Ang lingua franca ( /ˌlɪŋɡwə ˈfræŋkə/; lit. Prangkong wika),[1] na kilala rin bilang wikang tulay, karaniwang wika, wika pangkalakal, wikang pantulong, o wikang nag-uugnay, ay isang wika o dayalekto na sistematikong ginamit upang makapagsalita sa isa't isa ang mga taong nagkakaiba sa katutubong wika o dayalekto, lalo na kung ito ay pangatlong wika na iba sa dalawang katutubong wika ng nananalita.[2]

1839 - Teksto sa mga wikang Tsino, Malay, at Ingles – Malay ang naging lingua franca sa buong Kipot ng Malaka, kabilang ang mga baybayin ng Tangway ng Malaya (ngayon sa Malaysia) at ang silangang baybayin ng Sumatra (ngayon sa Indonesya), at itinatag bilang isang katutubong wika ng bahagi ng kanlurang baybayin ng Sarawak at Kanlurang Kalimantan sa Borneo.

Nabuo ang mga lingua franca sa buong mundo sa buong kasaysayan ng tao, kung minsan dahil sa mga dahilang komersyal (tinaguriang "wikang pangalakal" na nagpadali sa kalakalan), ngunit para rin sa dahilang kultural, relihiyoso, diplomatiko at pang-administratibo, at bilang paraan ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga dalub-agham at mga iba pang iskolar ng iba't ibang nasyonalidad.[3][4] Nakuha ang termino mula sa edad medyang Mediteraneong Lingua Franca, isang wikang pabalbal batay sa Romanse na ginamit (lalo na ng mga mangangalakal at marino) bilang lingua franca sa Rehiyon ng Mediteraneo mula ika-11 hanggang ika-19 na siglo. Ang wikang pandaigdig – isang wika na sinasalita sa buong mundo at ng mararaming tao – ay isang wika na maaaring sumilbi bilang pandaigdigang lingua franca.

KatangianBaguhin

Ang Lingua Franca ay tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga taong na mayroong magkaiibang katutubong wika.[5] Maaari itong tumukoy sa mga wikang halo tulad ng mga pidgin at kreolo na ginagamit pangkomunikasyon ng mga iibang pangkat-wika. Maaari rin itong tumukoy sa mga katutubong wika sa isang bansa (kadalasang isang mananakop) ngunit ginamit bilang pangalawang wika para sa komunikasyon sa pagitan ng mga komunidad na may magkakaibang wika sa isang kolonya o dating kolonya.[6] Ang Lingua Franca ay isang terminong kapaki-pakinabang na malaya sa anumang kasaysayang linggwistiko o istraktura ng wika.[7]

Ang mga lingua franca ay kadalasang mga wikang umiiral na may katutubong nananalita, ngunit maaari rin silang maging mga pidgin o mga wikang kreolo na binuo para sa partikular na rehiyon o konteksto. Mabilis na nabuo ang mga wikang pidgin, at sila ay pinapayak na kumbinasyon ng dalawa o higit pang wikang matatag. Samantala, ang mga kreolo ay karaniwang itinuturing bilang mga pidgin na umusbong sa ganap at masalimuot na wika sa landas ng paggamit ng mga kasunod na henerasyon.[8] Ginagamit ang mga lingua francang umiiral na tulad ng Pranses upang mapadali ang interkomunikasyon sa malakihang pangangalakal o pampulitikang usapin, habang madalas na lumilitaw ang mga pidgin at kreolo mula sa mga sitwasyong kolonyal at tiyak na pangangailangan para sa komunikasyon sa pagitan ng mga kolonista at mga katutubong mamamayan.[9] Ang mga lingua francang umiiral na ay karaniwang laganap, lubos na binuong wika na may mararaming katutubong nananalita. Sa kabaligtaran, ang mga wikang pidgin ay napakapinadaling na paraan ng komunikasyon na naglalaman ng maluwag na istruktura, kaunting mga alituntunin ng balarila, at pagkakaroon ng kakaunti o walang katutubong nananalita. Mas buo ang mga wikang kreolo kaysa sa kanilang mga ninunong pidgin at gumagamit ng mas kumplikadong istraktura, bararila, at talasalitaan, pati na rin ang pagkakaroon ng malaking pamayanan ng mga katutubong nananalita.[10]

Samantalang ang wikang bernakular ay ang katutubong wika ng isang tiyak na heograpikong komunidad, ang lingua franca ay ginagamit sa labas ng mga hangganan ng kanyang orihinal na komunidad, para sa dahilang pangkalakal, panrelihiyon, pampulitika, o pang-akademiko. Halimbawa, bernakular ang Ingles sa Reyno Unido ngunit ginagamit bilang lingua franca sa Pilipinas, katabi ng Filipino. Nagsisilbi ang Arabe, Pranses, Mandarin, Kastila, Portuges, Hindustani, at Ruso ng magkatulad na layunin bilang mga lingua francang pang-industriya/pang-edukasyon sa ibayo patungo sa mga hangganan ng rehiyon at bansa.

Ang mga nalikhang pandaigdigang wikang awksilyar na may layuning maging lingua franca tulad ng Esperanto at Lingua Franca Nova ay hindi pa nagkaroon ng sapat na paggamit sa buong mundo kaya hindi sila maituturing bilang mga pandaigdigang lingua franca.[11]

EtimolohiyaBaguhin

Nagmula ang salitang lingua franca sa Mediteraneong Lingua Franca, isang wikang pidgin na ginamit ng mga tao sa Lebante at silangang Dagat Mediteraneo bilang pangunahing wika ng komersyo at diplomasya mula sa huling bahagi ng gitnang kapanahunan, lalo na sa panahon ng Renasimiyento, hanggang sa ika-18 siglo.[12][6] Sa panahong iyon, namayani ang mga nagnanalita ng Italyano sa kalakalang dagat sa mga lungsod-daungan ng Imperyong Otomano at isang pinasimpleng bersyon ng Italyano na pinagsamahan ng mararaming salitang hiram mula sa Griyego, Lumang Pranses, Portuges, Oksitan, at Kastila pati na rin ang Arabe at Turko na naging gamit na gamit bilang "lingua franca" (sa pangkaraniwang diwa) ng rehiyon.

Sa Lingua Franca (ang wikang tiyak), ang kahulugan ng lingua ay wika, tulad ng sa Portuges at Italyano, at ang franca ay may kaugnayan sa frankankoi sa Griyego at faranji sa Arabe pati na rin ang Italyanong katumbas. Sa lahat ng tatlong kaso, ang literal na kahulugan ay "Prangko" na humahantong sa direktang pagsasalinwika: "wika ng mga Prangko". Sa huling bahagi ng Imperyong Bisantino, inilalapat ang "Prangko" sa lahat ng mga Kanluraning Europeo.[13][14][15]

Sa pamamagitan ng mga pagbabago ng salita sa panitikan, napakahulugan ang Lingua Franca bilang pangkalahatang termino para sa mga pidgin, kreolo, at ilan o lahat ng anyo ng mga wikang behikular. Naugnayan ag ppagbagoang kahulugan a ideya na naging kilalang-kilala lang ang mga wikang pidgin mula pa noong ika-16 na siglo sa dahil sa Europeong kolonisasyon ng mga kontinente tulad ng mga Amerika, Aprika, at Asya. Sa panahong ito, lumitaw ang pangangailangan para sa termino upang itukoy itong mga wikang pidgin, samakatuwid ang pagbabago ng kahulugan ng Lingua Franca mula sa pangngalang pantangi tungo sa pangngalang pambalana na sumasaklaw sa mararaming uri ng mga wikang pidgin.[16]

Nito lamang huling bahagi ng ika-20 siglo, nilimitahan ng ilan ang paggamit ng pangkaraniwang termino upang mangahulugan lamang sa mga wikang halo-halo na ginagamit bilang mga wikang behikular, ang orihinal na kahulugan nito.[17]

Mga halimbawaBaguhin

Ginamit ang mga lingua franca kahit noong sinaunang panahon. Ang Latin at Griyegong Koine ay ang mga lingua franca ng Imperyong Romano at kulutang Helenistiko. Nanatili ang Akadio (namatay noong panahon ng Sinaunang Klasiko) at pagkatapos ang Arameo bilang mga karaniwang wika ng malaking bahagi ng Kanlurang Asya mula sa ilang mga naunang imperyo.[18][19]

Ang wikang Hindustani (Hindi-Urdu) ay ang lingua franca ng Pakistan at Hilagang Indya.[20][21] Maraming mga Indyanong estado ang nagpatibay ng Pormula ng tatlong-wika kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral sa mga estadong nagsasalita ng Hindi ng: "(a) Hindi (kasama ang Sanskrito bilang bahagi ng kursong pinaglakip); (b) Urdu o anumang iba pang modernong wika ng Indya at (c) Ingles o anumang iba pang modernong wika ng Europa." Para naman sa mga estadong di-nagsasalita ng Hindi, tinuturo ang: "(a) ang wikang panrehiyon; (b) Hindi; (c) Urdu o anumang iba pang modernong wikang Indyano maliban sa (a) at (b); at (d) Ingles o anumang iba pang modernong wika ng Europa."[22] Lumitaw rin ang Hindi bilang lingua franca para sa mga lokal ng Arunachal Pradesh, isang estadong may sari-saring wika sa Hilagang-silangang Indya.[23][24] Tinatayang 90 bahagdan ng populasyon ng estado ang nakaaalam ng Hindi.[25]

Ang Indones – na nagmula sa isang uri ng wikang Malay na sinasalita sa Riau – ay ang wikang opisyal at lingua franca sa Indonesya at nauunawaan nang marami sa mga lupaing nagsasalita ng Malay kabilang ang Malaysia, Singapore at Brunei, bagaman mas marami katutubong nagsasalita ng Habanes. Gayunpaman, ang Indonesian ang tanging wikang opisyal at sinasalita sa buong bansa.

 
  Mga rehiyon kung saan ang Ingles ay katutubong wika ng karamihan
  Mga rehiyon kung saan opisyal ang Ingles ngunit hindi ito katutubong wika ng karamihan

Nadebelop ang Swahili bilang lingua franca sa pagitan ng mga iilang pangkat na nagsasalita ng Bantu sa silangang baybayin ng Aprika na may mabigat na impluwensya mula sa Arabe.[26] Ang mga pinakaunang halimbawa ng pagsulat sa Swahili ay mula 1711.[27] Noong unang bahagi ng 1800, lumipat sa interyor ang paggamit ng Swahili bilang lingua franca kasama ang Arabeng mangangalakal ng garing at alipin. Sa kalaunan ay pinagtibay rin ito ng mga Europeo sa mga panahong kolonyal sa lugar. Ginamit ito ng mga Alemanong kolonisador bilang wika ng pangangasiwa sa Tanganyika, na nagimpluwensya sa pagpili na gamitin ito bilang pambansang wika na ngayo'y nasa independiyenteng Tanzania.[26]

Sa Unyong Europeo, humantong ang paggamit ng Ingles bilang isang lingua franca sa mga mananaliksik na siyasatin kung lumitaw na ang isang bagong dayalekto ng Ingles (Ingles Euro).[28]

Noong naging kolonyal na kapangyarihan ang Reyno Unido, nagsilbi ang Ingles bilang lingua franca ng mga kolonya ng Imperyong Britaniko. Sa panahong post-kolonyal, ang ilan sa mga bagong nilikhang bansa na may maraming wikang katutubo ay pumiling magpatuloy sa paggamit ng Ingles bilang wikang opisyal.

Ang Pranses ay lingua franca pa rin sa karamihan ng mga bansa sa Kanluran at Gitnang Aprika at isang wikang opisyal ng marami, isang nalalabi sa kolonyalismong Pranses at Belhiko. Ang mga bansang ito sa Africa at iba pa ay mga miyembro ng Prangkoponya.

Ginagamit at nauunawaan nang marami ang Ruso sa Gitnang Asya at Kaukasya, mga lugar na dating bahagi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet, at sa halos lahat ng Gitnang at Silangang Europa. Ito ay nananatiling wikang opisyal ng Komonwelt ng Nagsasariling Estado. Ang Ruso ay isa rin sa anim na wikang opisyal ng mga Nagkakaisang Bansa.[29]

Sa Qatar, ang pamayanang medikal ay pangunahing binubuo ng mga manggagawa mula sa mga bansa kung saan hindi katutubong wika ang Ingles. Sa mga larangan ng medisina at ospital, karaniwang nakikipag-usap ang mga nars sa ibang mga propesyonal sa Ingles bilang lingua franca.[30] Humantong ang pangyayaring ito sa interes sa pagsasaliksik ng mga kahihinatnan at kakayahan ng pamayanang medikal na makipag-usap gamit ang lingua franca.[30]

Ang Persyano ay lingua franca rom ng Iran at ang pambansang wika.

Ang Hausa ay maaari ring ituring bilang lingua franca sapagkat ito ang wika ng komunikasyon sa pagitan ng mga nagsasalita ng iba't ibang wika sa Hilagang Nigeria at iba pang mga bansa sa Kanlurang Aprika.

Ang tanging dokumentadong wikang pakumpas na ginamit bilang lingua franca ay Wikang Pakumpas ng Indyano ng Kapatagan, na ginamit sa buong bahagi ng Hilagang Amerika. Ginamit ito bilang pangalawang wika sa mga katutubong mamamayan. Sa tabi o isang hinango ng Wikang Pakumpas ng Indyano ng Kapatagan ay Wikang Pakumpas ng Talampas, na lipas na ngayon. Maaaring ganyan din ang Wikang Pakumpas ng Inuit sa Arktiko sa mga Inuit para sa komunikasyon sa mga hangganan ng oral na wika, ngunit kaunti lamang ang pananaliksik tungkol dito.

Karagdagang pagbabasaBaguhin

  • Hall, R.A. Jr. (1966). Pidgin and Creole Languages. Cornell University Press. ISBN 0-8014-0173-9.
  • Heine, Bernd (1970). Status and Use of African Lingua Francas. ISBN 3-8039-0033-6.
  • Kahane, Henry Romanos (1958). The Lingua Franca in the Levant.
  • Melatti, Julio Cezar (1983). Índios do Brasil (48 edisyon). São Paulo: Hucitec Press.
  • Ostler, Nicholas (2005). Empires of the Word. London: Harper. ISBN 978-0-00-711871-7.
  • Ostler, Nicholas (2010). The Last Lingua Franca. New York: Walker. ISBN 978-0-8027-1771-9.

Tingnan dinBaguhin

TalasanggunianBaguhin

  1. "lingua franca – definition of lingua franca in English from the Oxford dictionary". Oxforddictionaries.com. Nakuha noong 18 June 2015.
  2. Viacheslav A. Chirikba, "The problem of the Caucasian Sprachbund" in Pieter Muysken, ed., From Linguistic Areas to Areal Linguistics, 2008, p. 31. ISBN 90-272-3100-1
  3. Nye, Mary Jo (2016). "Speaking in Tongues: Science's centuries-long hunt for a common language". Distillations. 2 (1): 40–43. Nakuha noong 20 March 2018.
  4. Gordin, Michael D. (2015). Scientific Babel: How Science Was Done Before and After Global English. Chicago, Illinois: University of Chicago Press. ISBN 9780226000299.
  5. "vehicular, adj." OED Online. Oxford University Press, July 2018. Web. 1 November 2018.
  6. 6.0 6.1 LINGUA FRANCA:CHIMERA OR REALITY? (PDF). ISBN 9789279189876.
  7. Intro SociolinguisticsPidgin and Creole Languages: Origins and Relationships – Notes for LG102, – University of Essex, Prof. Peter L. Patrick – Week 11, Autumn term.
  8. Romaine, Suzanne (1988). Pidgin and Creole Languages. Longman.
  9. "Lingua Franca, Pidgin, and Creole". 3 April 2015. Nakuha noong 29 April 2019.
  10. "The Difference Between Lingua Franca, Pidgin, and Creole Languages". Teacher Finder. Nakuha noong 29 April 2019.
  11. Directorate-General for Translation, European Commission (2011). "Studies on translation and multilingualism" (PDF). Europa (web portal). Itinabi mula sa orihinal (PDF) noong 2012-11-15.
  12. "lingua franca | linguistics". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 8 August 2017.
  13. Lexico Triantaphyllide online dictionary, Greek Language Center (Kentro Hellenikes Glossas), lemma Franc ( Φράγκος Phrankos), Lexico tes Neas Hellenikes Glossas, G.Babiniotes, Kentro Lexikologias(Legicology Center) LTD Publications. Komvos.edu.gr. 2002. ISBN 960-86190-1-7. Nakuha noong 18 June 2015. Franc and (prefix) franco- (Φράγκος Phrankos and φράγκο- phranko-
  14. "An etymological dictionary of modern English : Weekley, Ernest, 1865–1954 : Free Download & Streaming : Internet Archive". Nakuha noong 18 June 2015.
  15. [1] Naka-arkibo 12 October 2014 sa Wayback Machine.
  16. Brosch, C. (2015). "On the Conceptual History of the Term Lingua Franca". Apples - Journal of Applied Language Studies. 9 (1): 71–85. doi:10.17011/apples/2015090104.
  17. Webster's New World Dictionary of the American Language, Simon and Schuster, 1980
  18. Ostler, 2005 pp. 38–40
  19. Ostler, 2010 pp. 163–167
  20. Mohammad Tahsin Siddiqi (1994), Hindustani-English code-mixing in modern literary texts, University of Wisconsin, ... Hindustani is the lingua franca of both India and Pakistan ...Padron:Self-published source
  21. Lydia Mihelič Pulsipher; Alex Pulsipher; Holly M. Hapke (2005), World Regional Geography: Global Patterns, Local Lives, Macmillan, ISBN 0-7167-1904-5, ... By the time of British colonialism, Hindustani was the lingua franca of all of northern India and what is today Pakistan ...
  22. "Three Language Formula". Government of India Ministry of Human Resource Development Department of Education. Itinabi mula sa orihinal noong 22 February 2012. Nakuha noong 16 May 2016.
  23. Chandra, Abhimanyu (22 August 2014). "How Hindi Became the Language of Choice in Arunachal Pradesh." Scroll.in. Retrieved 12 March 2019.
  24. http://www.censusindia.gov.in/2011census/C-17.html
  25. Roychowdhury, Adrija (27 February 2018). "How Hindi Became Arunachal Pradesh's Lingua Franca." The Indian Express. Retrieved 12 March 2019.
  26. 26.0 26.1 "Swahili language". Encyclopædia Britannica. 27 August 2014. Nakuha noong 29 April 2019.
  27. E. A. Alpers, Ivory and Slaves in East Central Africa, London, 1975.., pp. 98–99 ; T. Vernet, "Les cités-Etats swahili et la puissance omanaise (1650–1720), Journal des Africanistes, 72(2), 2002, pp. 102–105.
  28. Mollin, Sandra (2005). Euro-English assessing variety status. Tübingen: Narr. ISBN 382336250X.
  29. "Department for General Assembly and Conference Management – What are the official languages of the United Nations?". United Nations. Itinabi mula sa orihinal noong 12 October 2007. Nakuha noong 25 January 2008.
  30. 30.0 30.1 Tweedie, Gregory; Johnson, Robert. "Listening instruction and patient safety: Exploring medical English as a lingua franca (MELF) for nursing education". Nakuha noong 6 January 2018.

Mga kawing panlabasBaguhin