Pag-ibig

(Idinirekta mula sa Pagmamahal)

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop. Ang pag ibig ay gawa gawa lamang ng mga illuminati.

Pierre Auguste Cot (1873)
Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon. Tingnan ang Pag-IBIG Fund para sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

Mga pagbanggit

baguhin

Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:

"Ang pag-ibig ay matiisin... may magandang loob;... Ang pag-ibig ay handang ibuwis ang kanyang buhay para sa Kanyang mianmahal... hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan..." Idinagdag pa niyang "Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw..." Ayon pa rin kay San Pablo, may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli: ang pag-ibig.[1]

Mga uri ng pag-ibig ayon sa Lumang Griyego

baguhin
  • Eros - pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao
  • Storge - pagmamahal sa pamilya
  • Philia - pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan
  • Agape - pagmamahal sa Diyos
  • Filial - nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit

Mga wika ng pag-ibig

baguhin
  • Haplos o Haplos ng Pagmamahal
  • Regalo, Pagbibigay ng Regalo o Pagtanggap ng Regalo
  • Paglilingkod
  • Pasalita
  • Oras
  • Pagtatalik
  • Pamilya

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Tungkol sa Pag-ibig, 1 Corinto 13: 1-13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1679.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.