Unang Digmaang Hudyo-Romano
Ang Unang Digmaang Hudyo-Romano (66–73 CE) na minsang tinatawag na Ang Dakilang Paghihimagsik (Hebreo: המרד הגדול, ha-Mered Ha-Gadol, Latin: Primum Iudæorum Romani Bellum.), ang una sa tatlong mga digmaang Hudyo-Romano ng mga Hudyo sa Probinsiyang Judea laban sa Imperyo Romano. Ang ikalawa ang Digmaang Kitos noong 115–117 CE at ang ikatlong ang Himagsikang Bar Kokhba noong 132–135 CE. Ang Dakilang Himagsikan ay nagsimula sa taong 66 CE na nagsimula sa mga alitang pang-relihiyon na Griyego at Hudyo at kalaunan ay lumala sahi sa mga protestang laban sa pagbubuwis at mga pag-atake sa mga mamamayang Romano.[2] Ang militar na garison na Romano ng Judaea ay mabilis na sinakop ng mga rebelde at ang haring pro-ROmano na si Agrippa II ay lumikas sa Herusalem kasama ng mga opisyal Romano sa Galila. Dinala ng legatong Syrian na si Cestius Gallus ang hukbong Syrian na nakabase sa XII Fulminata. Kanyang pinalakas ang mga hukbong tumutulong upang ibalik at supilin ang himagsikan. Gayunpaman, ang lehiyon ay sinalakay at natalo ng mga rebeldeng Hudyo sa Labanan ng Beth Horon na resultang gumulat sa mga pinunong Romano. Ang karanasan na si heneral Vespasian tinakdaang supilin ang paghihimagsik. Ang kanyang ikalawa-sa-kautusan ang kanyang anak na si Titus. Si Vespasian ay binigyan ng apat na mga lehiyon at noong 67 CE ay sinakop ang Galilea tungo sa Herusalem at lumipol sa mga pwersang rebelde. Pagkatapos ng isang paghinto sa mga operasyong militar na dahil sa digmaang sibil at kaguluhang pampolitika sa Roman, sinalakay at winasak ni Titus ang sentro ng paghihimagsik na Hudyo sa Herusalem noong 70 CE at kalaunang tinalo ang mga natitirang muog ng mga Hudyo. Ang digmaang ito ay humantong sa pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE.
First Jewish-Roman War | ||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng the Jewish-Roman wars | ||||||||
Judaea and Galilee in the first century | ||||||||
| ||||||||
Mga nakipagdigma | ||||||||
Roman Empire |
Judean rebels: |
Radical factions: | ||||||
Mga kumander at pinuno | ||||||||
Vespasian Titus Lucilius Bassus |
Eliezar ben Hanania Simon Bar-Giora Yosef ben Matityahu |
Yohanan of Gush Halav Eleazar ben Simon Eleazer ben Ya'ir | ||||||
Lakas | ||||||||
1 Legion & reinforements (30,000) in Beth Horon; 5 Legions (60,000–80,000) at Jerusalem siege |
25,000+ Jewish militiamen 20,000 Edomeans Few hundred Adiabene warriors | |||||||
Mga nasawi at pinsala | ||||||||
20,000 soldiers killed | tens of thousands | thousands | ||||||
Kabuong napatay: 250,000[1] – 1.1 milyong mga militanteng Hudyo at sibilyan;97,000 na inalipin |