Si Tiberio Julio César Augusto, na ipinanganak bilang Tiberio Claudio Nero (Nobyembre 16, 42 BCMarso 16 AD 37), ang ikalawang Emperador ng Roma mula sa pagkamatay ni Augustus na unang emperador hanggang sa kanyang kamtayan noong 37. Si Tiberius ay isang Claudian sa kapanganakan at anak nina Tiberius Claudius Nero at Livia Drusilla. Ang kanyang ina ay hiwalay sa kanyang ama at muling nagpakasal kay Octavian Augustus noong 39 BC. Si Tiberius ay nagpakasal sa anak na babae ni Augustus na si Julia ang Nakatatanda at kalaunan ay inampon si Tiberio ni Augustus na siyang naging dahilan kung bakit siya ay naging isang Julian.

Tiberius
Ikalawang Emperador ng Imperyo Romano
Busto ni Emperador Tiberius
Paghahari18 Setyembre 14 CE – 16 Marso 37 CE
Buong pangalan
  • Tiberius Claudius Nero (kapanganakan hanggang sa pag-ampon)
  • Tiberius Julius Caesar (pag-ampon hanggang sa pag-akyat sa trono)
  • Tiberius Julius Caesar Augustus (bilang emperador)
  • Imperator Caesar Divi Augustus filius Augustus (Imperial name) [1]
Kapanganakan16 Nobyembre 42 BCE
Lugar ng kapanganakanRoma
Kamatayan16 Marso CE 37 (edad 77)
Lugar ng kamatayanMisenum
PinaglibinganMausoleum of Augustus, Rome
SinundanAugustus, amain
KahaliliCaligula, dakilang pamangkin
Konsorte kay
Supling
AmaTiberius Claudius Nero
InaLivia Drusilla

Siya ay isa sa mga magigiting at magagaling na heneral. Nasakop niya ang Pannonia, Dalmatia, Raetia, at pansamantala, mga ibang parte ng Germania.

Pagiging Emperador (14-37 CE)

baguhin

Maagang Pamumuno

baguhin

Nagpulong ang mga Senado noong Setyembre 18 upang maging bisa ang posisyong Princeps ni Tiberius upang lumaki ang kanyang kapangyarihan. Nakamit na niya ang administration at kapangyarihang pulitikal, ang kulang na lang na lang niya ay ang mga titulong Augustus, Pater Patriae, at Civic Crown o koronang sibiko. Tinanggi rin niyang tanggapin ang mga titulong ito dahil para sa kanya, hindi importante ang mga titulong ito kundi ang sariling bansa.

Ang Pag-angat at Pagbagsak ng Germanicus

baguhin

Nagkaroon agad ng problema ang bagong Pricep. Hindi nabigyan ng tamang bonus ang Lehiyong Romano sa Pannonia at Germania, na pang ako ni Augustus. Sa sandaling oras, malinaw na walang pakialam si Tiberius sa mga nangyayari. Si Germanicus at ang anak ni Tiberius na si Drusus Julius Caesar ay balak gumawa ng isang protesta upang bumalik ang pagkaayos ng dati nilang lehiyon. Gumawa siya ng protesta at sinabing ang lash at ng nakuha niya ay para sa kanyang bonus. Dahil sa mga pinanuluhan niyang mga protesta at digmaan, sila'y sumikat. Tilang tinamad na si Tiberius sa pamamahala kaya't binigyan niya ng kapangyarihan ang kanyang anak na si Drusus.

Mga Huling Taon

baguhin

Dahil sa naging relasyon nila ni Sejanus, at ang mga kaso o treason na inilaban sa kanya, nasira ang kanyang reputasyon at imahe. Sa pagbagsak ni Sejanus, bumalik ang pamamaraan ng pamamahala sa dating iginawa ni Augustus.

Ang Kanyang Kamatayan

baguhin

Namatay si Tiberius sa Misenum noong Marso 16, 37 AD, sa gulang na 77. Natuwa ang mga tao sa balitang tungkol sa kanyang pagkamatay, ngunit ng siya'y nabuhay, tumahimik ang lahat, at natuwa muli sa balitang pinatay siya nina Caligula at Macro sa pamamagitan ng pagtakip ng kanyang ilong at bibig hanggang hindi na makahinga.

  1. Tiberius' regal name has an equivalent English meaning of "Commander Tiberius Caesar, Son of the Divine Augustus, the Emperor".