Simbahan ng Silangan

Ang Simbahan ng Silangan (Siriako: ܥܕܬܐ ܕܡܕܢܚܐʿĒ(d)tāʾ d-Maḏn(ə)ḥāʾ) o Simbahang Nestoryano ay isang Simbahang Kristiyano na bahagi ng Kristiyanismong Siriako ng Silangang Kristiyanismo. Ito ang simbahan ng Imperyong Sassanid ng Persia at mabilis na kumalat nang malawak sa buong Asya. Sa pagitan ng ika-9 at ika-14 siglo CE, ito ang pinakamalaking simbahang Kristiyano sa buong mundo sa nasasakupan nitong heograpiko na may maga diyosesis na sumasaklaw mula Mediterraneo hanggang Tsina at India. Ang ilang mga modernong simbahan ay nag-aangkin ng pagpapatuloy ng historikal na Simbahan ng Silangan. Ito ay pinamumunuan ng mga Patriarka ng Silangan na nagpatuloy ng isang linya na ayon sa tradisyong ito ay bumabalik sa panahon ng mga Apostol. Sa Liturhiya, ang simbahang ito ay sumusunod sa Ritong Silangang Siriano at sa teolohiya ay nauugnay sa doktrina ng Nestorianismo na nagbibigay diin sa pagiging natatangi ng mga kalikasang diyos at tao ni Hesus. Ang tagapagtaguyod ng doktrinang ito na si Nestorio ay kinondena ng Unang Konseho ng Efeso na humantong sa Paghahating Nestoriano at kalaunang mga paglisan ng mga tagasuporta ni Nestoryo sa Sassanid, Persia. Tinanggap ng mga umiiral na Kristiyano ang mga lumikas na ito at unti unting tumanggap sa doktrinang Nestoriano na humantong sa Simbahan ng Persia na alternatibong makilala sa Simbahang Nestoriano. Ang simbahang ito ay mabilis na lumago sa ilalim ng mga Sassanid at kasunod ng panankop na islamiko ng Persia ay tinakdaan bilang isang protektadong pamayanang dhimmi sa ilalim ng pamumunong Muslim. Mula ika-6 siglo CE, ito ay malaking lumawak na nagtatag ng mga pamayanan sa India, Sentral na Asya at Tsina. Noong ika-13 at ika-14 siglo, ang simbahang ito ay nakaranas ng isang huling panahon ng paglawak sa ilalim ng Imperyong Mongol na may mga maimpluwensiya (influential) na Kristiyanong Nestoryano sa korteng Mongol.

Mga sanggunian

baguhin