Politeismo

(Idinirekta mula sa Polytheistic)

Ang politeismo ay ang pagsamba ng o ang paniniwala sa maramihang diyos, na kadalasang tinipon sa isang panteon ng mga diyos at diyosa, kasama ang kanilang mga sariling panrelihiyong sekta at ritwal. Isa uri ng teismo ang politeismo. Sa loob ng teismo, ipinagkakaiba ito sa monoteismo, ang paniniwala sa iisang Diyos, na transendente sa karamihang kaso. Sa mga relihiyon na tinatanggap ang politeismo, maaring mga representasyon ang iba't ibang diyos at diyosa ng puwersa ng kalikasan o prinsipyo ng ninuno; maaring makita sila bilang awtonomo o bilang aspeto o emanasyon ng isang manlilikhang diyos o transendental na prinisipyong ganap (mga monistang teolohiya), na palagiang naihahayag sa kalikasan (mga panenteista at panteistang teolohiya).[1] Hindi palagiang sinasamba ng mga politesista ang mga diyos ng pantay; maaring henoteista sila, na nagtatangi sa pagsamba ng isang partikular na diyos, o katenoteista, na sinasamba ang iba't ibang mga diyos sa iba't ibang panahon.

Ang politeismo ay isang tipikal na anyo ng relihiyon bago ang pag-unlad at pagkalat ng unibersalistang relihiyong Abrahamiko ng Kristiyanismo at Islam,[2] na ipinapatupad ang monoteismo. Nakadokumento ito sa kasaysayan, mula bago ang kasaysayan at pinakamaagang tala ng relihiyon ng Sinaunang Ehipto at relihiyon ng Sinaunang Mesopotamia hanggang sa mga namamayaning relihiyon ng klasikong antigwedad, tulad ng relihiyon ng sinaunang Griyego at relihiyon ng sinaunang Romano, at sa mga relihiyong etniko tulad ng paganismong Aleman, Eslabo, at Baltico at mga relihiyong Katutubong Amerikano.

Kabilang sa mga kilalang mga relihiyong politeistiko ngayon ang Taoismo, Shenismo o pambayang relihiyong Tsino, Shintong Hapon, Santería, karamihan sa Tradisyunal na relihiyong Aprikano,[3] iba't ibang pananampalatayang neopagano, at ilang anyo ng Hinduismo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ulrich Libbrecht. Within the Four Seas...: Introduction to Comparative Philosophy. Peeters Publishers, 2007. ISBN 9042918128. p. 42 (sa Ingles).
  2. "Tafsir Ibn Kathir - 6:161 - english". quran.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kimmerle, Heinz (2006-04-11). "The world of spirits and the respect for nature: towards a new appreciation of animism". The Journal for Transdisciplinary Research in Southern Africa (sa wikang Ingles). 2 (2): 15. doi:10.4102/td.v2i2.277. ISSN 2415-2005.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)