Aklat ni Isaias

(Idinirekta mula sa Aklat ni Isaiah)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Isaias[1] o Aklat ni Isaiah ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang ebanghelikong si Isaias.[1]

Isaias

baguhin

Si Isaias (Hebreo: יְשַׁעְיָהוּ‎, Yəšaʿyāhū, "Si Yahweh ay Kaligtasan") ay isang propeta na itinuturing na pinakadakilang propeta sa Tanakh o Lumang Tipan ng Bibliya na sumulat ng Aklat ni Isaias kapitulo 1-39. Tinatawag siya ng Diyos sa pagkapropeta mula kamatayan ni Haring Uzzias, ca. 742 BCE at nabuhay sa mga panahon ng mga hari ng Kaharian ng Juda na sina Uzzias, Jotham, Ahaz, at Hezekias. Natanggap niya ang katungkulang humula mula sa Diyos sa loob ng Templo ni Solomon sa Herusalem sa pamamagitan ng isang pangitain.[2] Naging tungkulin ni Isaias ang akitin ang sambayanang Juda para manumbalik sa Diyos sapagkat kung hindi nila gagawin ito parurusahan sila ng Diyos. Namuhay siya noong mga mahalagang panahon kung kailan sinakop ng Imperyong Neo-Asirya ang Israel at kung kailan naging isang tributaryo o "nagbibigay ng buwis" sa Asirya ang Kaharian ng Juda at nang salakayin ng Asirya ang Herusalem sa panahon ni Hezekias

Ayon sa Pag-akyat ni Isaias, si Isaias ay pinatay ni haring Mannases na anak ni Hezekias sa pamamagitan ng paghati sa kanyang katawan sa dalawa. Ito ay may alusyon sa Sulat sa mga Hebreo 11:37.

Estilo at impluho ng pagsulat

baguhin

Dahil sa estilo ni Isaias bilang manunulat, at maging dahil sa sariwang paglalarawan ng mga kaganapan, itinuturing siyang isang makatang henyo sa larangan ng panitikang pambibliya. Isa rin siyang tanyag na pambansang pigura, partikular na sa mga usapin at gawaing pambayan. Sa kapanahun ng Bagong Tipan, karaniwang ipinaliwanag ng mga Kristiyanong manunulat na tumutukoy sa makasaysayang si Kristo ang mga propesiya ni Isaias tungkol sa pagdating ng Mesias.[2]

Pagsilang ng mga sanggol bilang tanda sa pagkubkob ng Asirya laban sa mga kaaway ni Ahaz

baguhin

Sanggol na Emmanuel

baguhin

Ayon sa Isaias Kapitulo 7, ang isang sanggol ay isisilang ng isang dalaga (Hebreo:Almah) na isisilang sa panahon ni haring Ahaz ng Kaharian ng Juda bilang tanda na hindi mananaig ang kanyang mga kaaway na sina Pekah ng Kaharian ng Israel (Samaria) at Rezin ng Aram-Damasco. Ito ay pinakahulugan ng Ebanghelyo ni Mateo na tumutukoy sa isang mesiyas at sa kapanganakang birhen ni Maria kay Hesus

Sanggol na Maher-shalal-hash-baz

baguhin

Ang sanggol na Maher-shalal-hash-baz (Hebreo: מַהֵר שָׁלָל חָשׁ בַּז, Mahēr šālāl ḥāš baz – "Pinabilis ang pagkubkob") (Kapitulo 8-9) ang ikalawang sanggol na ipinanganak upang tanda sa pagwasak ng mga kaaway ni Ahaz na sina Pekah at Rezin ni Tiglath-Pileser III ng Imperyong Neo-Asirya.

Hezekias

baguhin

Sa kapanganakan ng anak ni Ahaz na si Hezekias, si Hezekias ay inilarawan ni Isaias na haring magpapatuloy sa pamumuno sa sa trono ni David sa Kaharian ng Juda (Kapitulo 9-39). Ayon sa 2 Hari 18, si Hezekias ay isang matuwid na hari na "walang katulad niya pagkatapos niya o bago niya" na dumalisay sa Templo ni Solomon, nagbalik ng pagsamba "lamang" kay Yahweh at wumasak sa mga Asherah(2 Hari 18). Sa panahon ni Hezekias, ang kapayapaan ay sinabi ring mananaig sa Juda(Kapitulo 9-39; 39:8).

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ang Aklat ni Isaias ng mga sumusunod na mga bahagi:[1]

Kuwento ayon sa Aklat ni Isaias

baguhin

Laban sa pananakop ng mga Asiryo, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya. Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israel ay sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Aram-Damasco na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang anak ng isang taong nagngangalang Tabeel(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng dalawa ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin ngunit walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta dito. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722 BCE. Sa pag-upo sa trono ni Hezekias, ito ay napilitang sumali sa alyansa sa Sinaunang Ehipto laban sa Asirya. Tinuligsa ni Isaias ang alyansang ito (Kapitulo 28-30). Nang ca. 701 BCE, sinalakay ng hari ng Imperyong Neo-Asirya na si Sennacherib at Judah at ang Herusalem ngunit ito ay umurong. Ayon sa Kapitulo 38, ito ay dahil sa isang milagro kung saan pinatay ng anghel ni Yahweh ang mga hukbo ni Sennacherib na ayon sa mga iskolar ay isang alamat. Ayon sa mga salasay sa rekord na Asiryo, ang isang bagong himagsikan ay sumiklab sa Babilonya nang taong ito at patuloy ang pagtugis ng mga Asiryo kay Marduk-apla-iddina II. Pagkatapos ng pagsalakay ni Sennacherib, si Hezekias ay nagkasakit ngunit pinangakuan ng karagdagang 15 taon sa kanyang buhay(20:6) at ang anino sa hagdan ay lumipat sa kabilang direksiyon(38:8) Nang malaman ito ng hari ng Babilonya na si Marduk-apla-iddina II na tinalo ni Sennacherib sa kanyang unang pakikidigma sa Babilonya, nagpadala siya ng mga sugo kay Hezekias upang makiusyoso at pinakitaan ni Hezekias ang mga ito ng lahat ng mga kayamanang kanyang nalikom. Dahil dito, sinuway siya ni Isaias at sinabing ang lahat ng mga kayamanang ito ay kukunin ng mga Babilonyo at dadalhin sa Lungsod ng Babilonya (Isaias 39).

Komposisyon

baguhin

Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo at Kristiyano, ang buong Aklat ni Isaias ay isinulat ni propeta Isaias noong ika-8 siglo BCE. Gayunpaman, ang mga modernong skolar ng Bibliya ay nagbigay konklusyon na ang aklat na ito ay hindi maaaring isinulat ng isang may-akda.[3]:p.1[4] Ang mga obserbasyon na tumungo sa konklusyong ito ang sumusunod:[5]

  • Mga propesiya: Ang mga talata ng Isaias 40–66 ay tumutukoy sa mga pangyayaring hindi nangyari sa sinasabing panahon ni Isaias gaya ng pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Neo-Babilonya bilang pandaigdigang kapangyarihan, ang pagkakawasak ng Kaharian ng Juda ng Imperyong Neo-Babilonya at ang pag-akyat ni Cirong Dakila na mga ebidensiya nang kalaunang komposisyo ng aklat na ito.[6] Ginamit ni R. N. Whybray ang mga talatang ito upang tukuyin ang panahon ng mga aktibidad ng Deutero-Isaias mula 550 BCE hanggang 539 BCE).[7]
  • Anonimidad: Ang paggamit ng pangalang Isaias ay biglaang huminto pagkatapos ng Kapitulo 39.
  • Istilo → May biglaang pagbabago sa istilo at teolohiya pagkatapos ng Kapitulo 40.[8] Maraming mga mahahalgang salita at parirala na matatagpuan sa isang seksiyon ay hindi matatagpuan sa ibang mga seksiyon.[9]
  • Sitwasyong historikal: Ang sitwasyong historikal ay dumaan sa tatlong mga yugto: Sa mga kapitulo 1-39, ang may-akda nito ay nagsasalita ng paghatol na babagsak sa mga masasamang Israelita. Sa mga kapitulo 40-55, ang pagkakawasak ng Herusalem at Templo nito noong 587 BCE ay tinrato bilang nagganap nang katotohanan at ang pagbagsak ng Imperyong Neo-Babilonya ay itinuring bilang nalalapit na banta. Sa mga kapitulo 56-66, ang pagbagsak ng Imperyo Babilonia ay nasa nakaraan na(past).[9]

Dahil sa mga ebidensiyang ito, hinati ng mga skolar ang aklat na ito sa tatlong mga bahagi:[10]

  • Kapitulo 1 hanggang 39 (na tinerminuhang Unang Isaias, Proto-Isaias o Orihinal na Isaias): ito ay akda ng orihinal na nagpakilalang propetang Isaias na nasa sa Herusalem sa pagitan ng 740 at 687 BCE.[11]
  • Kapitulo 40 hanggang 55 (na tinerminuhang Ikalawang Isaias o Deutero-Isaias): ito ay isinulat ng isang hindi kilalang may-akda na namuhay sa Lungsod ng Babilonya sa huli nang pagkakatapon sa Babilonya ng mga Israelita.[10]:418
  • Kapitulo 56 hanggang 66 (na tinerminuhang Ikatlong Isaias o Trito-Isaias): ito ay isinulat ng mga hindi kilalang alagad na naghahangad na ipagpatuloy ang akda ni Isaias pagkatapos ng pagkakatapon ng mga taga-Juda sa Lungsod ng Babilonya.[10]:444 (Ang ilang mga skolar ay nagmungkahing ang Kapitulo 55-66 ay isinulat ng Deutero-Isaias pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Neo-Babilonya)[12]

Ito ay nagpapahiwatig na ang sekwensiya ng bago ang pagkakatapon(pre-exilic), pagkakatapon(exilic) at pagkatapos ng pagkakatapon(post-exilic) ay medyo nakaliligaw dahil ang labis na pagbabago o editing ay nangyari sa lahat ng mga seksiyong ito. [13]:p.183

Walang katiyakan kung paanong ang mga seksiyong Deutero-Isaias at Trito-Isaias ay naidugtong sa orihinal na Isaias. Ang dalawang magkalabang mga teoriya ng skolar ay ang Deutero-Isaias ay isinulat bilang pagpapatuloy ng Proto-Isaias o ito ay isinulat nang hiwalay at naidugtong sa unang seksiyon sa kalaunang panahon. [14]

Sa Nagkakaisang mga Bansa

baguhin
 
Ang taludtod mula sa Isaias 2:4 na ginagamit ng Nagkakaisang mga Bansa, at nakapaskel sa pader ng isang muog malapit sa himpilan nito sa Lungsod ng New York.

Hinango ng Nagkakaisang mga Bansa ang paggamit ng isang hindi opisyal na paglalahad ng misyong pang-organisasyon, na nasa wikang Ingles, mula sa Isaias 2:4 na naglalaman ng ganitong mga pananalita:

Siya ang huhukom sa mga bansa at hahatol sa maraming bayan, at gagawing sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat. Hindi na sila gagamit ng patalim, ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.[1]

Nagsasabi ito sa Ingles ng ganito:

And he shall judge between the nations, and shall reprove many peoples: and they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruninghooks: nation shall not lift up sword against nation, neither shall they learn war any more.[15]

Ang mga sumusunod ang mismong hinango ng Nagkakaisang mga Bansa, at nakaukit sa tinatawag na Pader ni Isaias sa isang muog malapit sa himpilan nito sa Lungsod ng New York:

Sa Ingles:

They shall beat their swords into plowshares. And their spears into pruning hooks. Nation shall not lift up sword against nation. Neither shall they learn war any more.[15][16]

Na katumbas sa Tagalog na:

Gagawin (nilang) sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat. Hindi na sila gagamit ng patalim, ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Isaias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Reader's Digest (1995). "Isaiah". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sweeney, Marvin A., Isaiah 1–4 and the post-exilic understanding of the Isaianic tradition, Beiheft zur Zeitscrift für die alttestamentliche Wissenschaft 171. Berlin & New York: de Gruyter, 1988 ISBN 0-89925-404-7.
  4. For an example of the Jewish tradition concerning the composition of Isaiah in antiquity, see Josephus' Antiquities of the Jews XI, ch.1 . Josephus says that the statements about Cyrus the Great were indeed prophecies by Isaiah, but were themselves motivation for Cyrus to bring them to fulfillment as self-fulfilling prophecies. Further, Josephus says, Cyrus used the prophecies to justify and glorify his actions as divine will. For an example of the Christian tradition in antiquity, see Eusebius as reported in Hollerich, Michael J., Eusebius of Caesarea's Commentary on Isaiah: Christian exegesis in the age of Constantine (Oxford University Press, 1999), pp. 138-142. Hollerich also writes on Josephus' account.
  5. Creelman, Harlan (1917). An Introduction to the Old Testament. The Macmillan company. pp. 172.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Eng, Milton, "What's in a Name? Cyrus and the Dating of Deutero-Isaiah" in Kaltner & Stulman (eds.), Inspired Speech: Prophecy in the Ancient Near East (T&T Clark International, 2004), pp. 216-224.
  7. [1] Whybray, Roger Norman, The second Isaiah, Sheffield, England: Sheffield Academic Press, 1983 ISBN 0-567-08424-8, pp. 11–12.
  8. Bromiley, Geoffrey W. (1982). The international standard Bible encyclopedia. pp. 895–895. ISBN 978-0-8028-3782-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Mercer dictionary of the Bible
  10. 10.0 10.1 10.2 Boadt, Lawrence (1984). Reading the Old Testament: An Introduction. ISBN 978-0-8091-2631-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Introduction to the Book of Isaiah". United States Conference of Catholic Bishops. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-07. Nakuha noong 2007-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. https://www.britannica.com/topic/Book-of-Isaiah
  13. Blenkinsopp, Joseph, A history of prophecy in Israel, Louisville, Kentucky: Westminster John Knox, revised edition,1996 ISBN 0-664-25639-2
  14. Petersen, David L., "The prophetic literature: an introduction" (Westminster John Knox, 2002) p.48
  15. 15.0 15.1 Isaiah 2:4, English Revised Version, On-line Parallel Bible, SriptureText.com/Biblos.com
  16. Statement by the United Nations Secretary-General Before the Special Commemorative Meeting of the General Assembly Honouring 50 Years of Peacekeeping, 50 Year of United Nations Peacekeeping Operations, 1948-1998, UN.org, 6 Oktubre 1998: (...) Isaiah's words - "they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruninghooks; nation shall not lift up sword against nation; neither shall they learn war anymore" - will never be more than an ideal for humanity. (...)

Mga panlabas na kawing

baguhin