanggang 2012-07-23. Kinuha noong 2012-06-23.
Neron Kapanganakan: Disyembre 15 37 Kamatayan: Hunyo 8 68 AD
| ||
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Inunahan ni: Claudius |
Emperador Romano 54 – 68 |
Sinundan ni: Galba |
Inunahan ni: Marcus Acilius Aviola at Marcus Asinius Marcellus |
Consul ng Imperyong Romano (kasama si Lucius Antistius Vetus) 55 |
Sinundan ni: Quintus Volusius Saturninus at Publius Cornelius Lentulus Scipio |
Inunahan ni: Quintus Volusius Saturninus at Publius Cornelius Lentulus Scipio |
Consul ng Imperyong Romano 57-58 |
Sinundan ni: Gaius Vipstanus Apronianus and Gaius Fonteius Capito |
Inunahan ni: Gaius Vipstanus Apronianus and Gaius Fonteius Capito |
Consul ng Imperyong Romano (kasama si Cossus Cornelius Lentulus) 60 |
Sinundan ni: Publius Petronius Turpilianus at Lucius Caesennius Paetus |