Imperyong Parto

(Idinirekta mula sa Imperyong Parthian)

Ang Imperyong Parto' o Imperyong Arcacid (Ingles: Imperyong Parthian, Lumang Persiyano: 𐎱𐎼𐎰𐎺 Parθava; Parto: 𐭐𐭓𐭕𐭅 Parθaw; Middle Persian: 𐭯𐭫𐭮𐭥𐭡𐭥 Pahlaw) ay isang rehiyon ng makasaysayang matatagpuan sa hilagang-silangan ng Iran. Sinakop ito ng emperyo ng mga Medo noong ika-7 siglo BCE. Isinama sa kasunod na Imperyong Akemenida sa ilalim ni Dakilang Ciro noong ika-6 na siglo BC, at naging bahagi ng Helenistikong Imperyong Seleucid kasunod ng pananakop ni Alejandrong Dakila ng ika-4 na siglo-BC. Ang Imperyong Parthian ay isang makapangkahriyang politikal at kulural na kapangyarihan sa Sinaunang Iran mula 247 BCE hanggang 224 CE. Ang pangalang Arcacid nito ay hinango sa tagapagtatag nitong si Arsaces I na nanguna sa tribong Parni sa pagsakop sa Parthia na isang satrapiya sa ilalim ni Andragoras nang maghimagsik sa Imperyong Seleucid. Pinalawig ni Mithridates I ang imperyong ito sa pamamagitan ng pagsakop sa Medes at Mesopotamia mula sa Seleucid. Sa rurok nito, ang sakop ng Imperyong Parthian ay may hangganan hanggang sa hilagang abot ng Ilog Eufrates sa ngayong Turkiya hanggang sa kasalukuyang Afganistan at Pakistan. Ang imperyo na matatagpuan sa ruta ng daan ng Sutla sa pagitan ng Imperyong Romano at sa dinastiyang Han ng Tsina ay naging isang sentro ng kalakalan at komersiyo. Sa unang kalahati ng pag-iral nito, ang korteng Arcadid ay humango ng mga elemento ng Kulturang Griyego ngunit unti unting nakakita ng muling pagbuhay ng mga tradisyong Iranian. Ang mga pinunong Arsacid ay pinamagatang "Hari ng mga Hari" bilang pag-aangkin na mga tagapagman ng Imperyong Akemenida. Ang hukuman ay humiran ng maliit na bilang mga satrapiya.Sa paglawak ng imperyong ito, ang upuan ng sentral na pamahalaan ay lumipat mula sa Nisa tungo sa Ctesiphon sa kahabaan ng Ilog Tigris sa Iraq. Ang pinakamaagang mga kaaway ng mga Parto ang mga Seleucid sa kanluran at mga Scythian sa hilagan. Sa paglawak nito sa kanluranin, naging kalaban nila ang Kaharian ng Armenia at kalaunan ay naging kaaway ng Republikang Romano. Ang Roma at Parthia ay naglaban sa pagtatatag ng mga hari ng Armenia bilang kanilang mga nasasakupang kliente. Winasak ng mga Parto ang hukbo ni Marcus Licinius sa Labanan ng Carrhae noong 53 BCE at noont 40-39 BCE, nabihag ng mga Parto ang kabuuan ng Levant maliban sa Tyra mula sa mga Roma. Pinangunahan ni Mark Anthony ang pagsalakay sa Parthia. Ang ilang mga Emperador ng Imperyogn Romano ay sumakop sa Mesopatamoia sa Mga digmaang Romano-Parto sa sumunod na mga siglo. Nabihag ng mga Romano ang Seleuci at Ctesiphong hindi ito napanatili nito. Ang karaniwang mga digmaang sibil sa pagitan ng mga magkakatunggali sa trono ng Imperyong Parto ay naging mapanganib sa katatagan ng Imperyo at ito ay gumuho nang si Ardashir I na pinuno ng istakhr sa Persis ay naghimagsik sa mga Arsacid at pinatay ang huling pinuno nilang si Artabanus IV noong 224 CE. Itinatag ni Ardashir ang Imperyong Sassanian na namuno sa Iran at halos Malapit na Silangan hanggang sa pananakop ng mga Muslim noong ika-7 siglo CE.

Imperyong Parto
Imperyong Parthian
Imperyong Arsacid

247 BCE–224 CE
Ang Imperyong Parthian noong 94 BCE sa rurok nito noong paghahari ni Mithridates II (r. 124–91 BC)
Ang Imperyong Parthian noong 94 BCE sa rurok nito noong paghahari ni Mithridates II (r. 124–91 BC)

KabiseraCtesiphon,[1] Ecbatana, Hecatompylos, Susa, Mithradatkirt, Asaak, Rhages
Karaniwang wika
Relihiyon
PamahalaanMonarkiyang Feudal [8]
Monarko(Hari) 
• 247–211 BCE
Arsaces I (first)
• 208–224 CE
Artabanus IV (last)
LehislaturaMegisthanes
PanahonSinaunang panahon
• Naitatag
247 BCE
• Binuwag
224 CE
Lawak
1 CE[9][10]2,800,000 km2 (1,100,000 mi kuw)
SalapiDrachma
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Seleucid
Imperyong Sasanian
Imperyong Parto ca. 89 BCE.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Fattah, Hala Mundhir (2009). A Brief History of Iraq. Infobase Publishing. pa. 46. ISBN 978-0-8160-5767-2. Sipi: One characteristic of the Parthians that the kings themselves maintained was their nomadic urge. The kings built or occupied numerous cities as their capitals, the most important being Ctesiphon on the Tigris River, which they built from the ancient town of Opis.
  2. 2.0 2.1 Green 1992, p. 45
  3. Skjærvø 2004, pp. 348–366.
  4. Canepa 2018, p. 6.
  5. Chyet, Michael L. (1997). Afsaruddin, Asma; Krotkoff, Georg; Zahniser, A. H. Mathias (mga pat.). Humanism, Culture, and Language in the Near East: Studies in Honor of Georg Krotkoff. Eisenbrauns. pa. 284. ISBN 978-1-57506-020-0. Sipi: In the Middle Persian period (Parthian and Sasanian Empires), Aramaic was the medium of everyday writing, and it provided scripts for writing Middle Persian, Parthian, Sogdian, and Khwarezmian.
  6. De Jong 2008, p. 24, "It is impossible to doubt that the Parthians were Zoroastrians. The evidence from the Nisa ostraca and the Parthian parchment from Avroman suffice to prove this, by the use of the Zoroastrian calendar, which was restricted in use, as it had been previously, to communication with Iranians only, yielding to the Seleucid calendar whenever the Parthians dealt with non-Zoroastrians. There are indications, however, that the practice of Zoroastrianism had reserved a large place for the cult of divine images, either those of ancestors in the Fravashi cult, or of deities, and for the existence of sanctuaries dedicated to named deities other than Ahura Mazda, and including deities that are of a non-Avestan background. The Parthian god Sasan is a case in point, but better evidence comes from Armenia, where alongside Aramazd and Anahit, Mher and Vahagn, the West Semitic god Barshamin, and Babylonian Nane were worshipped, as well as the Anatolian Tork and the goddess Astghik of disputed origins."
  7. Brosius 2006, p. 125, "The Parthians and the peoples of the Parthian empire were polytheistic. Each ethnic group, each city, and each land or kingdom was able to adhere to its own gods, their respective cults and religious rituals. In Babylon the city-god Marduk continued to be the main deity alongside the goddesses Ishtar and Nanai, while Hatra's main god, the sun-god Shamash, was revered alongside a multiplicity of other gods."
  8. Sheldon 2010, p. 231
  9. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of World-Systems Research. 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. Tinago mula sa orihinal noong 17 Setyembre 2016. Nakuha noong 16 Setyembre 2016.
  10. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D.". Social Science History. 3 (3/4): 121. doi:10.2307/1170959. JSTOR 1170959.

Kategirya:Aklat ng Pahayag