Imperyong Sasanida

(Idinirekta mula sa Imperyong Sasanian)

Ang Imperyong Sasanida ( /səˈsɑːniən,_səˈsniən/), opisyal bilang Imperyo ng mga Iraniyano at tinatawag ring Imperyong Neo-Persiyano ng mga dalubhasa sa kasaysayan,[9] ay ang huling Imperyong Iraniyano bago ang pananakop ng mga Muslim noong ika-7 hanggang ika-8 siglo CE. Ang pangalan nito ay hinago sa Dinastiyang Sasanida at naghari ng higit sa apat na siglo mula 224 hanggang 651 KP.[2][10] Ang Imperyong Sasanida ang pumalit sa Imperyong Parto at muling naitatag ang mga Persiyano bilang mahalagang kapangyarihan sa sinaunang panahon kasama ng katabi nitong katunggaling Imperyong Romano.[11][12][13]

Imperyo ng mga Iraniyano
Ērānšahr[a][2]
224 CE–651 CE
Watawat ng Persiya
Derafsh Kaviani
(watawat ng estdao)
Simurgh (sagisag ng imperyo) ng Persiya
Simurgh
(sagisag ng imperyo)
Ang Imperyong Sasanida sa pinakamalaking lawak nito noong c. 620, sa ilalim ni Khosrow II
Ang Imperyong Sasanida sa pinakamalaking lawak nito noong c. 620, sa ilalim ni Khosrow II
Kabisera
Karaniwang wikaGitnang Persa (opisyal)[4]
Iba pang mga wika
Relihiyon
PamahalaanMonarkiyang pyudal[5]
Shahanshah 
• 224–241
Ardashir I (una)
• 632–651
Yazdegerd III (huli)
PanahonHuling Sinaunang Panahon
• Labanan ng Hormozdgan
28 Abril 224 CE
• Ang Digmaang Iberyo
526–532 CE
• Kasukdulang Digmaang Romano–Persa ng 602–628
602–628 CE
• Digmaang sibil[6]
628–632 CE
• Pananakop ng Muslim
633–651 CE
• Pagbagsak ng Imperyong Sasanida
651 CE
Lawak
550[7][8]3,500,000 km2 (1,400,000 mi kuw)
Pinalitan
Pumalit
Imperyong Parto
Kaharian ng Iberyo
Imperyong Kushan
Kaharian ng Armenyo
Mga Hari ng Persis
Kalipatong Rashidun
Dinastiyang Dabuyid
Dinastiyang Bavand
Mga Zarmihrid
Mga Masmughan ng Damavand
Dinastiyang Qarinvand
Tokhara Yabghus

Itinatag ito ni Ardashir I na pinunong umakyat sa kapangyarihan sa paghina ng Imperyong Parto mula sa mga panloob na digmaan nito at mga pakikidigma sa Imperyong Romano. Pagkatapos matalo ni Ardashir I ang huling haring Parto na si Artabanus IV sa Labanan ng Hormozdogan noong 224 CE, kanyang itinatag ang Dinastiyang Sasanida at naglayon na muling ibalik ang legasiya ng Imperyong Akemenida sa pamamagitan ng pagpapalawig ng sakop ng Iran. Sa rurok nito, sinakop ng Imperyong ito ang kasalukuyang Iran at Iraq at mula silangang Mediteraneo (kabilang ang Anatolia at Ehipto) hanggang sa mga bahagi ng modernong Pakistan sa katimugang Arabia hanggang sa Kaukasya at Gitnang Asya. Tinuturing ang panahon ng imperyong Sasanida na pinakamahalagang punto sa kasaysayan ng Iran at sa maraming mga paraan ang rurok ng kulturang Iraniyano bago ang pananakop ng mga Muslim sa ilalim ng Kalipatong Rashidun at Islamisasyon ng Iran. Pumayag ang mga Sasaniyo sa pag-iral ng iba't ibang pananampalataya at kultura ng kanilang mga sinakop at nagsulong ng isang masalimuot at sentralisadong burokrasyang pamahalaan at muling pagbuhay sa Zoroastrianismo bilang nagbibigay lehitimiya at nagkakaisang puwersa ng kanilang pamumuno.

Mga pananda

baguhin
  1. Bayabay sa Aklat na Pahlavi:   (ʾylʾnštr'); Baybay sa Pang-inskripsyon na Pahlavi: 𐭠𐭩𐭥𐭠𐭭𐭱𐭲𐭥𐭩 (ʾyrʾnštry), 𐭠𐭩𐭫𐭠𐭭𐭱𐭲𐭥𐭩 (ʾylʾnštry); Modernong Persiyano: ایرانشهر kung saan galing ang mga katawagan sa Bagong Persa na Iranshahr at Iran[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. MacKenzie, D. N. (2005), A Concise Pahlavi Dictionary (sa wikang Ingles), London & New York: Routledge Curzon, p. 120, ISBN 978-0-19-713559-4{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 (Wiesehöfer 1996)
  3. "Ctesiphon – Encyclopaedia Iranica" (sa wikang Ingles). Iranicaonline.org. Nakuha noong 2013-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Daryaee 2008, pp. 99–100.
  5. First Encyclopaedia of Islam: 1913–1936. Brill. 1993. p. 179. (sa Ingles)
  6. Pourshariati 2008, p. 4.
  7. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of World-Systems Research (sa wikang Ingles). 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. Nakuha noong 11 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D.". Social Science History (sa wikang Ingles). 3 (3/4). p. 122. doi:10.2307/1170959. JSTOR 1170959.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Fattah, Hala Mundhir (2009). A Brief History of Iraq (sa wikang Ingles). Infobase Publishing. p. 49. ISBN 978-0-8160-5767-2. Historians have also referred to the Sassanian Empire as the Neo-Persian Empire.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "A Brief History". Culture of Iran (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobyembre 2001. Nakuha noong 11 Setyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. (Shahbazi 2005)
  12. Norman A. Stillman The Jews of Arab Lands pp 22 Jewish Publication Society, 1979 ISBN 0827611552
  13. International Congress of Byzantine Studies Proceedings of the 21st International Congress of Byzantine Studies, London, 21–26 August 2006, Volumes 1–3 pp 29. Ashgate Pub Co, 2006 ISBN 075465740X